Chapter 23: Victoria Cordonia

69 25 7
                                    

Evony Lorraine's Point of View

Tatlong katok pa lang ay pinagbuksan na kaagad kami ng pinto. Isang magandang babae ang sumalubong sa amin. Napakaganda niya at napaka-puti, siya 'ata ang nagaalaga sa matandang dama.

Nagulat pa ito nang makita kami pero kalauna'y pinapasok din. Nakita ko ang matandang dama na naka-upo sa isang tumba tumba. Maputi ang lahat ng buhok nito at kulubot na ang balat.

Pinaupo kami ng babae malapit sa damang nakaupo sa tumba tumba. Nilingon kami ng matandang dama kaya yumuko sina Josh at Mandria rito. Sumabay na lang din ako sa kanila.

"Anong sadya niyo rito?" tanong ng babae. Magalang na sumagot si Mandria.

"May nais pong itanong ang kaibigan ko sa Dama. Kung mamarapatin niyo po sana."

Tumingin ang babae sa Dama, tumango ito kaya umalis na ang babae sa lugar na mukang kumuha ng tsaa.

"Ikaw ba ang bagong dating, iha?" tumango ako dito. If she is the late queen, bakit siya nandito sa bundok Anaphoris?

"Maayos naman na ba ang kalagayan mo?" tanong nito muli.

"Opo, salamat po sa inyo. Maraming salamat din po pala sa pagtanggap sa mga kaibigan ko para manirahan dito ilang buwan na ang nakalipas." tahimik na nakatingin lamang sa amin sina Joshua.

"Bukas ang palad ko sa pag-tulong lalo na sa mundong ginagalawan natin ngayon." dumating ang babae at inabutan ako ng tsaa.

"Ngayon, ano ba ang nais mong itanong sa akin, iha?" napalunok ako sa namumuong kaba. Parang nabigkisan ang lalamunan ko.

"Ang totoo po niyan," huminga ako ng malalim. Paano kapag hindi siya ang late queen? Saan na naman ako maghahanap ng katotohanan sa buhay ko?

"Ako ang prinsesa ng Mysciria. Kinitil ang buhay ng aking ina ng mga Oratorios para makuha ako. Nagtatago ako ngayon sa Mederia gamit ng tulong niyo. Isa lang po ang tanong ko, isa rin ba kayong Adeamus katulad ko?"

Napasinghap ang matanda at babae sa gulat. Hindi maipinta ang mukha nila at tuluyan na ngang nabitawan ng babae ang hawak niyang tasa.

Nabasag ito at kumalat sa lapag ang piraso ng mga bubog. Takip ang bibig ay tinignan ako ng babaeng nakatayo na sana ay aabutan ng tsaa ang kaibigan ko.

"Victoria." banta ng Dama rito pero gulat parin itong nakatingin sa akin.

Victoria? Saan ko nga ba narinig ang pangalang iyon?

Hindi mahina ang ulo ko para hindi malaman kung ano ang nangyari. Kung naapektuhan sila sa sinabi ko, tiyak na may alam sila sa tinutukoy ko.

"Mga bata, umalis muna kayo. Mamaya na uli tayo mag-usap." Mabilis na hinatak ako ni Joshua patayo. Binuksan ni Mandria ang pinto, pero bago kami makalabas ay nakita ko ang umiiyak na mukha ng babae.

Teka, bakit naman siya iiyak?

"Ang gulo na, Dayne. Bigla tuloy akong na-weird-an sa kanila. They were actully nice naman, pero nakakagulat ang reaksyon nila." napabuntong hininga si Mandria.

"Mandria, hindi naman talaga sila weird. " Joshua stated. "May alam lang talaga sila tungkol sa pamilyang Adeamus."

Hindi ko alam, bigla na lamang akong nakaramdam ng kung ano. Koneksyon? Hindi malinaw ang nararamdaman ko. Bakit naman ako makakaramdam ng koneksyon kay Victoria?

Sino ba talaga siya?

"Nagdilim na. Magpahinga na lang siguro tayo." iiwan ko na sana sila pero hinawakan ni Joshua ang siko ko. Nag-aalala niya akong tinignan kaya ngumiti ako ng pilit bago sila iniwan.

The Given Gift of Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon