Chapter 3: HOUSEMATE

25 3 0
                                    

Chapter 3: HOUSEMATE

Dedicated to @Hello_Piggies. Dedicated po sayo hihi. Hope you like it. Do vote and comment :) Here's The Update ..

Kris's POV

Teka bakit may babae dito?! Akala ko naman kami-kami lang ang titira dito! tapos malalaman kong may isa pa lang nakatira dito, at babae pa. Hindi man lang nasabi saaming ni manang na may iba pa palang tao dito. Tinignan ko naman ang mga expression ng labing isa kasama ko. Halos lahat sila magkakapareho lang ng reaksyon nang may makita silang lumabas na babae mula sa isang kwartong bakante. 13 kasi ang kwarto dito at ang alam namin kanina ay walang tao sa isang kwartong yun. Tapos malalaman namin na may tao sa loob nun?! Hindi ko nga alam kung nakalimutang sabihin saamin ni manang na may makakasama pa kami dito o sadyang hindi niya talaga sinabi! Pero bakit naman niya gagawin ang bagay na yun! wala na bang ibang pwedeng tirhan ang babaeng yan? Yung pang-isahan lang at yung matitirhan na kasya lang para sa iisang tao.

Kakausapin ko sana siya pero bigla naman siyang tumakbo papalabas nitong bahay. Natakot ata saamin kaya dali-daling lumabas.

"Hyung, Sino yun?" tanong ni Chanyeol.

"Malay ko." diretsong sagot ko. Wala akong pakeelam sa kanya!

"Bakit gusto mo?" Rinig kong tanong ni Kai.

"Hindi. Tinatanong ko lang." sabi naman ni Chanyeol.

"Talaga hindi mo type?" tanong pa ni Kai.

"Hindi nga! Siguro sa ngayon wala. Maganda naman siya ha?" sagot ni Chanyeol sa tanong ni Kai.

"Bakit ikaw? type mo ba?" tanong naman ni Chanyeol kay Kai.

"Hindi." maikling sagot niya.

"Ang ganda niya kaya. Hindi niyo ba nakita?" singit naman ni Xiumin. Psh .. nataypan ata nang loko.

"Nakita namin. Kaya nga nasabi naming maganda diba?" sabi naman ni Chanyeol kay Xiumin.

"Ah. Ok. Baka magustuhan mo yun someday." Sabi naman ni Xiumin kay Chanyeol.

"Bakit naman hindi. Sa ganda niyang yun, at sa gwapo kong to. Wala bang pag-asa tong pagmumukha ko sa babaeng ganun kaganda." sabi naman ni Chanyeol kay Xiumin saka nag pogi sign.

"Ewan ko sayo. Akala ko ba si Sandara ang gusto mo?" biglang tanong naman ni Xiumin.

"A-ah .. i-iba naman siya nu!" nauutal niya pang sagot. Takte lakas talaga nang tama ni Chanyeol kay Sandara.

"Tumigil na nga kayo diyan. Ang isipin natin ngayon kung paanong may babae dito! hindi yang pag-ibig, pag-ibig na yan psh -_-" sabi ko naman sa kanila. Tinignan naman nila ako ng serysoso sa pagkatapos nun.

"Bakit?" tanong ko sa kanila.

"Wala." sagot ni Chanyeol. Si Kai naman nanahimik na lang sa isang tabi at hindi na ulit nag-salita.

"Hindi ka ba nagaganda sa ganung babae?" nagulat naman ako sa naging tanong ni xiumin saakin. Kaya hindi ako agad nakasagot.

"Ano?" paghihintay niya sa magiging sagot ko.

"Ako magkakagusto dun? Hindi nu?! hindi ako interesado sa kanya." sagot ko sa kanya.

"Defensive lang?!" sabi niya pa.

"Ewan ko sayo." sabi ko na lang sa kanya. Nakita ko naman sila Baekhyun na may kanya-kanyang ginagawa. May nag-sosoundtrip, nag-aayos nang gamit, may natutulog, may nanunuod, may nagcocomputer, at etc. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang pwede kong kausapin dahil halos lahat sila busy. Kaya naman ang naisip ko na lapitan ay si Luhan na nakita ko namang busing busy sa pag-rurubik's cube niya. Makakausap ko naman kasi siya kahit na nag-rurubik's cube siya hindi kagaya nang iba sa kanila hindi mo talaga makausap.

"Luhan. Pwede ba kitang makausap?" bungad ko naman sa kanya.

"Ano yun?" tanong niya nang hindi nakatingin saakin.

"Sa tingin mo sino yung babaeng yun?" tanong ko.

"Hindi ko alam eh. At hindi ko rin alam kung saan siya nanggaling." sagot naman niya saka ako tinignan.

"Bakit kaya hindi man lang nasabi saatin nang Land lady na may makakasama pala tayo dito sa bahay." sabi ko naman sa kanya.

"Baka naman nakalimot siyang sabihin na may nakatira pa pala dito. Diba nga may edad na rin siya kaya siguro hindi niya saatin nasabi." pagpapaliwanag ni Luhan.

"Siguro nga?! Ano yun kasama na natin habangbuhay?!" dagdag ko pa.

"Ganun na nga." sagot niya naman sakin. Wala na ata talaga akong magagawa. Napakasama ko naman kung paaalisin ko yung babaeng yun. Oo .. ayaw ko sa mga babae. Bakit? kasi ang daming arte, ang daming kung anu-anong kaek-ekan. Basta ayaw ko talaga sa mga babae! yun na yun.

"Paano kung kayo pala?" rinig kong tanong niya.

"Anong kayo palang pinagsasabi mo?" Medyo pataas na boses na pagkakasabi ko.

"Alam mo na yun!" sabi niya.

"Hoy! hindi nu?!" Sagot ko sa kanya.

"Talaga lang?!" sabi niya pa.

"Hindi nga sabi! bakit niyo ba ako tinutukso doon?" sabi ko naman sa kanya nang pagalit na.

"O sige na. Hindi na!" sabi niya naman.

"Psh. Diyan kana nga!" sabi ko. Saka umalis at pumasok na lang nang kwarto ko. Bahala sila diyan! Hindi talaga ako magkakaroon ng interes sa babaeng yun. Unang tingin ko pa lang sa kanya alam ko nang may ugali siyang ayaw kong makita mula sa mga babae. Hindi ko kasi sila maintindihan, ang hirap nilang ispelingin. Pero hindi ako bakla ah! lalaki ako tunay na lalaki. Kaya kung nag-iisip kayo nang kung anu-ano pwes .. burahin niyo na sa isip ninyo. At magkakasundo tayo.

EXO Live Together With A GANGSTER (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon