Simula
"Why I was born in this cruel world?"
That's what she always asked to herself. She was abandoned. She has no family— biological parents. She never felt what it feels like to be loved and cared by a mother and a father. She was sexually abused. She remained silent. She was so scared and doesn't know what to do.
Wala sa sariling napatingin siya sa kaniyang kaliwang pulsuhan. There she saw all the scars she's been hiding from the day she decided to end her life. Ilang beses na siyang naglaslas at hinayaan ang dugo na dumaloy sa buong kamay niya hanggang sa siya'y makatulog. Kinabukasan magigising na lang siyang tuyo na ang dugo sa kaniyang pulsuhan. Bakit buhay pa rin siya? Ano ba ang kasalan na nagawa niya para magdusa siya nang ganito? Hindi pa ba sapat na walang-wala siya? Gusto niyang hanapin ang buong pagkatao niya subalit papaano? Gusto na niyang magpahinga. Pagod na pagod na siya sa buhay niyang walang saysay.
Alas-diyes na ng gabi, tiyak siyang walang kamalay-malay ang mga ito sa kaniyang pagtakas. Sinigurado niya na tulog na silang lahat bago tuluyang umalis sa bahay ng pamilyang kumupkop sa kaniya. Nagpapasalamat pa rin siya sa kanila lalo na sa anak ng mag-asawa.
Humihikbing naglalakad siya sa kalsada bitbit ang nag-iisang bag lamang na regalo pa sa kaniya ng mag-pamilya. Damang-damang niya ang malamig na simoy ng hangin. Rinig na rinig niya ang maiingay na busina mula sa mga sasakyan at mga tumatahol na aso. Halos hindi na niya makita ang dinaraanan dahil sa mga luhang walang humpay sa pag-agos. Ang bawat mabibigat na hakbang niya ay kaakibat ang mabigat na pagdaramdam.
Sa sobrang emosyon na nadarama at malalim na pag-iisip hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa tulay. Inilibot niya ang paningin at nakitang wala nang halos na sasakyang dumaraan. Anong oras na nga ba? Hindi niya alam kung gaano kalayo na ang kaniyang narating sa paglalakad. Tila'y isa siyang kaluluwa at hindi man lang nakaramdam ng pagod ang katawan pero ang puso't isipan niya ay pagod na— sobra. Gusto na niyang tapusin ang lahat.
Napatingin siya sa ilog sa ilalim ng tulay.
"Gaano kaya kalalim 'yon?" Mahina niyang tanong sa sarili.
"Sapat na kayang malunod ako para tuluyan nang mabura sa mundong 'to?" Mapakla siyang natawa. Nababaliw na yata siya.
Sa pagkakataong ito, hiling niya ay sana wala nang magtatangkang iligtas ang buhay niya. Para sa kaniya, habang tumatagal siya sa mundong ito pakiramdam niya'y nasa impyerno siya. Hindi rin siya dapat na mabuhay pa.
Binitawan niya ang kaniyang bag at saka tumungtong sa railings ng tulay. Handa na siyang tumalon at handa ng mamatay nang may biglang magsalita sa kaniyang gilid. Sa pagkabigla at nais lingunin ang hangal na balak pumigil sa kaniya ay tuluyan siyang nawalan ng balanse mula sa railings. Kumawala ang isang matinis na sigaw sa kaniyang bibig ngunit alam niyang sa sandaling iyon ay mahuhulog na nga siya sa ilog. Kaya ang ginawa na lamang niya ay ipikit ang dalawang mata pero makalipas ang ilang segundo ay hindi pa rin niya maramdaman ang pagbagsak ng katawan sa ilog.
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at agad siyang sinalubong ng pares na mata mula sa isang estrangherong lalaki. Kita niya sa mukha nito ang pagdaing at tila nahihirapan. Saka lang niya napagtanto kung bakit nang makita niyang mahigpit ang kapit nito sa kaliwang pulsuhan niya.
Nagmamakaawang umiling siya sa lalaki bilang senyales na hayaan na lamang siya na mahulog subalit mukhang determinado itong ilayo siya sa bingit ng kaniyang kamatayan.
"Pakiusap, bitawan mo na lang ako. H-huwag mo na akong hayaan na ma-buhay pa." Umiiyak niyang pakiusap kasabay ng pagpiyok.
"G-gusto ko ng mamatay." Halos pabulong na niyang sabi.
Subalit para lamang bingi ang lalaki dahil buong puwersahan siya nitong hinila pataas hanggang sa tuluyan silang bumagsak pareho sa semento.
Galit na galit niyang pinaghahampas ang lalaki kasabay ng kaniyang paghagulhol. Gusto niya itong sumbatan sa pangingialam nito ngunit walang lumalabas na kahit katiting na salita sa kaniyang bibig. Iyak lamang siya nang iyak habang pinagmamasdan lang siya ng lalaki.
'Yon na, e! Mamatay na dapat siya! Malalayo na dapat siya sa sakit at pagdurusa kung hindi lang dumating ang lalaking nasa harap niya.
Mula sa pagkakasalpak sa semento ay agad siyang tumayo. Walang pag-aalinlangan na bumalik siya sa railings at magtatangkang tumalon ulit nang hablutin nito ang kaniyang kanang braso. Kahit na madilim na at tanging ilaw at buwan na lamang ang nagsisilbing liwanag sa kanila ay kitang-kita niya ang magandang depenisyon ng mukha nito. Saka lang din niya napansin ang ayos nito na nakaitim na hoodie jacket at nakaputing panloob. Nakaitim din ito na cargo shorts at sapatos.
Bigla siyang nagtaka...
Anong ginagawa nito sa mga oras na iyon? Dis-oras na ng gabi at bakit palakad-lakad pa rin ito? May rason siya ngunit ang estrangherong ito?
Nagpupumiglas siya sa hawak nito pero mas lalo niya lang naramdaman ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kaniyang braso.
"Bita—"
"Kung ako sa 'yo, hindi ko na uulitin 'yon." Putol nito sa iba pa niyang sasabihin.
Sasagot pa sana siya nang bigla siyang makaramdam ng pagkahilo.
The next thing she knew— everything went black.
xxx
Thank you for reading!
Kindly leave a vote please?
BINABASA MO ANG
Love Rules #1: Keep Going
Fiksi UmumShe's questioning her whole existence. Why she was born in this cruel world? What makes her life worthy to keep going? She doesn't deserve to live. For her, it's better to die. Started: May 6, 2020