Prologue

78 6 1
                                    

TRIGGER WARNING

This story includes references to mental health and these include topics that are sensitive to that subject matter. Please proceed if you are comfortable with the said sensitive topics. 

Before each chapter that includes the said sensitive topics, there would be a notice informing readers of any sensitive topics mentioned in that chapter.

Prologue

"Once a week ka na nga lang nauwi, puro sigaw pa ang dala mo!" Sigaw ng Mom ko.

"If we can't fix this problem anymore, we might as well split up!" Dad said.

"We should have done that years ago!" Sigaw pabalik ni Mom. I then heard the shattering of glass. 

That is it. Enough is enough.

Mula sa kusina, pumunta ako sa kwarto ko at nag-impake ng mga damit ko. I packed clothes that are good for a week.

I never understood the thing about spouses that fights a lot. Kung pwede naman maghiwalay, bakit hindi pa nila ginawa dati? Gayong sobrang pagod na sila sa isa't isa?

If they're staying together just because of me, they shouldn't. Mas masarap siguro sa pakiramdam kapag wala akong naririnig na sigawan every week. Nakakapagod na rin.

Two hours before the midnight strike, I took my bag and ran away. I won't be gone that long. I'll just free my head from all the stress.

Pumunta ako sa terminal at bumili ng ticket patungo sa bahaging Norte ng bansa. Maalam ako mag-commute kahit na lumaki akong palaging may driver na kasama. Mas gusto ko kasing mapag-isa at walang nakakaaalam kung saan ako patungo.

I'm going to Baguio City.

Isa sa mga paborito kong lugar ang Baguio City. Kahit na marami akong siyudad na napuntahan sa ibang bansa, wala pa ring tatalo sa malamig at maaliwalas na hangin mula sa Baguio. Kahit anong gawin ko, kahit anong layo ng narating ko, palagi ko pa rin binabalik-balikan ang summer capital ng bansa. 

As I sat down beside the window of the bus, harsh words ran inside my head. Once again, my head was full of undesired thoughts, and escaping was the only way I could think of. 

I was then told the harsh truth of my life. Both of my parents are presidents of their own company. They are both workaholics and neither of them spare time for me. Nakasanayan ko na rin kasi na hindi ko sila madalas nakikita sa bahay namin, o kaya naman ay sa buhay ko. 

I believed that they have somehow loved each other before. Marami akong naririnig na kaya lang naman sila kinasal ay dahil sa pagsasama ng kanilang kompanya. Kahit na ganon ang alam ng karamihan, naniniwala pa rin ako na kahit papaano ay minahal nila ang isa't isa noon. However, that's not the case anymore. 

May narinig ako noon na dapat ang magulang ang magpapakita ng pagmamahal sa kanilang mga anak. Sila dapat ang magpapakita kung paano ba talaga magmahal. However, my parents did not teach me that. Probably why I don't believe in love. 

Paano nga ba ako maniniwala sa love kung ang tanging pagmamahal na makikita ko ay ang pagmamahal ng mga magulang ko? Paano ako maniniwala sa bagay na wala naman talaga? 

If the love I see from my parents is the definition of love, I would rather not fall in love. Not even to myself. 

Bloom of the Blues (Palette of Life Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon