UNA

208 11 1
                                    

Sa totoo lang , wala akong pinagsasabihan ng kahit sino sa mga sikreto ko o ng mga thoughts ko. Hindi rin ako palabasa (except sa science books at mangas) lalo na dito sa wattpad.

                                                                                      

Aral, bahay, computer, drawing at anime(not to mention ang hentai)  lang naman mga inaatupag ko sa buhay.

At yung mga nagiging “crush” ko?

Puro “pagnanasa” lang yun. Haha. (karamihan)

Pero sa totoo lang, may nadiscover ako sa sarili ko na sabihin na nating “bago” (kahit para sa iba ay pang karaniwan na lang)at dahil yun sa isang babaeng SOBRANG OBSESSED sakin na halos apat na taon akong hinintay. Kahit alam niyang wala siyang mapapala sakin.

Hindi naman ako ganun kagwapuhan (though 2 years akong naging escort ng klase namin o dahil no choice lang sila) , medyo lang. hehe.

Tahimik lang ako at medyo makulit pag inaatake ng kaotisan.

OTIS.

Yan nga pala yung madalas na itawag sakin ng mga kaklase ko.

Short for OTISTIK (AUTISTIC) pero wala naman akong sakit na autism. hehe.

 

 

FIRST YEAR HS nagsimula ang lahat.

Nakilala ko siya dahil sa isang “common friend”.

Ewan ko. Limot ko na. basta ang alam ko ay yung bestfriend niyang yun na nagpakilala sakin sakaniya ay kaklase ko nung elementary (at ex-crush na rin). Sila ring dalawa ang laging magkasama nun pag pupuntahan ako sa room, magkaiba kasi kami ng sections.

Recess time yun kung hindi ako nagkakamali.

*tok tok tok*

 

 

“Pa-excuse po kay Khristian. May sasabihin lang.”

 

 

“KHRISTIAN!! TAWAG KA!,” sasabihin naman ng kaklase ko.

 

 

Pumunta naman ako hanggang pintuan at nakita ko si Aila at isang babaeng hindi ko kakilala.

 

 

Nakatungo lang yung babaeng kasama ni Aila pero halatang namumula siya.

 

 

“O bakit?” tanong ko kay Aila.

 

 

 

“Khristian, si Rie nga pala. Rie, si Khristian.” Sabay ngiti ng malaki sakin at kay ..umm.. Rie.

 

 

“Hi.” Sabi ko habang nakatungo. Pero kita ko pa rin sila.

 

 

Ano kayang problema ng Rie na to ?

MFHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon