Hi, I'm Nutella Fernandez. Fourth Year Highschool. Time Check: 4:00 pm, naglalakad ako pauwi galing sa school at sa may riverside ako dumadaan dahil shortcut ko 'yun pauwi nang....
"Ano ha ?! Sinasantabe mo lang ba kami ha ?!"
may nakita akong lalaking binubugbog ng isang grupo sa may riverside kung saan madamo.
"Tanggapin mo 'to !"
Malamang 'yung mga 'yun ay taga-Lad Academy kung saan matatagpuan ang mga delinquents at bullies.
"Ito pa !" suntok nung kulay kwekwek ang buhok na lalaki, dahilan ng paghiga nung binubully nila sa damo.
"Hahaha ! Wala ka palang kwenta e !" habol na sipa nung naka-wrecking ball ang style na buhok.
"Ts. Tara na nga, nakakawalang gana 'tong lalaking 'to !" yaya naman nung kalbong bagong floorwax ang ulo at umalis na sila na iniwang nakatiwangwang ang lalaking binugbog nila.
"A-Ano, tutulungan ko ba siya ? Nakakaawa naman." bulong ko.
STAREEE ~
Napansin niya akong nakatayo sa gilid malapit sa damo ng riverside, at tinitigan ako ng wagas!
"U-Uhm, may gagawin pa pala ako." palusot ko sabay iwas ng tingin sa kaniya at kumaripas ng takbo pauwi.
BAM !
"Whoo ! Nvm that. Honey, I'm Home !" sigaw ko pagkapasok ng pinto.
"Ay, oo nga pala. Wala nga pala akong boyfriend." alala ko habang naghuhubad ng sapatos. Nasa work si Dad, si Mom naman patay na nung inilalabas ako sa sinapupunan.
Drip Drop
Nagsimula nang pumatak ang ulan.
"Nandun pa kaya 'yung lalaking 'yun ?" sabi ko habang nakahalumbaba sa may bintana katabi ng aking kama.
"Teka, ano bang pake ko ?" sabat ko sa sarili ko, para tuloy akong baliw.
"Pero..."
Jake's POV
Hay, bugbog sarado na naman. Mas masarap talagang humiga dito sa damuhan habang umuulan.
Pero hindi ko na naramdaman ang pagpatak ng ulan sa mukha ko kaya naman minulat ko ang aking mga mata.
Isang babae....
"N-Napadaan lang ako dito !" sigaw niya sa'kin habang may hawak na isa pang payong.
Bumangon ako sa pagkakahiga.
"Bakit ...." hindi pa ako tapos mag-magsalita e nagsalita na agad siya.
"Anong bakit ?! Paano kung magkasakit ka ha ?! Wag mo ngang pabayaan 'yang sarili mo ?!" nanay ko ba 'to ?
"Oh, eto !" abot niya sa'kin nung payong.
"Ibalik mo 'yang payong ko ah, Blee !" dila niya sa'kin at tumakbo na.
"Weird girl." bulong ko habang pinagmamasdan siyang tumakbo.
The Next Day
Nutella's POV
"A-Achooo ! *sniff sniff*" pahid ko ng tissue sa ilong ko habang nakadungaw sa bintana ng room namin.
"Anyare sa'yo ?" tanong ni Aya na nakaupo sa unahan ko.
"Na-A-Achooo ! Naulanan kasi ako kahapon e." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Wattpad One-Shot Collection
NouvellesDifferent stories and different kind of people. One-Shot Collection :) Enjoy :)