Tisha Pov:
On our way to our class with yellah and kaki ng bigla na namang mag hiyawan yung mga tao sa paligid namin
Alam ko naman na kung sinong hinihiyawan nila kaya hindi na ako nag aksaya ng oras lingunin kung sino sila, dahil makikita ko lang yung muka ng lalaking yun
Habang nag lalakad pa din kami, bigla na lang may bumato sa ulo ko ng bottle kaya napalingon ako agad sa likod ko
"Omg tisha" rinig kong sambit ni kaki pero tumingin pa din ako sa likod ko
I saw him na pangiti ngiti pero hindi siya nakatingin sa akin, pero alam kong siya lang naman ang may gawa neto
Kaya lumapit agad ako sa kanya tsaka tindyakan siya sa paa
Hala anong ginagawa ng babaeng to
Nag sscandalo pa to dito
Ang low class naman
Lagot siya kay Vash
Mygad sipain ba naman yung baby ko
Humanda kana ngayon girl
Ayan lang naman yung mga bulungan ng mga lintek na mga taga hanga netong ulol na to
"Fuck ano bang problema mo?!" galit na sabi niya sa akin
"Ikaw ikaw ang problema ko" Tinuro turo ko siya habang sinasabi ko yun
"Teka miss wala naman atang ginagawa etong kaibigan namin sayo" singit nung isang lalaking kaibigan niya
"Excuse me , alam ko namang siya lang ang mag babato sa akin neto" sabay pakita ko sa kanila nung bote
"Baka tatanga tanga ka na naman kaya naibato mo sa sarili mo yan" seryosong sabi niya
Kinalma ko muna yung sarili ko bago ako mag salita ulit
"Pwede ba tigil tigilan moko Mr. Simangot na mukang manyakis na sinakluban ng langit at lupa dahil jan sa kilay mong sobrang taas, tinalo pa ang bulkang mayon dahil sa taas" dere deretsong sambit ko sa kanya dahil inis na inis na ako
Tumayo siya bigla at inayos ang sarili, tsaka dahan dahang lumapit sa akin kaya napaatras ako bigla
"Why would i do that?" tanong niya sakin habang palapit siya ng palapit sa akin kaya todo atras ako
"Dahil baka galit ka sa pananampal ko sayo kanina kaya ka gumaganti" sigaw ko
"Im not insane to do such a waste thing like that Miss" tangina dudugo pa ata ilong ko dahil sa kaka english neto lintek
Tinulak ko siya bigla para matigil na siya kakalapit sa akin, dahil baka madikitan pa ako ng virus ng isang katulad niya
"Sino namang gagawa sa akin neto maliban sayo?" sarkastikong tanong ko
"Tanong mo sa bottle baka sumagot" saka niya ako tinalikuran at nag lakad papalayo
Naiwan akong nakatayo dun, at ramdam na ramdam ko yung inis na dumadaloy sa katawan ko
You wanna play a game ha, then let the game begins
Nilapitan agad ako ni yellah at kaki
"Ang astig girl ha, may pa moment pa kayong dalawa" pabirong sambit ni kaki
"May pa lapit at atras pa kayong eksena HAHAHAHAHA" natatawa namang sambit ni yellah
Sinamaan ko sila bigla ng tingin tsaka sila tinalikuran
Narinig ko silang tumawa tsaka sumunod sa akin
Padabog akong pumasok sa room namin tsaka umupo sa may likod, sumunod naman sa akin yung dalawa
![](https://img.wattpad.com/cover/223780563-288-k776185.jpg)
YOU ARE READING
Stuck To Be Together
Ficção AdolescenteTisha is typically a jolly person, she likes to tease and be a bitch as well, but what if he found this cold guy who's name is Vash, what will she do? Can she handle his personality? which is being cold and be cool all the time, or otherwise she wi...