KABANATA 23

8K 262 25
                                    

Kabanata 23

“Tin! Isla!”

Napahinto kami sa pagtusok ng fishballs at sabay kaming napalingon ni Isla sa humahangos na si Amelia. Nagutom kasi kaming dalawa at iniwan namin siya sa Gazebo since mag-re-review daw siya.

“Oh, bakit ka tumatakbo?” Sinubo ko ng sabay sabay ang tatlong tusok ng fishballs habang hinihintay siyang sumagot.

“Gutom na gutom lang?” tumatawang ani Isla pagkakita sa punong puno kong bibig. Hindi kasi ako nakasamang mag lunch sa kanila kanina dahil nag-review ako para sa exams namin sa accounting. Mahina ako sa subject ko na ‘yon, so I had to put extra effort studying.

Sobrang bothered ng mukha ni Ams nang lumapit ito sa amin. Mabilis kong nilunok ang kinakain ko.

“Oh? Nagutom ka na din ba?” kumuha ako ng extrang baso at inabot sa kanya.

Umiling siya. “Nasa panganib kayong dalawa.”

Nagkatinginan kami ni Isla at sabay na nagtaas ng kilay kay Ams.

“What do you mean? May bumagsak ba kaming exams?!” kinabahan ako bigla. Hindi na kami pwedeng bumagsak pa sa mga natitira naming tests dahil iilan na lang iyon at wala na kaming chance na makabawi pa.

“Please don’t tell us na meron nga?” kabado na ring tanong ni Isla. Siguradong malalagot na talaga siya sa parents niya kapag nagkataon.

“You know that Claudine belongs to a sorority group, right?”

We nodded. “Everybody knows that.”

“Ano na namang ka-cheapan ang ginawa ng mga ‘yon?” ani Isla na pinagpatuloy na ang pagkain since mukhang hindi naman kami bumagsak.

“They’re targeting the both of you! And guess what? Mara is the leader of the group.”

Nagkatinginan ulit kami ni Isla at napaawang ang aming mga labi. Paano nangyari ‘yon? Mara is known to be the most simple and delicate girl in the school.

“Sinasabi ko na nga ba may nililihim talagang kademonyohan ‘yang Mara na ‘yan e. I never trusted that innocent face of that bitch.”

“Do we have to run then?” hindi siguradong tanong ko. Hindi ko naman kasi alam kung ano ba ang dapat naming gawin.

“I think we should report them to the school admin,” ani Amelia.

“Masyadong pang good girl ‘yang gusto mo, Ams.” Kontra ni Isla. “Hindi mo ba alam na malaking shareholder ang pamilya ni Blake sa Saint Gallen? They won’t hear us.”

I bit my lip. “Do we have to fight then?”

“You can’t. Baka ma-expel kayo.”

Hindi na tuloy kami nakaulit pa ng fishballs at pareho na kaming nawalan ng gana ni Isla. Sumabay na kami kay Ams pabalik sa loob.

“Just don’t stay anywhere alone. Mas safe na nakikita kayo in public at least hindi nila magagawa ang kung ano mang plano nila sa inyo.” She looks so stressed. Kahit hindi siya kasama sa target nila ay mas kinakabahan pa siya para sa amin ni Isla. Niyakap ko siya mula sa gilid.

“Don’t worry. We’ll be fine.”

“Magdadala ako lagi ng weapon pang self-defense kaya subukan lang nilang lapitan kami.”

“Wag kang pasaway. Seryoso ‘to, Isla.”

“Opo, Mommy. Sorry po.” Inirapan siya ni Amelia at magkakasama kaming bumalik sa klase ng nagtatawanan.

You Were Just A Dream [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon