Chapter I: Amantha

1 0 0
                                    


AMANTHA HUNTRESS

SOBRANG liwanag ng buwan na halos tumatagos na ito sa bintana ng silid ko. Tumingin ako sa bilog na orasan.

2:45 am

Halos ilang oras narin akong dilat at hindi makatulog, tanging ang sinag lang na nang gagaling sa buwan ang tanging ilaw ko sa gabi na ito.

Napapikit ako ng mariin dahil sa tindi ng insomia ko.

Bullshit! Gabi gabi nalang ganito Amantha!

Napasabunot ako sa buhok ko sabay talukbong ng unan. Gustong gusto kong makatulog ngunit gising na gising parin ang diwa ko.

Ewan ko ba, simula noong aksidente na 'yon. Palagi na akong ganito, hirap makatulog sa gabi. Parang bawat patak ng tulo sa gripo, bawat pagbagsak ng dahon sa puno at bawat huni ng mga hayop sa labas eh rinig na rinig ko na nanggagaling sa iisang direksyon mula sa kagubatan.

Sobrang weird.

Para akong kuwago sa gabi. Pero sa umaga hindi naman ganito.

Bumangon ako sa kama ko at kinuha ang isang baso ng tubig sa tabi ko.

Inalis ko lahat ng bumabagabag sa isipan ko at,
Sinikap kong makatulog hanggang bumagsak na ang talukap ng mata ko.

***

KINABUKASAN

Agad akong bumangon sa higaan ko upang maghanap ng pwedeng gawing agahan sa simpleng pananim at mga alagang hayop namin sa bakuran.

Halos tatlong araw narin hindi nabalik si Papa. Hindi ko alam kung bakit, pero ang alam ko dahil yun sa misyon niya.

Yes, si Papa ay isang ahente ng gobyerno sa lugar namin.

Hindi ko alam kung ano ang mga pinupuntahan niya. Pero simula bata pa lang ako, lagi na siyang umaalis kays halos nabuhay narin ako mag isa.

Humarap ako sa salamin at tinitigan ang sarili ko.

Kitang kita pa ang ilang sugat ko sa pag eensayo ng ibat ibang daggers.

Dahil narin sa laging umaalis si papa. Twing nauwi siya noon, lagi niya sinusulit ang oras upang maturuan ako ng paggamit ng iba't ibang armas.

Tatlo ang napili ko. Palaso at pana, shuriken, at ang paborito ko ang dagger.

Pinusod ko ang buhok kong kulay pula at lumabas na sa silid.

Agad akong sinalubong ng alaga kong aso na si Kleo.

"Hi Kle Kle! Magandang umaga!"

She greeted me with a lick.

Natawa ako at bahagyang kinurot ang malambot niyang pisnge.

"Tara, kleo! Mag luluto ako."

Halos limang taon ko narin kasama si Kleo. Inuwi siya ni papa galing sa misyon at medyo baby pa siya noon. Kaya halos sabay narin kami lumaki dito.

***

Nakatingin ako sa kalangitan dito sa labas. Hapon na at medyo makulimlim, nag papahinga ako ngayon mula sa ensayo ko.

Tinignan ko ang wooden target sa harapan ko na magkakahelera.

Halos lahat bulls eye.

"ARF ARF"

Napatingin ako kay Kleo na tumahol sa akin.
Saka ko napansin na
Nag simula ng pumatak ang maliliit na ulan mula sa langit.

Kaya dali dali kaming pumasok sa loob ng bahay.

PECULIAR ACADEMEWhere stories live. Discover now