Pasensya na kung putol at mukhang bitin yung Pangatlong entry/chapter(?) Ang kulit kasi ni Cyan di makapaghintay. Taeng-tae na makapaglaro nun.
Bakit nga ba may mga taong di makapaghintay? Yung tipong akala mo e may hinahabol na bullet train.
Broken hearted kasi si Cyan kaya nagpasama sakin nun magLOL.
Matagal na rin nung nagkagirlfriend 'tong si Cyan tapos iniwan pa.
Samantalang ako, muntik ng magkagirlfriend.
Nandito kami ngayon sa computer shop na madalas tambayan ng klase namin. Oo. Klase.
Mapa-babae man o lalaki dito kami lagi nagccomputer. Minsan dun sa kabilang computer shop kaso madaming amoy yosi lagi dun kaya dito kami sa Denwie nagccomputer.
Madami na rin ang nagbago dito simula nung gumraduate kami.
Nagbago na yung pintuan nila at yung pintura ng buong shop. Dati red, naging green naman. Tapos mas lumakas na yung aircon.
Bigla ko naman sila naalala...I mean..siya.
Nasa kalagitnaan kami ng paglalaro ng biglang may nagtext kay Sebastian.
"Pre saglit lang. Replyan ko lang to."
"Sino ba yan?" Tanong nung isa pa naming kaklase.
"Ano daw.. pumunta na daw tayo dun. Kumpleto na daw. Tayo na lang hinihintay."
"Seryoso ba yan? Baka naman siya pa lang pa rin ang nandun," sabi ko habang nakatutok pa din ang tingin sa screen.
Di na ko sinagot ni Seb at naglaro na ulit.
Ang tinutukoy kong "siya" ay si Rie.
Kauna-unahan siya na dumating. Tapos only girl pa kaya napagisipan naming maglaro muna. Habang siya naman ay nadun sa meeting place.
Mga ilang minuto pa ay biglang nagdagsaan ang mga kaklase namin dito sa comp.shop.
Nararamdaman ko na yung presence niya.
Tawa pa lang niya kilala ko na.
Siya na ata ang babaeng nakilala kong may tawang napakalakas at kakaiba.
So unlady-like.
Bigla namang may kumulbit sakin at napalingon naman ako ng mabilisan.
"Oy Sanchez. Tara na," sabi naman ni Rie habang nakangiti.
Ang boyish nanaman ng suot niya. Well as expected.
"Teka malapit na to," sabi ko.
Tapos naramdaman kong ginulo nya ng bahagya ang buhok ko (na lagi namang magulo).
Pakiramdam ko may kuryenteng dumaloy mula ulo ko (sa taas) hanggang sa puso ko.
I suddenly feel this f.ckng butterflies again.
Tumayo na ko at nagbayad dun sa server.
Ito nanaman ako sa gayshts ko.
Nakakairita para sa ibang lalaki ang ginugulo ang buhok di ba? Pero para sakin, ayos lang tutal hindi naman ako palaayos ng buhok yung basta masuklay lang ayos na yun. Ang mga tunay kasing gwapo yung kahit walang gel ang buhok, gwapo pa din.
Nasa bahay na kami ng kaklase namin kasi dito napagusapan na magpapractice ng musical. Para naman sa english yun. At kung bakit dito kami magpapractice ay dahil laging may pagkain sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
MFHER
De Todo"4 years of memories that I'm really thankful. Thank you for being part of my life...and my life. I wont ever forget you. The Memories From HER. " --RKS