Nakasimangot ako habang papunta sa room nila at sakto naman na palabas sila sa room."Johnny!" sigaw ko sa pangalan niya. I need to talk to him, hindi niya sinabi saakin na nagcut class siya kahapon. I know I shouldn't act like an angry girlfriend dahil hindi pa kami pero I can't help it!
Napalingon naman siya sa akin at nagpaalam muna sa mga kasama niya na pupuntahan niya lang muna ako. Napakunot ang noo niya nang malapit na siya saakin dahil halata na wala ako sa mood.
"Hm? Bakit? Namiss mo na ba ako? Pupuntahan naman kita kaso nand-" pambobola pa niya ngunit pinutol ko na ang ano man ang sasabihin niya.
"Nagcutting ka kahapon?" agaran na tanong ko sakanya.
Nabigla man siya sa sinabi ko ay agad naman itong nakabawi. Ngumiti ito at nagkamot ng ulo.
"Nagkayayaan lang, di ko na nasabi sayo kasi alam ko na maiinis ka saakin. E, ayaw ko naman ng ganon kaya hinayaan ko lang. Di ko na uulitin, I swear."
Napatitig nalang ako sakaniya at nadismaya. I know I should try to like him more pero hindi ko kaya kung ganito. I hate it. Instead of saying sorry first, excuses ang inuna. I don't really need those, or maybe I just really can't like him more.
Kapag si Aken, di naman ganito ah? Kahit na puro yabang, lait at excuses lang nasasabi niya, di naman ako naiinis, pero bakit kay Johnny ganito?
Damn.
I should stop thinking about Aken.
Third year college nakami pero hanggang ngayon naiisip ko parin lagi si Aken. I admit na gusto ko siya simula noong first year college kami. We may be too old for likes and crushes but it is what I feel.
I don't love him, I should not. Kaya nga heto ako at nagtatry na ibaling ang atensyon sa iba. Baka... mahulog ako sa iba. Baka... mawala rin ang nararamdaman ko para sakanya.
The first thing I need to do is to stop comparing, stop thinking about him.
"Okay, you're forgiven" I sighed.
Yayakapin sana ako ni Johnny pero pinigilan ko siya.
"Maraming tao, makikita nila" I reasoned out while pushing him lightly. Truth is, I don't want him to hug me, I can't.
"Hug lang naman, tsaka almost three months narin naman tayong may something"
There's no us but we have a thing. Di ko alam. I know he's courting me. Pero di ko siya kayang sagutin kahit na I like him. I don't like him enough.
Hinila ko siya hanggang sa marating namin ang likod ng room kung saan walang gaanong tao. Walang nakakaalam na may something kami, tanging close friends lang. Di ko kayang ipaalam, or maybe, ayoko.
"Keep it down, keep it low, I'm not ready. You know that." I said guiltily. Di ko talaga kaya.
"Alright, di ko na uulitin yon okay?" he said convincingly and then he smiled.
On the otherhand, I smiled weakly. I forced myself to smile.
Aalis na sana kami nang makita ko si Aken na nakatingin samin sa malayo, he's with his friends. Suddenly, kinabahan ako. It's like I did something sinful which makes me regret immediately.
Pero, I ignored it. Yun din naman ang ginawa niya, bumaling sya sa iba at umalis. I know I may be too dramatic over this.
Aken and I? We were never a thing. I like him, yes. Nabalitan narin dati na gusto niya ako pero he never said a thing about it. We don't really talk. Not anymore.
Close kami noong first year kami, kaya nga nagustuhan ko siya but when summer came, things suddenly went off. Everything suddenly became awkward for the both of us, and one day, we just fell apart. Bigla nalang na di na kami naguusap o nagkukulitan.
BINABASA MO ANG
One Shot Collections
General FictionLife is both good and bad like how stories are fictional and the truth. This is my collection of one-shot stories wherein some are inspired by reality and some are purely fictional. Please do not associate any of the mentioned events with reality as...