Chapter 9

9 0 0
                                    

Marika's POV

"Aray naman dahan dahan lang , chansing na'yan tol masyado ka!" Sigaw ko sa kalaban ko, si Nikko. Tinuro niya sakin ang mga techniques sa self defense. He's the aggressive and I'm the victim. Sinusubukan kong makaalis sa mga bisig niya, kunware sinasakal niya ko gamit braso niya at may hawak siyang knife.

Hindi ko maalis ang mga braso niya dahil napaka higpit. Ginamit ko ang kanang paa ko at sinipa patalikod at tumama sa gitna ng mga binti niya. 

"AAHH! F*CK!" Buti nga dikana magkakaanak. Pinapahirapan niya pa ako. 

"Okay naman yung ginawa mo but it hurts." aniya. Arte niya, dapat sanay na siya sa mga ganyan. Inirapan ko nalang siya. 30 minutes na niya ko tinuturuan. Yung iba may kanya kanyang trainor para mapabilis ang kaalaman namin sa pag atake. 

4 days na ang nakakaraan nung nalaman namin ang tungkol sa Elijah Organization. Dito na kami nagpalipas  para maging handa kami sa lahat. 

"Before we proceed to the next one, you should know what spy means." Nagsiupo kami sa kanya kanyang upuan pagkatapos ituro ang self defense move. Nasa underground kami ng HQ. Makikita mo ang iba't ibang armas na nakalagay sa cabinet display glass andon din ang ibat ibang klase  ng samurai.Pangarap kong matutunan ang paghawak ng samurai.

"Spy means who secretly watches and examine the actions ng mga kalaban, lalo na ang mga  X Org. We usually gather information on them for the advantage at para malaman natin kung pano sila aatake at kelan. At ganun ang gagawin niyo." Paliwanag ni Nikko saming apat.

"How if X org trying to kill us? Pwede ba namin silang patayin?" Tanong ni Mayuri. She's wearing Nike Pro Bra for her top and leggings.We're all wearing the same outfit para komportable kami gumalaw, at naka low heel boots kami.

"Yes, pwede naman , kung bibigyan kayo ng license to kill ng Queen." Siguro naman papayag yon. Ayoko naman na mamamatay ng  walang gagawin no. 

"Papayag yun si mom, kesa naman hayaan kaming patayin  ng mga 'yon diba girls?" Tumingin naman sakin ang tatlo at sumangayon naman sila sa sinabi ko.

"Yeah, you're right sis, hindi din ako makakapayag na saktan tayo ng walang ganti." Sangayon ni Kuriso.

"So what's next?, tapos na ba yung ituturo niyo sa'min? Nakakagutom sis,pakainin mo naman kami! "  Ungot ni Mayuri sa'kin.

Sumabat si Atra." Bakit Hindi yung tisoy yung kainin mo?." Bungisngis na tawa ni Atra at tumingin sa tisoy na sa bandang kanan ni Nikko.

Napaiwas ng tingin yung lalaking sinasabi niyang tisoy.

"Hoy nakakahiya kayo! Wag naman kayong magkalat dito, nakakahiya!" Sigaw ko sakanila.

Nagtawanan naman yung tatlo. " Wala kang alam sis kung anong ginawa niyan 'don sa bar." Nguso ni Kuriso do'n sa tisoy.

Hmm parang alam kona kung anong ganap ng babaeng to.

Niyaya kona sila umakyat sa office ni mom para kumain. Gutom nadin kasi ako. Mag dadalawang oras na kaming tinuruan nitong ni Nikko. May pa intro pa siya bago niya sa'min ituro yung mga techniques sa pakikipaglaban kaya natagalan.

May mga kwarto pa pala sa itaas ng office ni mom, dun kami natulog. Nagshare kaming apat sa isang kwarto, malawak naman ang space para maging kasya kami. Dalawang King size bed, nagshare kami ni Atra sa higaan yung dalawa naman sa kabila. May dalawang cr para sa'ming apat.

Tatlong linggo na kaming nananatili dito. Namimiss ko na yung lupa jusko. Yung ambiance ng HQ sa ilalim ng dagat ,katulad Lang din sa lupa. Nakakahinga kanaman ng maayos. Hindi mo mararamdaman na nasa underwater ka unless na lalabas ka.

Pinagbawalan na 'ko ni Nikko na tawagin si mom ng 'mom', para sa kaligtasan ko. Sinabi niya samin na walang nakaalam sa labas na may anak ang mga magulang namin. Ginawan nila ng paraan para paniwalaan ng mga X org na hindi ako anak ng Queen, nung hinahabol kami ng X Org. pinatay nila ang lahat ng sumunod sa'min para hindi maka abot sa pinaka pinuno ng X org.

Hinahasa kami ng Queen ng todo, para matapos na ang kahibangan ng kalaban. Hindi maganda ang nalaman naming apat tungkol sa X Org. na'yon. Napaka hayop ng ginagawa nila sa bansa.

Gusto ko ng matapos to para wala ng maghirap na tao at para mabuhay na kami ng walang ikinakatakot.

Nagsitigil kami sa mga ginagawa namin ng marinig sa baba ang call signal. Ang sabi noon sa'min ni Nikko na once na tumunog ang bell sa baba na nagpapahiwatig na kumikilos ang X Org. at gumagawa ng karumaldumal sa mga tao.

May kumatok sa pintuan namin at binuksan naman ni Atra.

Si Tita Michaella ang mommy ni Kuriso.

"Girls, eto ang susuotin niyo sa una niyong misyon." Kinuha naman naming apat at binuksan ang paper  bag.

"Antayin namin Kayo sa baba." Lumabas na si Tita at tiningnan namin ang ibinigay niya.

Suot na namin ang jumpsuit black at tinernuhan ng low heel boots para makagalaw ng maayos.

Nag powder at nude lipstick Lang ang nilagay namin para hindi mag mukhang haggard ang feslak namin . Aba dapat pag may mission maganda kapa din.

Bumaba na kaming apat at sumalubong sa'min sila Tita Michaella, Tita Louise, Tita Amber at si mommy.

Kitang kita sa mga mata nila ang galak dahil sa tatlong linggo, nakita nila kung pano kami nagpursiging matututunan ang lahat ng nalalaman nila.

Binigyan kami ng kanya kanyang communication earpiece ni Logan, pinakilala siya sa'min ni mom last week. Tinuruan niya din kami kung pano tumatakbo ang Elijah Org. sa pamamagitan ng mga gadgets na hawak nito.

Inilagay nanamin ang binigay ni Logan sa'min.

"Use this earpiece , just tap the earpiece pag magbabalita kayo, and put it in your eyes,Ito ang contact lenses ang magsisilbing camera pag nasa loob na Kayo."

Nagpasalamat kami at tumango.

Sa una palang parang gusto na naming sumuko dahil sobrang hirap. Pero Kung iisipin ko 'to para sa bansa at Lalo na sa pamilya ko mas diterminado kaming matuto. Kahit napapagod kami kung kapalit nito ay kalayaan,magiging masaya at magiging maginhawa ang lahat ng tao.

" Girls ,are you ready to your first mission?" Tanong ni mommy sa'ming apat. Ngayong nakatayo kami sa harap ng Queen ng Elijah Org. , Kita mo sakanya ang pagiging matibay, lakas ng loob , walang kinakatakutan at ang pagiging isang leader.

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko sa unang misyon. Halo halong excitement,takot at kaba. Pero lalakasan ko loob ko para sa'min,para sa Elijah Org. Dahil isa akong anak ng Queen. Hindi ko siya bibiguin.

"Yes, we are ready!" Sigaw naming apat. At itinaas ko ang kanang kamay ko at lumapit sakin ang tatlo at sabay sabay humawak sa kamay ko.

"Let's go girls, Kaya natin to!, One.. Two.. Tree.. Let's go!" At binaba namin ang mga kamay namin na nasa ere na para bang isa kaming team ng manlalaro.

Sana magawa namin 'to ng maayos. 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------<3




Marika And The 3Where stories live. Discover now