KABANATA 34

7.7K 175 11
                                    

"Damon, may kumakatok."

"Hayaan mo." Idiniin niya pa lalo ako pahiga at ipinagpatuloy ang pagpapaulan ng mumunting halik sa leeg ko.

Pasaway talagang lalake 'to! Parang walang naririnig!

"Ano ba, Hidalgo!" Itinulak ko siya ng mahina para makatayo ako. "There's someone outside! Pa'nong gagawin ko? Saan ako magtatago??" Taranta kong nilibot ng tingin ang opisina niya. Sa lahat yata ng instructor dito sa Saint Gallen, bukod tangi na siya lang ang may sariling office.

Badtrip na umikot ang mga mata niya at hinuli ang palapulsuan ko.

"Will you calm down? Masyado kang nagpapanic para sa wala."

"Anong para sa wala?!" galit na sigaw ko pero s'yemre mahina lang. "Nand'yan sa labas si Fony!" Pinandilatan ko siya ng mata dahil parang wala lang sa kanya na may makakita sa amin dito ng magkasama!

He rolled his eyes and motioned me to sit back on the couch. "Stop panicking, will you? Hindi naman tayo nahuling nagse-sex."

"Tatahiin ko ng doble doble 'yang bunganga mo sinasabi ko sa 'yo."

"Hahaha. Guilty ka kasi agad 'di ko pa nga nailalabas. Bitin tuloy kainis."

Hindi ko na napigilan pa ang mga kamay kong damputin ang dalawang makapal na magazine sa harapan ko at hinagis sa kanya. Tumatawang sinalo naman niya ang mga iyon bago nagmartsa papuntang pinto. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi pa man ako nakakapagtago!

"Hey, Damon. Sorry ngayon lang kita na-visit dito sa office mo. Medyo naging busy kasi—" Napatigil ito sa paglalakad dahil pagbukas ni Damon sa pinto ay diretso agad itong pumasok.

Malinaw kong nakita kung papaano dahan-dahang nawala ang ngiti sa mukha nito pagkakita sa 'kin. Pero ilang sandali lang nang magbalik iyon at napalitan ng isang tipid at pekeng ngiti. Alam na alam ko talaga ang pinagkaiba ng totoo sa pinipilit.

"Nandito ka pala, Tin?"

"Ah...ano...kasi napatawag kami dahil hindi naging maganda 'yung result ng recitation namin. Actually kasama ko si Don nauna lang siyang magpaalam." Ugh bakit ko ba kailangan magpaliwanag ng detalyado!

"I see."

Tumayo na 'ko at inayos ang uniform ko. Ngunit napayuko ako sa direksyon ko na matamang tinitignan ni Fony. Napamura agad ako sa isip ko pagkakita sa unang butones ng blouse ko na nakabukas! Tanginaaaa!

"Pfftt..." Nag-angat ako ng tingin kay Damon na nagpipigil ng tawa. Lumakad siya palapit sa 'kin, kagat kagat ang pang-ibabang labi niya.

"Wala ka talagang ingat, Ms. Thompson. Please make sure next time that you button everything before you enter my class, okay?" Nakangisi niyang binutones mismo iyong unahan ng blouse ko at pakiramdam ko ay kumulo ang dugong dumadaloy sa ugat ko. "Awww!!"

Napaluhod siya nang sipain ko ang tuhod niya at saka na ako mabilis na nagmartsa palabas ng opisina niya. Siraulo talagaaaa!! Anong mukha na lang ang ihaharap ko kay Fony sa susunod na magkita kami?! Nakakahiya!!

"Tin!"

Napahinto ako sa boses na tumawag.

"Don? Akala ko kanina ka pa umalis?"

"Hinintay na kita rito. Natagalan ka yata? Nagalit ba sa 'yo si Mr. Hidalgo?" He looked a little guilty na para bang kasalanan niya kung bakit ako napagalitan.

"Hala hindi! M-may ano...ahm...may tinanong pa kasi siyang iba about sa klase natin. Yun lang osige mauna na 'ko ha."

"Tin, wait!"

You Were Just A Dream [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon