2ND YEAR HS. naging kaklase ko na sina Aila at Rie.
Sobrang nanibago ako sa atmosphere kasi hindi naman sila ang nakasama ko nung mga unang taon.
May mga bagong studyante rin na galing sa ibang schools.
Mukhang mababait naman silang lahat. Medyo nakakaOP lang minsan at nakakailang.
Lalo na pag may taong laging nakatingin sakin (at alam niyo na kung sino yun), kahit hindi ako natingin kay Rie alam kong tinitingnan niya ko dahil sa peripheral view ng mga mata ko.
Second year din ako nagsimulang mag sando lang sa loob ng room pag lunch break kasi mainit.
Tapos makikita ko siyang natingin.
Nakakailang lang talaga minsan.
Maayos naman ang mga nasa section nina Rie. Halos lahat nakakasundo ko pero minsan hindi rin maiwasan na pagusapan ako.. kasi nga medyo weird ako.
One time, computer time nun pero batch 2 ang kailangan pumunta sa lab (which includes me as well), hindi kasi pwede na lahat kami magpunta roon kasi kulang sa computers. Batch 1 ang natira sa room kung saan kabilang sina Rie at Aila.
Mabilis akong natapos nun sa sitwork kaya bumalik na agad ako sa room. Di ko man sinasadya pero narinig kong nagoopen forum ang mga girls.
"Yang si Khristian may pagkaweird ano? Nagsasalita mag-isa"-girlclassmate1
"Kaya nga eh. Minsan nga naabutan ko siyang nagsasalita magisa habang nagqquiz. Haha. Grabe. Gusto kong tumawa nun eh. Kaso baka mapagalitan ako." ---gc2
"wag naman kayong ganyan," nakapout namang sabi ni Rie "mabait naman siya eh."
"weirdo naman. Haha. Gwapo nga sana siya eh. Kaso parang may sira.haha."-cg3
"gwapo talaga siya. Atsaka magaling rin siya magdrawing nu. Magaling pa sa biology. Huwag nyo na lang isipin yung mga negative things about kay Khristian." She smiles weakly after saying those words.
Hindi ko malilimutan yung araw na yun.
Dun ko naramdaman na hindi pala ako nagiisa at may tao pa ring handa akong intindihin.
Naalala ko rin dati, Biology time yun. Di ko naman sinasadya pero nahuli ko siyang nakatingin sakin. I mean, tinititigan ako. Malayo ang table namin sa isa't-isa nun eh. Ewan ko lang kung tanda niya pa yun. Bigla pa niyang iniwas ang tingin nya sakin nun. Gusto kong tumawa ng pagkalakas nun e pero hindi ko magawa kasi oras ng klase. After split seconds naman ay iniwas ko na agad ang mata ko nun sakanya.
Nakaramdam ako nun ng hindi pang karaniwan sa tiyan ko. Kaya nagpaexcuse na agad ako sa klase nun. Sinabi ko na ang sakit ng tyan ko.
Pero nung palayo na ko nun sa room biglang nawawala yung mga bulate sa tyan ko (kung bulate nga ba yun o butterflies, sabi nila butterflies daw). Inisip ko na lang na "part of growing up" yun. Puberty stage. Kasi normal lang naman yun. Kaso nga lang, weird ako diba? SECOND YEAR PA LANG MALANDI NA?hay.
May isa pang pangyayari nung second year kami na hindi ko makalimutan.
Uwian na nun ng bigla akong hatakin ng isa naming kaklase pabalik sa room. Nandun din sina Aila at Rie. Randam ko ng may binabalak sila ng bigla nila kaming ipinasok sa loob ng Bio room ni Rie at nilock sa loob.
"Ah putang--- palabasin niyo kami dito!"
"Sht naman Aila~ sinasabi ko na nga ba na may binabalak kayo eh. Buksan nyo na to"
Nonstop naming na kinatok ang pinto nun. Di ko kayang tingnan nun si Rie kasi...di ko din alam kung bakit. Basta hindi ko kaya. Randam ko yung lakas ng kabog ng dibdib ko sa di ko alam na dahilan.
Mga 3 mins naming kinakatok sa loob yung pinto ng biglang buksan na nina Aila yung pinto.
"akala pa naman naming maguusap kayo sa loob," may pag-sigh pang sabi nina Aila nung pagkalabas namin. Mukhang mga disappointed sila. Yung parang dismiyado.
Dali-dali kong kinuha yung bag ko at tumakbo.
Pero narinig ko pa din ang boses ni Rie.
"Sorry Khristian!"
"bakit niyo kasi ginawa yun! Baka magalit sakin yun!" sabi pa ni Rie.
Pagkalabas ko ng school nun di ko alam kung anong gagawin.. kaya nagpunta na lang ako sa computer shop.
Di naman ako nagalit eh. Di rin ako nailang. Siguro nga kaya ganun kasi komportable ako kay Rie.
Hanggang isang araw, nabigla na lang ako nang malaman kong sila na pala nung isa naming kaklase.
Lalo ako nagadik sa Dota at kung anu-ano pang computer games.
Masaklap pa dito, lagi kong kalaro yung boyfriend niya.
Life is shit. Haha.
Hanggang isang gabi habang naglalakad kami ng barkada habang papunta sa paradahan ng jeep..
"Uy Khristian~ crush ka pa rin daw ni Rie...ayos ah. May boyfriend na yung tao pero gusto ka pa din," sabi ni Cyan (read as si-yan).
Ngisi lang ang naisagot ko saknya.
Hindi ko alam kung totoo ba talaga yung sinasabi ni Cyan o gawa-gawa lang.
Kasi kahit may boyfriend na si Rie nun, nagkakatext kami...paminsan-minsan.
Hanggang sa nag-break din sila nung boyfriend niya. Di ko alam kung bakit basta ang alam ko wala akong kinalaman dun.
Iniisip na agad ng mga kaklase ko nun ang JS Prom.
Yung iba nangongontrata na agad para isayaw sila para hindi na ma-bangko. Karamihan na sa mga kaklase ko kinontrata na ko.
Pero si Rie? Hindi.
So ayun, hanggang dito na lang muna.
Pavote at comment naman po ^^ maraming salamaaaat.
BINABASA MO ANG
MFHER
Random"4 years of memories that I'm really thankful. Thank you for being part of my life...and my life. I wont ever forget you. The Memories From HER. " --RKS