Chapter 1: New Home

57 2 0
                                    

Chapter 1: New Home

Dedicated to @Sweet_mallows15 i'm so baliw to dedicate this chapter to you HAHAH XD thank you kasi tinutulungan mo ako sa paggawa ng mga ito! haha so drama!! -__- :* love you! Here's Chapter 1

Chanyeol POV

Nakakapagod ang magpabalik-balik sa SM at sa tinitirhan namin. Dahil malayo ang tinutuluyan namin sa ngayon, napag-isipan namin na tumira kami sa iisang bahay. Yun nga lang maghahanap pa lang kami sa ngayon. Kaya nang matapos ang aming rehearsal dali-dali kaming umuwi saaming tinutuluyan para makapagpahinga at para na rin mapag-usapan kung saan kami pwedeng lumipat.

"Hyung saan tayo pwedeng maghanap ng malilipatan? yung malapit sa SMent." tanong ko kay Kris.

"Yun nga eh! wala pa tayong nahahanap. Magpapahanap muna tayo sa mga kaibigan natin na malalapit din sa SMent. Para hindi na tayo mahirapang pumunta sa SM kapag may rehearsal tayo." aniya saka kumamot sa ulo.

"Tawagan ko kaya si Taemin,kung may alam siyang pwede nating tirhan. Malapit rin kasi ang tintirhan ni Taemin sa SM eh." singit naman ni Kai sa usapan.

"Oo. Tama si Kai pwede nating tawagan si Taemin. Baka sakaling may alam siyang pwede nating lipatan. Bakit hindi natin subukan." dagdag naman ni Kris.

"Ano guys tawagan ko na ba?" tanong naman ni Kai.

"Sige. Tawagan mo na hyung." sabi ko naman kay Kai.

Tinawagan na nga ni Kai si Taemin at hinihintay na lang namin ang pwedeng maging sagot nito kay Kai. At umaasa kami na meron kaming makukuhang sagot kay Taemin. Sa ngayon hinihintay na lang namin na matapos ang usapan ng dalawa. Nakakainis lang .. dahil ang lagi kong naririnig kay Kai ay puros oo, hindi, at iba pang maiikling salita. Hinihintay ko ngang marinig galing kay hyung ang salitang sige ok na yan. Pupuntahan nanamin. Pero wala eh! hanggang sa matapos ang usapan nila.

"Ano, anong sabi? meron ba? dalian mo hyung!" sunud-sunod kong tanong sa kanya.

"-___- Ano pwede na akong magsalita?! ang daldal mo!" medyo inis niyang sabi.

"Sorry. Sige na sabihin mo na." sabi ko sa kanya ng nakayuko.

"Sabi ni Taemin meron daw. Pero tatawag na lang daw siya uli para makausap yung Landlady." sagot ni Kai sa tanong namin. Nagulat naman ako kay Sehun nang biglang sumulpot sa likod ni Kai at niyakap ito.

"Nice. Sigurado na ba yan!" singit ni Sehun at niyakap si Kai mula sa likod.

"Takte! bitiwan mo ako!! hindi ako mak-makahinga Sehun." Ani Kai kay Sehun.

"Pasensya na, natuwa lang." sabi naman ni Sehun kay Kai.

"Ayos lang. :)" nakangiti pang sabi ni Kai kay Sehun.

"Sweet niyo ha! tara kumain na nga lang tayo." aniya Kris. At inaya kaming kumain na lahat!

EXO Live Together With A GANGSTER (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon