Kabanata 1- Pagkawasak

19.3K 407 28
                                    

''H-huwag po..., maawa po kayo sa akin.'', pagmamakaawa ni Luisa sa isang matandang lalakeng may malaking tiyan. Nakalarawan sa mukha nito ang matinding pagnanasang maangkin ang murang katawan ng nanginginig na dalaga. Halos tumulo ang laway nito sa naglalarong kahalayang laman ng maruming isipan. Takam na takam sa katawan ng dalagang hindi pa man nasasayaran ng palad ay nahihinuha nang napakalambot at napakabango.

"Huwag kang matakot, iha. Maging mabait ka lang sa akin ay bibigyan kita ng maraming pera. Ako ang bahala sa iyo, ha. Sandali lang naman ito, para lang tayong naglalaro ng bahay-bahayan. Ako ang tatay at ikaw naman ang nanay.", anito na tila isang bwitreng hayok sa sariwang laman.

Isinuksok ni Luisa ang sarili sa sulok ng maliit na kwartong pinagkulungan sa kanya, tila ba sa ginawang iyon ay hindi na mahahawakan pa ng matandang lalake.

"Halika.., dito ka.", tawag ng lalaki sa kanya na ang tinutukoy ay ang ibabaw ng kama sa harapan. Tinatapik pa nito ang ibabaw ng malambot na kutson.

Umiling si Luisa.. sunud-sunod, habang panay ang pagpatak ng luha. Lalo nitong niyakap ang sarili habang nakatiklop ang mga tuhod at patuloy sa pag-usod kahit pa nga nakasagka na sa dingding ang likod. 

Nagsalubong ang dalawang kilay ng matandang lalake!

"Huwag ka nang umarte. Malaking halaga ang ibinayad ko kay Gigi para sa'yo.", mahinahon nitong sabi na halata namang pilit lang kinakalma ang sarili.

Nang hindi pa rin tumitinag ang dalaga ay malakas na itong sumigaw.

"Gigi...!", gigil na gigil nitong tawag sa babaeng namamahala sa mga babaeng ikinakalakal ang katawan upang magkapera.

Narinig ng lalaking nasa labas ang galit na tinig ng matandang kostumer. Dali-dali nitong tinawag ang amo.

Humahangos na dumating si Madam Gigi at lumapit sa harapan ng pintuang nakasara.

"Meron po bang problema Mr. Tan?", tanong nito, pagkatapos ay idinikit ang tenga sa dahon ng pinto upang marinig ang isasagot ng nasa loob.

"Ay, matabang kabute!", gulat nitong sambit nang biglang bumukas ang pintuan.

Matalim na mga mata at madilim na mukha ni Mr. Tan ang sumalubong sa nagulat na babae .

"Aregluhin mo 'yang bata mo, napakaraming arte!", pikon nitong sabi pagkatapos lingunin si Luisa na nakasiksik pa rin sa sulok ng silid.

"Kung hindi titino 'yan ay lilipat na lang ako sa iba! Ibalik mo na lang sa akin ang ibinayad ko, punyeta!", pananakot pa nito.

Nataranta si Madam Gigi sa sinabi ng maperang matanda. Mabilis itong nilambing at sinuyo.

"Naku naman Mr. Tan, huwag na! Sandali lang at kakausapin ko ang alaga ko, ha. Kulang lang sa paliwanag 'yan. Alam niyo namang bagung-bago pa lang 'yan at dalagang-dalaga . Kumbaga sa isda.., sariwang-sariwa at kahuhuli lang. Fresh from the sea ika nga. Ikaw nga agad ang naiisip ko para sa batang 'yan. Ispesyal kitang kostumer kaya sa iyo ko siya nireserba. Ikaw pa lang ang unang kamay na hihipo diyan. Kita mo naman at nangangatog pa. Relax ka lang muna. Teka lang at kakausapin ko. Akong bahala, sulitin mo na lang mamaya kapag okey na.", malambing na habol nito sa lalakeng nakailang hakbang na palayo.

"Dali-dalian mo lang, Gigi. Kapag nainip ako ay aalis talaga ako at maghahanap sa iba!", asik at banta ng matanda. Ngunit hindi ang sinabi ang totoong saloobin, nananakot lang. Hindi ito makakapayag na hindi unang makatikim sa sariwang karneng inihahain sa kanya ng bugaw.

Tumangu-tango si Gigi at nagmamadaling pumasok sa kwartong kinaroroonan ni Luisa. Ang panggigigil ay pilit na itinago sa pamamagitan ng pilit na ngiti at malumanay na himig.

"Luisa..., mapera 'yang si Mr. Tan. Gawin mo na lang ang gusto niya para hindi ka masaktan.'', pangungumbinsi nito sa dalagang nakasiksik pa rin sa sulok at ang mukha ay itinatago sa nakatiklop na tuhod.

''Kasi alam mo..., kapag binawi ni Mr. Tan ang perang ibinayad niya sa akin ay sinisiguro ko sa iyo na malilintikan ka sa kanila.", pagbabanta ng babae sa paraang malumanay at saka ito tumingin sa mga lalaking nakatayo sa pintuan.

Dahil sa narinig ay nag-angat ng mukha si Luisa at napatingin sa dalawang lalaking tinutukoy ni Madam Gigi. Napalunok ang dalaga nang makita ang pag-ngisi ng mga ito. Tusong ngiti na ang hatid sa kanya ay takot at matinding pangamba. Natatandaan niya ang mukha ng mga ito. Ang dalawang lalaking ito ang nakita niyang bumugbog at pagkatapos ay sumaksak sa babaeng kagaya rin niyang nakakulong nang magtangkang tumakas.

Nangiti si Madam Gigi nang makita ang takot sa mukha ni Luisa. Hindi pa man ay nakatitiyak na itong susundin na ng dalaga ang ipinagagawa niya.

"O pano Luisa, nagkakaintindihan na ba tayo ngayon? Ayokong magpaulit-ulit sa pagpapaliwanag, ha? Siguro naman ay malinaw na sa iyo ang dapat mong gawin?", mariing tanong na nagpaparamdam na ang bawat niyang sasabihin ang tanging masusunod.

Marahang tumango si Luisa. Lihim naman iyong ikinatuwa ng dalawang lalaki at ng babaeng nawala ang pagkaka-arko ng kilay.

"Ano pa ang hinihintay mo Peklat, sunduin mo na si Mr. Tan. Sabihin mong naghihintay na sa kanya si Luisa.", nakangising utos ni Madam Gigi sa tauhang sa tindig at itsura ay sanay sa pag-gawa ng masama.

"Ayusin mo na ang sarili mo, Luisa. Hindi ka na masasaktan ay magkakapera ka pa kapag napaligaya mo ang matandang 'yon. Makakapagpadala ka ng pera sa mga magulang mo. Makakatulong ka na sa kanila. Makakain na sila tatlong beses sa isang araw. Kanin at ulam na ang pagsasaluhan nila at hindi nilagang kamote . Huwag kang tanga. Maging praktikal ka. Aanhin mo ang pagiging birhen kung kumakalam naman ang iyong sikmura? Ikaw, kaya mo magtiis. Pero ang mga magulang mo at mga kapatid..., matitiis mo ba? Nagugutom, walang makain? Katawan lang 'yan, nadadaan sa ligo. Sabunin mo lang ay mawawala na ang laway ni Mr.Tan sa balat mo.", payo pa nito habang naglalakad palabas. Isang ngiti ng tagumpay ang nanulay sa mga labi ng babae bago pa tuluyang isara ang pintuan ng silid.

Iniwanan na ang dalagang nangangatog pa rin at impit na umiiyak.





Sa Silong ni Kaka Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon