Chapter 17: Accompany

97 46 12
                                    

Dedicated to 4evermundivagant

****

Evony Lorraine's Point of View

Mahigit limang oras na akong pabalik-balik sa loob ng kuwarto ko. Hindi mapakali. Hindi ko kayang tagalan ang pananatili rito sa aking silid.

Ang nakakainis pa, hindi ako pinalalabas ng mga kawal. Mahigpit daw talaga itong bilin ni Prinsipe Aidan. Argh!

Dinadalahan nila ako ng mga pagkain dito. Gano'n na rin ang iba ko pang mga pangangailangan.

Pakiramdam ko tuloy ay para akong may nakahahawang sakit. Hindi ko alam kung ano ang binabalak nila. Kung para ito sa pag-iingat sa akin na hindi makuha ng mga Oratorios ay papayag ako.

"I can't stand it." Ani ko sa sarili.

Kahit naman payag ako sa mga nangyayari ay hindi pa rin maiaalis sa akin ang pagkabagot.

Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng kung ano-ano. Naalala ko tuloy ang itim kong libro. Kung nandito 'yon ay siguradong hindi ako mabuburyo.

If it wasn't Leo's fault.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko. Iintindihan ko na lang ang kabobohang ginawa niya. Kung naging mas mapanuri lang sana ako ay nahuli ko na sana siya kaagad. Kaso nung mga panahong pinagdududahan ko siya ay hindi ko ito pinansin dahil sa nakadadala niyang mga ngiti.

Hindi ka pala talaga dapat nagtitiwala sa mga painosenteng mukha.

Itinuloy ko na lang ang pagbabasa ko. Wala naman akong mapapala kung iisipin ko siya. Hindi ko na nabilang ang oras na ginugugol ko sa pagbabasa.

"Evony."

Kaagad akong napalingon sa pinto. Akala ko ay may taong pumasok dito ngunit nananatili itong nakasara katulad kanina.

"Wala ako sa loob ng silid mo."

Kalaunan ay nahalata kong boses ni Aidan ang naririnig ko. Wala naman ito sa loob ng silid ko kahit saan ako luminga.

"Konektado ang isip natin kaya nakakausap kita. This is called 'Mind linking'."

"Nagkakausap tayo kahit malayo tayo sa isa't isa?" Tanong ko gamit din ang aking isip. Nakamamangha rin pala ang mahika at kapangyarihan.

"Oo. May sasabihin ako sa 'yo. Hindi na ako mag-aabalang pumunta sa silid mo dahil marami kaming ginagawa."

Napaayos ako ng upo at inilapag sa kama ang librong binabasa ko.

"Ano 'yon, Aidan? Bakit nga pala ako hindi puwedeng makalabas?"

"Pinagpa-planuhan naming makuha ang ama ni Leo mula sa Oratorios. Hindi ka muna maaaring lumabas dahil mawawala kami dito sa palasyo."

"Anong plano?"

"Hindi pa namin alam. Basta huwag kang lalabas ng silid mo. Baka mamaya ay magamit mo ang Gift of Curse at hindi ka makapagpigil. Naiintindihan mo ba ako, Evony?"

Naguguluhang um-oo na lamang ako. Hindi ko naman gagamitin ang Gift of Curse eh.

"Mag-iingat kayo." Dagdag ko na lang. Hindi na ito muling sumagot sa akin.

Humiga ako sa kama. Bakit parang hindi maganda ang ideya nilang kunin ang ama ni Leo?

Hindi ko alam ang magiging plano nila at hindi ko maiwasang makaramdam ng pangamba. Walang awa ang mga Oratorios at ito ang pinakadelikadong kalaban nila sa pinakamataas na puwesto.

The Given Gift of Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon