Ikalawa
"Madali lang naman ang mga gagawin mo dito, aayusin mo lang yung mga libro at mag lilinis ka lang ng paunti-unti." Paliwag sa akin ni Mr. Claverion habang tinuturo ang mga nakakalat na libro.
Madali lamang ang mga gagawin ko kumpara sa inaasahan kong trabaho dito. Wala na akong balak mag inarte sa sitwasyon ko at gagawin ko ang lahat para hindi madismaya si Mr. Claverion. Ang laki ng pasasalamat ko sa kaniya dahil sa tulong na ito.
Nangako din itong papaaralin niya ako sa isang Unibersidad na malapit sa Val. Building. Noong una ay ayaw ko tanggapin dahil una sa lahat nakakahiya, pangalawa hindi ko alam kung ba't kilalang-kilala niya ang pamilya ko. Sa bandang huli napapayag na din ako dahil sa iilang udyok mula kaniya.
Sa ngayon isa na lang ang poproblemahin ko, yun ay ang mga tao sa bahay. I don't know what would be the best way to tell them about my plan. Sigurado na ako sa umpisa pa lang na magagalit sila.
Hindi ko pa nasasabi kay Mr. Claverion ang tungkol kay Auntie at sa maaari nitong desisyon. Malapit na ako sa pinapangarap kong pag aaral pero sana naman hindi na 'to maantala.
Natapos ang buong hapon na iyon na puro lamang pag papaliwanag sa mga magiging trabaho ko at sa sistema ko sa pag pasok, nabanggit din niya kanina na may abandunadong apartment siya malapit sa Unibersidad na papasukan ko ganun din sa Val. Building.
Sa totoo lang napaka swerte ko na at may disedidong mag papaaral sa akin, ngunit kailangan ko nga lang mamili.
"Auntie, may sasabihin lang po sana ako." Kinakabahan man ay pursigido pa rin akong sabihin sa kaniya ang mga nangyari sa buong mag hapon ko at ang mga desisyon ko sa buhay. Kahit na malabo ay patuloy pa rin akong umaasa na maging positibo ang lahat.
Walang pake niya akong nilingon, tila napipilitan lang. Gusto kong masanay sa mga tingin niyang malalamig pero kahit gaano ata katagal ang lumipas hinding hindi ako masasanay.
"What?" She asked with no hint of interest.
"Gusto ko lang po sanang ipaalam na may nakuha po akong part time job, tapos may nakuha din po akong scholarship para po sa college." Mahinahong kong sambit dito na sinabayan pa ng ngiming pag ngiti.
Ngunit tulad ng inaasahan, isang pagak na tawa lamang ang naiganti nito sa lahat ng sinabi ko. Tila ba na insulto siya sa mga sinabi ko.
"Nagugutuman ka ba sa bahay na ito? Tutal may sarili ka ng desisyon sa buhay eh 'di lumayas ka na at h'wag ka ng bumalik dito kahit na kailan." Saad nito sabay alis sa aking harapan.
If life is giving me a choice right now, my answer will always be the same.
Hininga ko ang lahat ng bigat na nararamdaman at nag simulang bilangin ang mga luhang nag uunahang mag sibagsak. It will always be the same.
"Pasensya na po Mr. Claverion. Hindi ko po matatanggap ang alok niyo sa aking magtrabaho sa Val. Building at ang pag pasok sa kolehyo." Nahihiya kong sambit kay Mr. Claverion isang araw ng bumalik ako sa kaniya para ipaalam ang buo kong desisyon.
Tinitigan ako ng matanda na parang bang nababasa niya ang lahat ng nasa isipan ko. Napabuntong hininga ito at tila nag papahayag ng pag katalo.
"Iha, kung sakali mang mag bago ang iyong desisyon bukas pa rin ang pintuan ko para sa 'yo." The care in this old man's eyes is visible and I can't be denied that he is a great father.
"Salamat po."
Siguro kung nasa ibang pag kakataon hindi ako mangingiming tanggapin ang lahat ng alok ni Mr. Claverion. It's like I saw a one thousand dollar on the floor and the only choice I need to make is to get it or ignore it. Matatawag akong tanga sa pag kakatong ito, lulunukin ko na lang dinura ko pa. Nakakatawa na wala pa rin akong magawa para sa sarili kong kapakanan.

BINABASA MO ANG
Hue from the Past
General FictionColors give a description of everyone's story. Najaline Eleanor was a product of unforgivable sin. She lives just to get the sympathy of her Mother. Her life changes when she accidentally painted a man from her dream. The past collapse when they m...