Kabanata 2: Pagkawasak 2

13.2K 337 11
                                    

"Ayos na Mr. Tan!", nakangiting sabi ni Madam Gigi sa matandang lalaking naghihintay. 

Kamuntik pang matalisod ang lalaki sa pagmamadali. Hindi naitago ang pananabik. Marahan nitong tinapik ang balikat ni Madam Gigi bago binuksan ang pintuang para sa kanya ay katumbas ng langit na gustong marating sa pamamagitan ng murang katawan ng dalagang naroon sa loob.

Malapad na malapad ang pagkakangiti ni Mr. Tan pagkakita sa dalagang nakaupo na sa gilid ng malambot na kutson. Nagkukumahog ito at hindi magkamayaw sa ginagawang pag-aalis ng suot na damit. Ni isang saplot ay wala itong itinirang pantakip sa katawan. Nangiti ang lalaki nang makitang hindi makatingin sa kanya ang dalaga. "Putang ina! Makakadale na ako ng donselya!", sa loob-loob nito.

"Sige na, maghubad ka na rin, 'yong talop na talop, ha. Gusto kong makita kung gaano kakinis ang balat mo. Gusto kong sa tingin pa lang ay busog na'ko. Dali na!", utos nito.

Hindi nakakilos si Luisa. Animo ipinako sa pagkakaupo.

"Put--, ano ba?! Akala ko ba naareglo ka na ni Gigi? Teka nga...", anyong hahakbang sana palapit sa pintuan ang lalaki nang matigilan. Nakatayo na ang dalaga at unti-unting nagtatanggal ng damit.

"Hehehe, akala ko ay paiinitin mo na naman ang ulo ko!", anito. Nandidilat ang mga mata sa panonood na pagtatalop ni Luisa sa sarili.

"Ang bagal mo naman, ako na nga!", pagkasabi ay nilapitan nito ang dalaga at nagmamadaling hinubaran. 

"Hayop ang katawan mo! Malaki man ang ipinresyo sa'yo ni Gigi ay pasadung-pasado ka naman sa panlasa ko. Umpisahan na natin at baka mawalan na ng bisa ang gamot na ininom ko. Kailangang sulitin ko ang ibinayad ko sa'yo!", pagkasabi ay dinaluhong na nito ng halik at mararahas na himas ang maseselang bahagi ng katawan ng dalaga.

Hindi halos magkandatuto kung ano ang uunahing lamugin. Gigil na gigil. Animo mabangis na hayop na takam na takam sa nilalapang laman ang siyang kawangis. Gutum na gutom!

Walang nagawa si Luisa nang ihiga ng lalaki. Naninigas ang kalamnan niya sa bawat haplos na ginagawa nito sa kanyang balat. Halos bumaligtad ang sikmura niya sa paglapat ng bibig nito sa kanyang katawan. Walang pinalalampas ang lalaki. Pakiramdam niya'y nasusuka siya sa pambababoy nito sa maseselang parte ng kanyang katawang  tanging ang nanay lamang niya ang nakakita.

"Baboy! Baboy!", himagsik ng kalooban niya.

Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi sa labis na kirot na nararamdaman. Pakiwari niya'y winawarak ang ibabang bahagi ng kanyang katawan. Napakasakit! Tila pinupunit ang kanyang kaselanan!

Walang kaingat-ingat at nagmamadali si Mr. Tan sa ginagawang pag-angkin sa kanya. Tila may kaagawan. Marahas ang bawat ulos nito na nagdudulot ng hapdi sa ari niya. Ayaw na niya! 

"Diyos ko!", nausal niya. Pakiramdam niya'y hinihiwa ng blade ang kanyang laman.

Lalo namang nasiyahan ang matandang nakakubabaw sa kanya, humihingal na ito ngunit ayaw pa ring itigil ang ginagawa. Dinig niya ang malakas nitong paghagok ngunit patuloy pa rin sa pananakit sa kanya. Nalalasahan na niya ang dugong nakahalo sa kanyang laway dahil sa mariing pagkagat sa sariling labi. Nais niyang mabawasan ang sakit, subalit walang habas ang lalaki sa ginagawang pagbayo sa kanya. Pakiramdam niya'y nais nitong durugin ang kalahati ng kanyang katawan.

"Puta ka, ang sarap mo! Ang sarap mo! Aaaaaaah!", nagdedeliryo sa sarap na daing ni Mr. tan.

Ang akala ni Luisa ay tapos na ang bangungot na dinaranas nang umalis sa pagkakapatong sa kanya ang lalaki. Nahugot ang nakatarak nitong pagkalalaki at patihayang inilatag ang katawan.

Bumangon na siya, gusto na niyang linisan ang katawan. 

"Saan ka pupunta?!", tanong nito sa kanya. Bumangon rin ito at inunahan siya sa pagtayo. Nagtataka man ay hindi siya kumibo. Ang importante ay nagawa na niya ang gusto nito. Naibigay na niya ang hinihingi nitong kapalit sa perang ibinayad para sa kanya.

Sa Silong ni Kaka Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon