Ika-isa
"Miss anong kailangan mo?" Nagulat ako ng lumapit sa akin ang guard na kanina pa tingin ng tingin sa pwesto ko. Mukang hindi na siya naka tiis at talagang siya na ang lumapit. Mukha ba akong may gagawing masama?
"Ahh may gusto lang po sana akong puntahan sa lugar na iyan." Sabi ko sa kaniya sabay turo sa mataas na gusaling nasa harapan namin ngayon.
"Bakit? May appointment ka ba?"
"W-wala po." Nauutal kong sagot dito. Agad namang nagbago ang expression nito, tila naiinis siya sa presensya ko.
"Oh eh ano pang ginagawa mo dito?" Mataprobre nitong tanong. Ang arte naman pala ng lugar na ito kung ganoon."Ah kailangan po bang mag set muna ng appointment bago makapasok diyan?" Inosente ko pading tanong kahit na mukha na siyang nababanas sa akin.
"Naku! Nene, masyadong mga busy ang mga tao sa Company na iyan. Walang silang oras para sa mga walang kwentang bagay." Teka nga, sinasabi ba ni manong na wala akong kwenta? Pati ba naman dito wala padin akong kwenta.
"Naku, pasensya na po. May tao po kasing nag papapunta sa akin dito" Kuryoso namang tumingin sa aking ang guard ng sabihin ko iyon.
Napalingon naman ako sa likurang bahagi ni Manong guard ng may makitang papalapit na dalawa pang guard. Agad naman akong nataranta ng makita ang isa na nakahawak sa baril niya. Hindi naman siguro nila ako babarilin dito diba?
"Ronald ano 'yan?" Tanong ng isang guard na kararating lamang sa guard na kausap ko.
"Ahh, itong bata kasi, may nag papapunta daw sa kaniya dito." Sagot naman ni manong guard na sa pagkakarinig ko ay nagngangalang Ronald.
Lumingon sa akin ang guard na nagtanong at agad akong tiningnan mula ulo hanggang paa, tila sinusuri kung karapat-dapat ba akong makapasok sa gusaling halatang mayayaman lang ang maaaring makatungtong.
"Sino naman ang nagpapapunta sa iyo dito Ne?" Tanong naman ng isa pang guard na kanina lang ay hawak ang baril na hindi ko alam ang kalibre at tila ba'y handa akong barilin sa kahit anong oras, kaya naman agad kong nilabas ang sobre na nag lalaman ng isang sulat. Dali-dali ko itong binuksan at binasa sa kanilang harapan ang pangalan na nakasaad sa sulat.
"Mr, C-claverion po." Sagot kong tila kinakabahan. Nag tinginan ang mga ito at agad namang bumalik sa akin ang tingin.
"Sinong Mr, Claverion? Marami kasing Claverion sa building na iyan." Sabi pa ng isang guard na kasama ng may hawak ng baril kanina.
Muli kong tiningnan ang sulat para Makita ang buong pangalan ni Mr, Claverion. "Salvador Claverion po." Puno ng sigla kong sagot, dahil nahihinuha ko na dito ko talaga matatagpuan ang taong hinahanap ko.
Pursigido akong hanapin siya dahil siya na lang ang nagiisa kong pag asa para makapag-aral, kaya kong magtrabaho kahit mga klerikal na uri, tatanggapin ko lahat. The letter I am scared of is now the reason why I want to pursue my dream.
To; Ms. Naja Eleanor. Good Day! Please visit my Office at Valdeavilla Main Building. I just want to discuss some important matters about the job I want to offer to you. -Mr. Salvador Claverion.
Nanatiling tahimik ang tatlong guard sa aking harapan. Balak ba nilang tumayo dito ng mag hapon? Napabuntong hininga naman ang isa sa kanila at akmang magsasalita na ng may marinig kaming babaeng sumigaw.
Pinipilit nitong makapasok sa malaking pintuan ng mataas na gusali ngunit mas malakas sa kaniya ang ibang guard na sa kaniya ay humaharang. Galit na galit ito dahil sa hindi malamang dahilan.
BINABASA MO ANG
Hue from the Past
General FictionColors give a description of everyone's story. Najaline Eleanor was a product of unforgivable sin. She lives just to get the sympathy of her Mother. Her life changes when she accidentally painted a man from her dream. The past collapse when they m...