Simula
"Naja, linisin mo yung sala at darating ang mga amiga ko."
"Naja, labhan mo na yung mga labahan."
"Anong gusto mong gawin ko sa mga hugasin tititigan ko?"
"Naja, yung buong bahay siguraduhun mo lang na malinis pag ka-uwi namin. Yung mga tae ng aso alisin mo at sobrang dami na."
Naja! Naja! Naja!
"NAJA-AN NA PO!"
Pinanganak lang ata ako para mag dakot ng tae ng mga aso ey. Isipin mo 'yun, twenty years na akong taga dakot ng tae hindi man lang ako napopromote.
"Mama, saan po kayo pupun---"
"Anong tawag mo sa akin?" Gigil nitong bulong sa akin.
"A-auntie, saan po kayo pupunta?"
Tinaasan ako nito ng kilay at agad na sinukbit ang halatang mamahaling niyang bag. Ni hindi man lang nito sinagot ang tanong ko at tila hangin lamang ito na dumaan sa aking harapan.
Lumingon ako sa kapati—este sa pinsan kong suot ang isang napaka gandang pulang bestida na nung nakaraan ay nakadisplay lamang sa isang sikat na boutique sa mall.
"Bella saan kayo pupunta?" Tanong ko dito habang nag s-spray siya ng isang pabango na may sikat na pangalan. Bumalot sa aking ilong ang bangong taglay ng isang mamahaling bulaklak.
"We're going to visit Lola and Lolo then we are going to buy a new cellphone, you know I realized that I hate the brand pala, it's too cheap." Maarte pa nitong sagot sa akin na ngayon ay sinusuklay ang bagong rebond niyang buhok.
Kabibili lang nila last week ah, t'saka sikat naman yung brand ng cellphone na nabili niya.
"Pwede sumama?" Natigilan silang dalawa sa tanong ko. "I just want to see Lola and Lolo too po."
"Ba't ka pa sasama ey you're just an adopted child lang naman, so don't bother." Sabi pa ni Donna habang pababa ng hagdanan. Siya ang kakambal ni Bella na tulad nito ay nakasuot din ng mamahaling bestida na kahit kalian ay hindi ako nagkaroon.
Tiningnan ko siya at tila humihingi ng kaonting awa pero bago pa man ako ma kapag salita ay nasagot na niya ang tanong ko.
"Just stay here. You better clean all the mess here and make sure na wala akong makikitang alikabok, beside maiistorbo mo lamang ang matatanda." Auntie said with finality.
Wala na akong nagawa ng makaalis na ang kotse. Tulad ng nakasanayan, naiwan na naman ako dito, nakatanaw.
I closed the gate when the realization hit me.
Bakit ko pa ba ipiplit yung sarili ko sa mga taong hindi tanggap ang buong ako?
I was born to remind them of what happened twenty years ago. Na ang batang nasa harapan nila ay bunga lamang ng isang pagkakamali, bunga ng isang kasalanan.
Tinapos ko lahat ng utos at kahit yung mga hindi inutos ay ginawa ko na din. I used to do these things, kumbaga sa isang palabas ito na yung panghabang buhay kong role.
Gabi na ng dumating sila kasama si Uncle, ang daddy ni Bella at Donna.
"Bella, how's your study?" Rinig mula dito sa kusina ang usapan nilang magpapamilya, at nakakainggit na may tatay silang sobra kung mag alaga sa kanila.
"Naku Ramon nasa pang-walong rank 'yang anak mo, at itong si Donna ay nakuha ng isang kilalang company para i-endorse ang produkto nila." Proud na sabi ni Auntie sa asawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/223925424-288-k715115.jpg)
BINABASA MO ANG
Hue from the Past
General FictionColors give a description of everyone's story. Najaline Eleanor was a product of unforgivable sin. She lives just to get the sympathy of her Mother. Her life changes when she accidentally painted a man from her dream. The past collapse when they m...