P R O L O G U E

25 3 1
                                    

• Chelle •

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

• Chelle •

"Chelle anak, pasensya kana pero kailangan mo na talagang umalis ngayon." hindi na napiglan ni Aling Gloreng ang maluha ng makitang paparating na ang bagong titira sa kaniyang inuupahang apartment. Mabilis nitong pinunasan ang luha ng makitang nakatingin sa kaniya ang asawang si Mang Antonio.

Nakasimangot ito ng makitang patuloy parin akong pinakikiusapan ng matanda. Nakita kong pina-upo muna ni Mang Antonio ang babae sa luma nitong sofa at inalok ng kape.

May sinasabi pa ito sa babae ngunit hindi na iyon umabot pa sa aking pandinig.

Marahan akong tumango sa pakiusap ng matandang Land lady. Matagal na akong umuupa sa apartment na ito kasama ang lolo ko na sa kasawiang palad ay yumao na isang taon na ang nakakaraan. Kalbaryo man ang inabot ko sa kaniya ay hindi naman ako nagsisisi. Sapat na ang pinalaki niya ako na mabuting tao at matiyaga sa kahit anong bagay. Hindi man ako nakapag tapos ng pag-aaral sapagkat palipat-lipat kami ng tirahan at madalas ay sa kalsada ang hanap buhay namin. Masaya naman ako dahil hindi naging masama ang pagtrato niya sa akin. Ngunit nitong huling taon nabaon ako sa utang kasama na ang hindi pag bayad ng upa, mga bills at kung ano-ano pang may kinalaman sa pera dahil sa pagpapagamot ko sa aking lolo na sa kalaunan ay iniwan din ako. Wala akong maayos na trabaho sapagkat under graduate ng high school, tatlong buwan na lang sana ay makakapagtapos na ako ng senior high ngunit napilitan akong umalis sapagkat nauwi nga sa pag-aalaga sa may sakit ang aking kinabukasan.

May simpatya man na nararamdaman ang matandang land lady sa akin sapagkat wala itong anak na babae ay hindi naman maaaring amponin ako ng matanda. Istrikto ang asawa nito na siyang may negosyong paupahan at may mga pinagkakagastohan din na kailangang matugunan.

"Kung maari ay mabilis Chelle, dahil nakakahiya sa magtitingin." pakiusap ng matanda na sumunod sa akin papasok at walang sabi-sabing tinulongan ako sa pagliligpit.

Kaunti lang naman ang gamit ko. Mas lalong higit na salat sa mga disenting damit. Hindi na ako nag abala pa na kunin ang bentilador, sira na naman iyon. Isiniksik ko na lang sa luma kong bagpack ang tsinelas ko at ang nagiisa kong itim na sandals. Bahala na. Wala na akong mapagpipilian. Wala akong gaanong kaibigan dahil pawang mga may sinabi sa buhay ang mga kaklase ko noon. Isa pa nilalayuan nila ako dahil luma ang uniporme ko. Wala talaga akong choice kundi magpatiuna na sa matanda na abala paring magligpit sa papag.

"Chelle, heto." nagulat ako ng iabot ng matanda ang two hundred pesos sa akin.

"Huwag na po, okay lang po ako." pagtanggi ko sa matanda na subrang bait sa akin. Hindi ko siya madalas na kausap ngunit ewan ko ba sa matanda bakit ang gaan-gaan ng loob niya sa akin.

"Sige na, pamasahe mo."

"Gloreng,nais nang makita ng ating bagong tenant ang loob!"dinig sa loob ang boses ni Mang Antonio na halatang naiinip na.

Beautiful MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon