Notebook

9 0 0
                                    

"Hindi ako bato. Alam ko na dapat sa oras na ito, wala na ako, umalis na ako.

Pero masakit. Ito ang gusto ko, ang pinakahihintay ko.

Anong nangyari?

Hindi ba dapat masaya ako ngayon? Nagawa ko na. Naghiwalay na sila. At oo, pinapanood ko ngayon kung paano magmakaawa si Ivan kay Loren upang di sya iwan nito.

Oo, ako ang maituturing na kontrabida sa storyang ito.

Nagmamahalan sila, alam ko yon. Mahal ko si Ivan. Hindi ko kayang mapunta sya sa iba. Kaya sinira ko silang dalawa.

Madungis na babae na ba ako? Linasing ko si Ivan, inalisan ng damit, tumabi sakanya sa kama ng hubad at kinuhanan ng litrato.

Oo, pinadala ko kay Loren ang mga yon upang iwan nya si Ivan. Lahat naaayon sa plano ko, dahil alam kong sa puntong ito, iiwan na ni Loren si Ivan.

At oo, dapat wala na ako dito. Hayaan ko na dapat silang mamaalam sa isa't isa, pero tulad ng sabi ko. Masakit. Hindi ko kayang kumurap habang nakikita sa Ivan na nakaluhod at umiiyak sa harapan ni Loren.

Ivan, bakit siya pa?

Andito naman ako. Simula naman noon, andito ako. Sabay kaming dumating sa buhay mo pero bakit mas lamang siya? Bakit laging siya? You're my only love, the only one I want to have. Kahit ano, sakanya na basta wag lang ikaw.

"Loren, please don't leave me. Lasing ako 'non, pero ikaw ang mahal ko. H-hindi ko alam kung may nangyari saamin o wala. Please maniwala ka..." iyak parin ng iyak si Ivan. Paano nagagawa ni Loren 'to?

"That's the point Ivan! You don't know! What if something really happened? What if magbunga? Be responsible!" sigaw ni Loren pero basag ang boses niya. Alam ko nasasaktan din siya. Ang bait niya. Bakit di sya magalit kay Ivan? O sakin? Kilala niya ako, alam ko.

Nanatili akong nakatago, makikinig lang ako, di ako magpapakita sakanila kahit anong mangyari. Alam kong galit si Ivan saakin.

Nagmamahal lang naman ako.

Mali ba?

Ivan... kung sa ibang pagkakataon ba tayo nagkakilala, may magbabago ba?

Kung sa ibang pagkakataon tayo nagkita, mabibighani kaya kita?

Kung sa ibang paraan kita minahal, magiging ako na ba?

Kung sa ibang pagkakataon, pipiliin mo ba ako?

Please naman oh, kahit minsan lang. Pwede bang ako muna? Pwede bang ako nalang? Kahit isang beses lang.

I'm not even asking a lifetime from you! Not even a month or a week or a day! Just a single moment. Kahit maiksi lang, basta piliin mo lang ako.

I sighed all the thoughts away. Aalis nalang ako, hindi parin ako masaya, hindi ko pa pala kasi nagawa ang lahat. Siya parin pala kasi ang mahal mo. Humakbang nalang ako palayo.

I will act like I didn't do anything. I will act like it's not my fault. I will act like I'm not guilty, because I am.

Hindi naman kasi ako galing sa impyerno para hindi makonsensya sa ginawa ko.

Nagmamahal lang ako, and I'm sorry because this is the only way I know how to love.

Loren, don't worry. Hinding hindi ko papabayaan si Ivan. Kapag umalis kana, akin na siya. At gagawin ko ang lahat upang hindi sya bumalik sayo. I'm sorry but I will still do it. Walang nangyari samin but I won't tell you. I'm not a fool to put all my doings into vain.

I believe, to love is not to sacrifice. To love is to do all things for your love. Not the person, but your feelings. I love him and I will do everything. I am merely 21 years old and soon enough, he will be mine."

Three years had passed and here we are at the reception. Tapos na ang kasal. Kakarating lang namin sa reception dahil kakatapos lang ng picture taking sa simbahan.

All is well.

Masaya na ako.

"Uy, congratulations! Ano na ang next?" tukso saakin ng mga kaibigan ko. Tinawanan ko nalang sila at nagpasalamat.

"Naks, ang ganda natin ngayon? Blooming tayo ah?" kantyaw pa ng isa.

Nagtatawanan kaming lahat, ngunit natigil nang magsalita ang host.

"Everyone, let us welcome our bride and groom. Let us give them a round of applause."

Tumayo ako at pumunta sa stage upang lumapit sa host dahil... dapat lang. Event organizer ako sa kasal na na'to.

Nagtagal kami sa simbahan kanina dahil bride's maid ako sa kasal ng pinsan ko. Si Loren. Kasal ni Loren at Ivan.

Three years ago, sinulat ko sa notebook ko ang mangyayari sa susunod na chapter sa story na ginagawa ko. And now, tapos ko na.

That notebook knows everything.

It is true that I love Ivan fiercely.

Pinsan ko si Loren, sabay kaming nagtransfer sa school, doon namin nakilala si Ivan. We met Ivan noong intrams. Same university pero fourth year college na sya habang second year palang namin ni Loren. We were 19 and he is 22. Gusto ko na si Ivan noon palang.

Pero noon palang din, nagpapatulong na saakin si Ivan sa panliligaw niya kay Loren. 20th birthday ni Loren nang sinagot niya si Ivan. That's when I started to write the story.

I wrote every detail of the story in that notebook. Gift sakin yon ni Ivan noong 20th birthday ko.

In that notebook lies a story.

A story of the selfish me who wanted Ivan for herself. A story where it is Ivan and Me.

A story of the things I once thought to do in reality but didn't have the heart to do so.

They all said "congratulations" to me a while ago dahil successful ang mga published books ko. I am an event organizer but I am also a writer.

And there is only one story I won't ever dare to publicize. The story that lies in that notebook. And even though di ko pa nasusulat ang ending, in the last page of that notebook lies my confession to him.

Sa story na yon, ako ang bida pero ako rin ang kontrabida.

It took me years and years to finish the story.

Today is where it all ends.

I finally realized the ending I should give to that story.

It is...

"I believe, to love is not to sacrifice. To love is to do all things for your love. Not the person, but your feelings. I love him and I will do everything. I am merely 24 years old and soon enough, I will be able to let go of this love because one day, I'll meet the one who will love me and do everything to fight for his love."

In the end, I can't fight for this love, both in that story and in reality. I love him still, and I will do everything for this love to fade away.

One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon