"Naaay! Si Dodong binato ako ng malaking bato!
Huhuhuuu" Umiiyak na sabi ko sabay punas sa
uhog na tumutulo galing sa ilong ko."Aba! 'wag mo nga akong iniistorbo dito sa pagto-tongit ko. Kuhanin mo 'yung hollowblock doon sa likod at 'yun ang ibato mo. Layas nga diyan istorbo ka e!" Tinulak tulak ako ni nanay kaya naman agad akong lumayo para sundin ang utos niya.
Kahit na maliit pa ang katawan ko ay nabuhat ko agad ang isang tipak ng hollowblock. Binitbit ko 'yun at nagtungo sa may bakanteng lote na pinaglalaruan namin kanina nila Dodong.
"Hayan na Dodong! Lagot ka kay Lucresia!" Nagulat naman ang mga kalaro ko dahil may dala dala na akong hollowblock.
Tatakbo na sana si Dodong pero agad ko 'yong inihagis sa kaniya.
*PAAAAAAAAAAK*
"Araaaaaaayyy!!!! Huhuhuhuuhu!!!!" Malakas ang pag-iyak niya. Sa tinis ba naman ng boses nito.
Nang umiyak na si Dodong ay tsaka ako tumakbo pauwi. Siguradong masakit 'yon dahil tinamaan siya tiyan tapos lumagapak sa paa niya.
Pinuntahan ko si nanay na nandoon padin sa tapat ng bahay at nagto-tongit. Hindi niya ako pinansin kaya tumabi na lamang ako sa kaniya.
Laking gulat ko naman nang dumating si Mang Budoy na ama ni Dodong. Magkasama ang mag-ama at papalapit patungo sa amin. Kita kong namimilipit pa sa sakit si Dodong at parang tanga na patalon-talon habang naglalakad. Nilapitan ko si nanay at niyugyog siya.
"Nanay!!! Si Mang Budoy!!!"
"Ano ba Lucresiaaa???!!!! Kita mo namang naglalaro ako e oh?" Turo niya sa mga baraha. Natahimik ang mga kalaro niya. "Kapag ako natalo dito sinasabi ko sa'yo malilintikan ka!!"
"Lucilda!!!" Sigaw ni Mang Budoy, napatingin naman kaming lahat sa kaniya. Kinabahan agad ako dahil bitbit niya 'yung hollowblock na ibinato ko kay Dodong.
"Oh ano 'yun pareng Budoy?" Tanong ni Nanay.
"'Wag mo'kong mapare-pare ha! 'Yang tarantado mong anak! Kababaeng tao binato ng hollowblock ang anak ko!" Sigaw ni Mang Budoy kay Nanay.
"Aba! Letche ka! 'wag mo'kong masigaw-sigawan at tumatalsik 'yang laway mo sa mukha ko! 'Yang anak mo ang nauna! Binato si Lucresia ng bato kanina!" Sigaw pabalik ni Nanay kay Mang Budoy.
"Hindi naman ho tinamaan si Lucresia e huhuhuhu" madami ang uhog ni Dodong kesa sa akin hehe.
"Oh? Kita mo na? Talagang kinukunsinti mo pa 'yang anak mo e 'no?" Nanlalaki ang mata at ilong ni Mang Budoy kaya nakita ko tuloy ang mala-luzon na kulangot sa loob ng ilong niya.
"Hoy Lucresia? Totoo ba ang sabi nito nitong si Dodong?" Tanong niya at tumango naman ako.
"Oh ano? Malilintikan ka talaga sa aking bata ka!" Lalapitan na sana ako ni Mang Budoy pero humarang si Nanay
"Oh sige ganito na lang. Bibigyan kita Dodong ng pagkakataon para ibato kay Lucresia 'yang hollowblock. Kapag sapul e di nakabawi ka, pero kapag sala e di luge ka." Nagulat akong nikingon si Nanay.
"Naaaay???!!!!!"
"Huwag kang magreklamo Lucresia. Kung hindi ka ba naman tatanga-tanga na mambabato ng hollowblock e hindi ka naman pala tinamaan ng bato. Sige na, ano payag ka Budoy?" Tanong ni Nanay kay Mang Budoy.
"Sige. Galingan mo anak ha!"
Agad naman akong kinabahan nang lingunin ko si Dodong na mukhang ulaga na nakangisi. Huhu
Para kaming sasabak sa boxing nang lumabas ang mga chismosang kapitbahay. May mga nagbubulungan at may ilan pang nagpupustahan kung sino ba ang mananalo sa amin.
"Pustahan makakailag si Lucresia!"
"Masasapul 'yan ni Dodong!"
"Oh limampu kay Lucresia ako
"Animnapu! Don ako sa anak ni Pareng Budoy!"
Madami pang bulungan ang narinig namin. Maya maya ay pumwesto na si Dodong kaya pumwesto din ako. Kung anong layo niya kanina noong binato ko siya ay ganon din ang ginawa ko.
3...
2...
1...
Nang akma na siyang babato ay nakita ko na may dumapo na langaw sa ilong niya kaya naman biglang...
*PAAAAAAAAAAK*
Sa halip na ibato sa akin ay nahulog ang hollowblock sa kaniyang kabilang paa kaya naman muli siyang pumalahak ng iyak. Umugong bigla ang tawanan at kantyawan sa paligid. Maski ako ay tumawa nang bongang bongga.
Nang mapaupo si Dodong ay agad itong inalalayan ng kaniyang ama. Lumapit si nanay sa tabi ko at muling nagsalita.
"Paano ba 'yan pareng Budoy? Sinayang lamang ng anak mo ang pagkakataon na binigay namin hahaha" humalakhak si Nanay.
"Madaya kayo! Hindi kayo patas!" Sigaw ni Mang Budoy. Nag-uusok na siya sa galit at handang-handa nang sumabog na parang kagaya nong nasa angry bird na kulay itim. Si Bomb. Maitim din naman si Mang Budoy e.
"Hahaha! Patas tayo pare. Binigyan ko kayo ng pagkakataon na gumanti kaya lamang ay sinayang niyang anak mo!" Sarkastikong tumawa si Nanay. "Ngayon kung may reklamo pa kayo aba sa baranggay hall na lang tayo mag-usap. Lumayas na kayo at baka magdilim pa ang paningin ko sa inyo. Alis! Chupe!"
Napapahiyang umalis ang mag-ama. Natawa pa lalo ako dahil mukha silang toblerone na naglalakad. Nagutom tuloy bigla ako sa naisip ko.
"Nay gutom na ho ako" sabi ko kay nanay. Sinaman niya ako ng tingin.
"Aba nga naman! Ngayon ka pa nanghingi ng pagkain. Ikaw kasi e! Nakalimutan ko tuloy makipagpustahan! Umuwi ka na nga at magsaing ka agad. Ilaga mo 'yung itlog na nadoon sa loob ng tangkal" inis na sigaw sa akin ni Nanay.
Kahit ganoon ay masaya pa din ako dahil pinagtanggol ako ng nanay ko hehe. Agad akong dumeretso sa may tangkal at kumuha ng itlog. Matutuka pa sana ako ng manok kaya naman pinukpok ko muna iyon sa ulo. Mukha yatang nawalan ng malay si chicky.
'Sorry chicky. Ikaw kase e! Nakaligtas nga ako kay Dodong tapos tutukain mo naman ako'
Hindi na agad ako nagpatumpik-tumpik pan kumuha agad ako ng dalawang piraso ng itlog at tumungo sa kusina namin.
Nagdikit ako ng apoy at saka nagsimulang magluto. Hehe!