Kabanata 1

24 0 0
                                    

Kabanata 1

"UMALI, Kailyn Alexis?" Agad na napahinto siya sa pagsusulat ng mga importante na detalye mula sa diskusyon nang matawag ang pangalan niya.

"Ma'am!" Sagot niya at saka nagtaas ng kamay. Lumapit naman sa kaniya ang guro sabay iniabot ang kaniyang report card.

Kinakabahan siya na tingnan ito.

"Patingin nga ako ng grado mo, Lyn?" Napalingon siya sa babaeng naka-upo sa tabi niya. Nginitian siya nito at saka kinuha ang report card sa kaniyang kamay.

Tahimik na pinagmamasdan niya ang ginang habang naghihintay ng reaksiyon mula rito. Hindi nagtagal ay nasilayan niya ang malawak na ngiti nito patunay na tuwang-tuwa ito sa kaniya. Walang pinagbago ang ginang. Ganoon na ganoon pa rin palagi ang reaksiyon nito makalipas ang ilang taon siyang pinag-aral.

"Ang tali-talino mo talaga na bata ka! Hindi talaga ako nagsisisi na pinag-aral kita." Nakangiti nitong sabi sa kaniya. Sinuklian din niya ito ng ngiti at saka binigyan ang ginang ng isang mahigpit na yakap.

Napansin niya na bahagya itong napaigtad sa kaniyang biglaan na pagyakap pero kinalaunan ay ginantihan din siya nito ng yakap habang malumanay na hinahaplos ang kaniyang buhok.

"Salamat po." Aniya at kumalas sa pagkakayakap sa ginang.

"Ano ba, Lyn? 'Di ba sabi ko sa iyo na basta makapagtapos ka lang ng pag-aaral— kayong dalawa ni Irish ay sapat na sa 'kin? Kaya tama na 'yang kapapasalamat mo sa akin." Natatawang sabi nito habang pinipirmahan ang report card niya. Pagkatapos ay kinuhanan ng litrato gamit ang mumurahing selpon na touchscreen.

"May gagawin ka pa rito sa eskwelahan niyo?" Tanong nito sa kaniya nang matapos ang ginagawa.

"Wala naman na po." Sagot niya. Tumayo na ang ginang at saka siya hinila patayo.

"Dahil mataas ang marka mo at ni Irish kakain tayo sa labas." Masayang pahayag nito kaya't nagpatianod na lamang siya.

"Ito na po 'yong report card ni Kailyn, Ma'am." At saka iniabot sa kaniyang guro ang card. Nilingon siya ng kaniyang guro at agad na bumalik ang tingin sa kaniyang itinuring na ina.

"Naku! Matalinong bata talaga ang anak mo, Mrs. Dechavez. Kung magpapatuloy ang mataas niyang marka may chance na ga-graduate siya sa April na 'With High Honors' sa kanilang batch." Anito habang nakangiti.

"S'yempre, mana po 'yan sa akin. Sige, ma'am, mauna na kami nitong anak ko." Pagpapaalam nito sa kaniyang guro at saka sila nagpatuloy maglakad palabas sa kaniyang classroom.

Lihim siyang napangiti. Kahit hindi siya kaano-ano nito ay itinuring pa rin siya na tunay na anak. Nang makalabas na ay agad silang sinalubong ni Irish ang nag-iisang anak ng Mama Leah niya.

"Tapos na ang meeting, Ma?" Tanong nito kay Mama Leah.

"Kakatapos lang. Tingnan mo ang grades ni Kailyn." Sabay abot nito ng selpon sa anak. Agad naman iyon na kinuha ng kaibigan.

"Wow! Grabe ka, Kakai! 'Yong Pre-Calculus ko 88 pero sa 'yo 96. Natutulog ka pa ba?" Manghang tanong nito sa kaniya. Tinanguan niya ito habang natatawa sa itsura nito na pinalalaki ang dalawang mata.

"Anong hindi?! Sinungaling ka. E, 96 nga rin 'yong average mo. Pahingi naman ng talino mo, Kakai!" Tumawa lamang siya lalo na nang pitikin siya sa noon ng kaniyang ina.

"Loko ka talagang bata ka. Kaya dapat magpaturo ka kay Kailyn 'di ba gusto mong mag-Engineer?"

"Ay ewan, Ma! Mukhang mapapasubo ako sa Mathematics. Kay Papa ko yata namana ang utak ko, e." Biro nito ngunit nakatikim lang ng kurot mula sa ina.

Love Rules #1: Keep GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon