"GOODMORNING kuya." agad kong sabi pag kasagot ko nang tawag.
Masarap pa akong natutulog kanina ngunit umingay ang cellphone ko at nang tignan ko kung sino ito nagulat akong si Kuya ito kaya agad kong sinagot kahit gusto ko pang matulog.
"Bumili na nang ticket si mama papunta diyan, dahil may nag send sa kanya nang mga pictures mo na may kasamang lalaki at sinasabi din nito na anak ito nang Mayor." agad akong napabangon sa higaan ko at nagmamadaling lumabas nang kwarto ko
"Kuya, kamusta si papa at mama?" pigil hininga kong tanong
"Si Papa nanatiling kalmado at gusto niya munang marinig ang side mo, samantala si Mama hindi na maawat at gusto na niya agad na makadating dyan." halos mahina ang mga tuhod ko dahil sa sinabi nito
"Kuya........" mahina kong sabi
"Kagaya ni Papa Alice, gusto ko munang marinig ang side mo pero nasaktan din ako sa ginawa mo Alice." at nang sinabi niya 'yon dun na nawasak ang puso ko
Di nagtagal ay ibinababa na din niya ang tawag.
Wala akong magawa kundi napaupo nalang sa sahig habang hawak hawak ang cellphone ko at umiiyak.
"Hello sis Alice -------- Omaygash Alice ano na naman ang nangyari?!" mas lalo akong napaiyak nang marinig ko ang boses ni Roxanne
Baliw ka ba Alice ha?!! Tama yan sisihin mo ang sarili mo!! Kasalanan mo din naman ang lahat!!
"Alice ano ba kasi ang nangyayari?" rinig kong sabi nito at naramdaman ko nalang ang yakap nito
"Kasalanan ko ang lahat, kasalanan ko." halos pumiyok na sabi ko
"Sige iiyak mo muna yan, tapos pagusapan nalang natin kapag okay ka na." malumanay na sabi nito at tinapik tapik ang likod ko
Dahil ang selfish ko! Dahil sarili ko lang ang iniisip ko!
"Tumayo kana Alice at umupo ka muna." sabi nito kaya sinubukan kong tumayo ngunit humina ang tuhod ko kaya agad akong inalalayan ni Roxanne at pinaupo sa upuan tsaka inabutan ako nang isang baso nang tubig
"Nasaan sina Nanay Elisa?" mahina kong tanong at tinignan siya
"Pauwi na din dahil tumawag si Tita Flor at sinasabing pupunta daw sila dito. Ano ba talaga ang nangyari?" nag aalala nitong tanong
Ininom ko muna ang binigay nitong baso nang tubig para palakasin ang loob ko para sagutin ang tanong nito.
"May nagpadala sa kanila nang mga pictures namin ni Mikhail, at nagmamadali na silang pumunta dito para sunduin ako at sigurado akong galit na galit sila sa ginawa ko." nanginginig kong sabi
"H'wag ka nang umiyak, pagkadating nila hayaan mong kami mag explain sa kanila nang mga nangyari. Hwag kang magpakastress, smile kana." nakangiti nitong sabi
Gusto kong ngumiti at humiling na sana maging okay na ang lahat ngunit hindi ganun kadali yun. Kailangan kong harapin ang consequences nang mga karantaduhang ginawa ko.
"Pasok muna ako sa kwarto ko." nanghihina kong sabi at sinubukang tumayo
"Tulungan na kita baka mapano ka pa."
akmang hahawakan niya ang kamay ko ngunit agad ko itong inilayo."Okay lang ako, sabihan mo nalang ako kapag dumating na sila, okay lang ako." pinipigilan kong hindi umiyak habang nagsasalita ngunit ko na napigilan kaya tumakbo ako pabalik sa silid ko at napahiga sa kama ko habang yakap yakap ang unan ko.
Ganito ba kasakit ang pag ibig na sinasabi nila?
Oo alam kong kasalanan ko din ang lahat.
Pero sa kasalanan na ginawa ko, dito ko naranasan mabuhay nang normal at naranasan ko ding maging masaya.
YOU ARE READING
Lost in Love
Romance'TRUE LOVE WAITS' -Siguro para sa inyo isa na ang salitang ito sa mga pinaka common na mga salita na palagi mong naririnig sa mga teleserye o sa mga soap opera. Pero hindi sa kanilang dalawa, dahil naging mahirap ang mga araw na naghintay sila isa't...