ALICE POV
"HINDI NA niya ulit kakayanin! nahihirapan na ang anak natin!"
"Hinding hindi mo maintindihan ang nararamdaman ko bilang isang ina!"
Napabuntong hininga nalang ako dahil nag aaway na naman silang dalawa.
Kaya nagmamadali akong lumabas nang kwarto ko at bumungad sakin si mama na nakaupo na sa couch at umiiyak habang si papa naman ay nakatayo lang at napapahilamos ng mukha.
"Goodmorning ma, goodmorning pa." nakangiti kong sabi
Agad naman umiwas nang tingin si Mama at si papa naman ay ginantihan din ako nang ngiti.
"Nakoo, h'wag na kayong mag away. Tatanda agad kayo nyan sige kayo." natatawa kong sabi ako at niyakap si papa
"Maaa" malambing na tawag ko kay mama
"Kalma lang tayo." nakangiti kong sabi
"Ang daya naman ba't di ako sinama?" napatigil ako sa pangungulit kina papa at mama nang marinig ko ang boses nang damuho kong kuya.
"Aga pa nagising nang princesa namin ah?" pang aasar nito kaya kumalas ako sa pagkayakap kay papa at tinignan siya nang masama.
"Ang baho mo kuya!" inis na sabi ko
Ka aga aga kasi pumupunta na sa mga barkada niya para makipag laro nang basketball.
"Nako naman Keifer, pumunta kana sa kwarto mo at maligo na para maka kain na tayo." galit na sabi ni mama at naglakad na papuntang kusina namin.
"Panget mo talaga Alice, Sige ma!" pang aasar na sabi nito at ginulo pa ang buhok ko bago tumakbo papunta sa kwarto nito.
Kahit kailangan talaga!!!!
"Ahh papa san punta niyo?" baling ko kay papa na naglalakad na palabas nang bahay agad naman siyang napatigil at nakangiti akong tinignan.
"Pupunta muna ako sa mga kumpare ko anak." paalam nito kaya
"Sige po! Mag iingat kayo!" masaya kong sabi ngunit nag thumbs up lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad palabas nang bahay.
Kaya napagdesisyunan kong pumunta sa kusina at para ma tulungan sana si mama.
Ngunit pag kadating ko nasa mesa na ang lahat nang niluto nito.
Kaya agad akong lumapit ako dito at niyakap siya mula sa likuran niya.
"Ay nakoo! Ikaw na bata ka talaga" rinig kong sabi nito kaya napatawa nalang ako at mas hinigpitan ang pagkayakap ko sa kanya.
"H'wag na po kayo mag away ni papa." malambing na sabi ko
"Ang tigas kasi nang ama mo!! Hulaan ko! Pinuntahan na naman niya ang kumpare niya? pasaway talaga!" galit na sabi nito
Kaya napatawa nalang ako at kumalas sa pagkakayap sa kanya.
"Nakoo, kumain na lang po tayo. Kuyaaa!" nakangiti kong sabi at kinindatan si mama
Kaya napatawa nalang din siya at umupo na sa upuan na di kalaunan ay dinaluhan na ni Kuya.
"Ang daya mo naman Kuya eh!! Ako dapat yung katabi ni mama!" inis na sabi ko
Ngunit nagkibit balikat lang siya at nagsimula nang kumain kaya napaupo nalang ako upuan na inuupuan niya.
"Ano na ang balak mo sa pag aaral Kiefer?!!" basag ni mama sa katahimikan at sinigawan si Kuya
Kaya napangiti ako nang palihim dahil sa ginawa ni mama ngunit ipinagpatuloy ko pa din ang pag kain.
YOU ARE READING
Lost in Love
Romance'TRUE LOVE WAITS' -Siguro para sa inyo isa na ang salitang ito sa mga pinaka common na mga salita na palagi mong naririnig sa mga teleserye o sa mga soap opera. Pero hindi sa kanilang dalawa, dahil naging mahirap ang mga araw na naghintay sila isa't...