Chapter 24: The Dark past

72 23 16
                                    

Strictly read at your own risk.
---

20 Years Ago

Victoria's Point of View

"You can get out of the wagon now, princess." sambit sa akin ni George. Isang pinagkakatiwalaang commander ng pamilyang Cordonia.

Humawak ako sa palad niyang nakabukas para alalayan ako sa pagbaba.

"Nandito si ate, George?" tanong ko. Inilibot ko ang aking paningin sa napakalaking kastilyong pagmamay-ari ng pamilyang Adeamus.

"Oo, kasama niya ngayon ang crown prince."

Bigla akong namangha. Nagmadali akong pumasok sa loob ng kastilyo. Itinuro sa akin ni George ang lugar kung saan ko makikita ang kapatid ko. Umalis din ito pagkatapos.

"Victoria!"

"Anica!" masaya akong lumapit sa kakambal ko. Oo, kakambal ko si Anica. Siya ang naunang ipanganak kaya siya rin ang nakahilera sa pwesto ng pagiging reyna.

Kahit inggit ay wala akong naramdaman. Nasa akin na kasi ang lahat kaya bakit maiinggit pa ako sa bagay na ipagkakaloob sa kapatid ko.   Mahal na mahal ko si Anica, kaya kong ibigay sa kaniya ang lahat ng hilingin niya sa akin.

Ito na nga siguro ang kakaibang koneksyon kapag may kakambal.

Mahina akong yumuko sa crown prince. Napakagwapo niya at kagalang-galang. Bagay na bagay sila ni Anica.

"Ito ang kapatid kong si Victoria." Pagpapakilala sa akin ni Anica kay Mori. Ngumiti ito sa akin kaya gano'n din ang ginawa ko.

"Na-plano na nila ang araw ng kasal na isasabay sa coronation. Malapit na rin kaya hindi na talaga ako makapaghintay!" tuwang tuwa na sambit ni Anica. Mori held her waist and smiled.

"Congrats, Anica! Siguradong marami ang matutuwa kapag nangyari yan."

Noong na araw na yon ay bumalik kami sa aming kaharian. Sinundo ko lang naman si Anica roon.

"Anica is sick." sabi sa akin ng bunso kong kapatid na Homlet. She was 5 years old.

Binuhat ko siya at itinabi sa sarili kong nakaupo sa kama. "She's not sick, Homlet. Pagod lang siya."

"Maraming doktor ang nasa kwarto. Don't lie to Homlet." masungit na sabi sa akin ni Syndonia. Siya ang sumunod sa akin bago si Homlet. She's 16 years old.

Nakasandal ito sa hamba ng pinto ko. I eyed her, sinusubukan ko ngang pagaanin ang loob ni Homlet eh.

Oo, noong isang araw lang namin nalaman na may sakit si Anica. Walang nagsasalita sa amin kung anong klaseng sakit ito.

Natatakot ako. Mukhang seryoso ang sakit ni Anica. Nasa loob lang ito ng kwarto niya buong magdamag. Halos hindi na namin siya makitang lumabas ng kaniyang silid.

Ilang araw na lang ay magaganap na ang coronation. Hindi ko alam kung ano na ang balak nila ama tungkol dito. Itutuloy pa rin daw nila ito kahit may sakit si Anica.

I felt bad for my twin. Hindi kasi pwedeng ipaalam kay Mori na may sakit siya. Baka daw iwan siya ni Mori sabi ni ama. Baka daw hindi maging reyna si Anica kapag nagkataon.

Kinabukasan ay naglakas loob akong puntahan si Anica sa kaniyang silid. Kumatok ako at binuksan ito. Pinigilan kong maiiyak matapos makita ang nakakaawa niyang sitwasyon.

She was skin and bones. Halos bumagsak ang timbang nito. Naupo ako sa kama niya at hinaplos ang kaniyang pisnge.

Ngumiti siya sa akin. "Victoria," tawag nito sa akin.

The Given Gift of Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon