Chapter 4

4 0 0
                                    

"MISS Maria Grace Alice Dela Fuentez Arsol, kung gaano ka haba ang pangalan mo bakit hindi ganun ka haba ang pasensya mo at agad mong sinuntok nang malakas itong si....." mahaba na sabi nang mukhang pwet na abogado nito.

"Sino? Si Cali Mikhail De San Juan na anak ni Mayor Alejandro?" natatawa kong sabi

Napabaling ang tingin ko sa mortal kong kaaway at may bulak ito sa ilong at kasalukuyang ginagamot nang private nurse nito.

Private nurse my ass tsk.

"Maari kang makulong dahil dito" napatigil ako dahil sa sinabi nang mukhang pwet na abogado nito

"Sa tingin mo ba, natatakot akong makulong?." natatawa kong tanong dito

"Baliw ka baliw!" napabaling ang tingin ko kay Mikhail at nakita ko sa mga mata nito ang pagkagalit sakin.

"Ibigay mo sakin ang bracelet ko, tapos ang usapan." seryoso kong sabi

Ngunit tumawa lang siya at napapalakpak.

"Akala ko ba hindi ka takot makulong? bakit? naduduwag ka na?" nang aasar na tanong nito.

Punyemas pag ito sinapik ko ulit mamatay ito agad agad.

"Edi ikulong niyo ako, pakialam ko? tsaka mas maganda pa nga sa kulungan free lodging and free foods. Oh ano?" mapanghamon kung tanong dito

"Sige na Attorney John, aasikasuhin mo na yang pagsampa nang kaso sa baliw na babae na yan." nanggagalaiti na sabi nito sa abogado niyang mukhang pwet at agad na nilisan ang silid ganun din ang private nurse niya.

"Makukulong ka nang isang araw." nakangiti na sabi nito

Ano akala niya sakin? natatakot makulong? duhhhh

"Sige lang, tapos hanapin niyo ang pake ko." kampante kong sabi dito at nagkibit balikat.

"Sige maghintay ka dito mag fa-file na kami nang demanda laban sayo." muli nitong sabi

"Sige lang" walang gana kong sabi napailing nalang siya at mabilis na lumabas tsk.

"ALICE okay ka lang ba? May masakit ba sayo? sino ang gumawa nito sayo? Wala silang awa!!" napapikit nalang ako at napabuntong hininga dahil sa inasal ni Roxanne.

"Roxanne hinaan mo ang boses mo tsk, tsaka isang araw lang naman ang pagkakakulong ko eh." nakangiti kong sabi

"Alice...." napabaling ang tingin ko sa naluluha na si Nanay Elisa kasama nito si Nato at Tatay Delfin kaya agad akong tumayo at napahawak sa lintek na mga bakal nang presintong ito.

"Okay ka lang ba Alice? ilalabas ka namin dito." umiiyak na sabi nito kaya tinignan ko nang masama si Roxanne.

Sinabi ko na sa kanya na h'wag na h'wag niyang sasabihin ang nangyari sakin kina Nanay Elisa, Tatay Delfin at kay Nato.

"Okay lang po ako, tsaka isang araw lang naman ako mabubulok dito hahaha." natatawa kong sabi

"Sige na iuwi niyo na sila, at tsaka yung wallet ko! kumuha kana lang dun nang pera tsaka mag grocery ka muna bago ka umuwi." baling ko kay Roxanne

Ngumiti lang siya at kinindatan ako.

Punyemas, baka tibo 'tong si Roxanne.

"At ikaw naman Nato, ihatid mo na si Nanay Elisa at Tatay Delfin para makapaghinga na." baling ko naman sa kapatid nito.

Tumango lang siya at sumaludo sakin.

"Okay lang po ako, bukas makakauwi na din po ako. Tapos mag papa boodle fight tayo kasama ang mga kapitbahay natin. Kaya sige na po umuwi na kayo." nakangiti kong sabi sa kanila.

Alam kong tutol si Nanay Elisa at Tatay Delfin pero wala din naman silang magagawa kaya umuwi na din at umalis na din si Roxanne para makapag grocery na.

Napabuntong hininga nalang ako at tumabi sa ibang preso.

"Huy babae! ano ang nagawa mong kasalanan?" napatingin ako sa babaeng kanina pa ako binabantayan.

"Dahil kay Cali Mikhail De San Juan na anak ni Mayor Alejandro." kampante kong sabi at napangisi.

"Ano?!! Ano ba kasi ang ginawa mo sa anak ni Mayor Alejandro?!" napahawak ako sa dibdib ko nang sumigaw siya at ang ibang mga preso.

Anong big deal dun? malilintikan talaga siya sakin kapag hindi niya ibinalik sakin ang aking bracelet.

"Ayun sinapak ko" natatawa kong sabi at napasandal sa dingding.

"Ano? Nababaliw na yata ang babaeng ito."

"Tama! Baka nababaliw na siya!"

"Baliw na ang isang 'to"

Napatigil ako at tinignan silang lahat nang masama.

"Wala na kayong magagawa okay?, nagawa ko na eh." nakangisi kong sabi

"Pero alam mo ba, yang si Cali balita balita sa kabilang bayan na mayroong mga bisyo yan at kilala din siya bilang 'The Troublemaker'" chismosa na sabi nang leader nila.

At ano naman ang paki ko?

"Kagaya nang nagbebenta siya nang mga drugs?" taka kong tanong

"Ano ka ba! hindi naman ganun ka kitid ang utak niya! Sumasali lang siya rambulan ganun!" maarte na sabi nang kaibigan nito.

Tumango nalang ako sa sinabi nito.

Lintek lang ang walang ganti, Cali Mikhail De San Juan na anak ni Mayor ni Alejandro.

Lost in LoveWhere stories live. Discover now