Chapter 2
It was already seven in the morning when I started eating my breakfast. I'm early because our second semester for this school year starts today.
Tapos na ang maliligayang araw ko. May pasok na naman...
"Ligeia, maraming salamat talaga sa binigay mo sa amin na pasalubong! Sobra kaming natuwa!" Sabi ng isa sa pinakamatandang kasambahay namin na si Manang Ena. Kasama ang ibang kasambahay namin ay iwinagayway ang mga pasalubong ko para sa kanila. Nakita ko ang matatamis na ngiti sa mukha nila na siyang tumunaw sa puso ko.
I love spoiling them so much. Doon ko nararamdaman ang pagiging appreciative nila sa lahat ng bagay. Hindi ako nag-aasam ng bayad o kung anong kapalit mula sa kanila dahil sapat na yung inaalagaan nila ako at nariyan sila tuwing kailangan ko ng kasama.
Si Manang Ena na ang kasama ko simula nang bumalik kami ng Pilipinas. Natutuwa ako hanggang ngayon kasi kahit na wala ang mga magulang ko para gabayan ako sa paglaki, nariyan naman si Manang na naging gabay at tumulong sa akin. Halos ina na rin ang turing ko sa kaniya.
"May binili din po akong strawberry ice cream. Baka po this week ang dating." Ngumiti ako.
"Masarap po 'yon. Galing Baguio City at talagang malalasahan mo yung strawberry nila!""Naku! Ang bait mo talagang bata!" Natutuwang sabi ni Manang at binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap.
Nang matapos ako sa pagkain ng umagahan ay naggayak na ako bago tumuloy sa sasakyan namin kung saan naghihintay ang driver namin.
Honestly, I could drive myself. Kung hindi lang traffic ay nagawa ko na. Masyadong maagap para maistress ako sa mga bagay na hindi ko naman kayang ikontrol.
Alas-otso nang makarating ako sa unibersidad namin. Mayroon pa akong isang oras bago magsimula ang una kong subject kaya naman naglakad muna ako patungo sa dulong parte ng campus na kung saan may bahay kubo at rumaragasang tubig ilog. Doon kami palaging tumatambay ng mga kaibigan ko dahil walang masyadong nagtutungo roon, nakakatakot daw kasi.
Nang makarating ako sa kubo ay sinalubong ako ng isang mataray na mukha ni Ivory. Nakataas ang isa niyang kilay na para bang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko. Umirap ako habang nakangisi. Hindi na nawala ang ganiyang mukha ni Ivory kaya naman madalas ay napagkakamalan siyang mahirap lapitan.
"Si Arus, wala pa?" Tanong ko sa kaniya nang ilapag ko ang bag ko sa upuan ng kubo. Nakita ko na naging busy na siya sa cellphone niya.
"What's new? He's always late naman." Sagot niya nang 'di ako tinitignan.
Nakita ko na pinatay niya ang cellphone niya at hinarap ako. Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi.
"So, how's your run-away moment in Benguet? I saw your pictures in Mount Pulag and I was so jealous!" Pinahaba niya ang huling salita na para bang aabot na ito sa Mount Pulag. "I wished I was there to see the view personally. Nakakainggit so much!"
Natawa ako. "I wished you were there too. Sabi ko na nga ba maiinggit ka kasi hindi mo nakita yung magandang view."
"You should've asked me to go there..." Sabi niya na para bang nanlulumo. "Even if I wanted to come with you, I still wouldn't go if you didn't ask me. Even if we're very close, I still respect your privacy."
"Thank you." Ngumiti ako sa kaibigan. "We should go there sometime? Maganda ay pumunta tayo ng summer para maaraw ang panahon."
"At maiiwan lang ako rito?" Narinig namin ang pagsabat ng isang lalaking boses mula sa likod namin. Nilingon ko iyon at nakita ko ang kaibigan na si Icarus. Lumapit siya at ambang uupo sa tabi namin kaya naman binigyan namin siya ng espasyo. Binuksan ko ang bag ko at inabot sa kaniya ang isang jar ng strawberry jam.
BINABASA MO ANG
Bloom of the Blues (Palette of Life Series #1)
RomanceMoney. Power. Friends. Those are some of the things Ligeia has. She uses the money to travel whenever and wherever she wants. She uses her power to get anything she wants, without abusing it. She has friends but she's having a hard time opening up t...