Chapter XIV -The "date" with my first love

111 1 0
                                    

Salamat at binabasa mo ulit ito.

CHAPTER 24 na!

Sa mga nagtatanong kung saan nanggagaling ang mga ideas na ito, inspired po ako sa mga true to life stories. SOBRA.

Sa sobrang kakiligan ko, nakakapagbuo ako ng mga ideas. Then ginagamitan ko na lang ng humor para mas maging masaya :D

Comment lang po if may mga trip kayong mangyari.

I-dededicate ko po sa inyo ang chapter kung nagkataon. But be sure na nabasa niyo yung mga previous chapter ^^

Yun lang for now. HAHA! Pasado lahat ng subjects ko din semester! I love BLAW and POLSCI talaga.^^

-yang yoseob&donghae(everlasting forever..)

~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0

CHAPTER XXIV - The “date” with my first love

               “Excuse me? Si Dona?” tanong ni Vlad kay Andie.

               Pagkatapos niyaya ni Vlad si Dona noong gabing yaon ay hindi niya ito natanggihan. Nagdidilig kasalukuyan si Andie ng halaman. Nagulat pa si Domo nang makita ang lalaki.

               “Hah? A-asa loob siya. Tatawagin ko,” sabi nito at dali-daling nagpunta sa loob.

               Pagkapasok ni Andie ay siya namang lumabas si Arkin.

               Nagkatinginan sina Vlad at Arkin pero tuloy-tuloy na lumabas ang huli ng boarding house.

               “Arkin,” sabi ni Vlad saka lumingon ang tinawag.

               “Mag-lulunch kami ni Dona.”

               “Alam ko,” kunot-noo na sinabi ni Arkin kay Vlad. Humarap siya sa kausap.

               “Ahh.. andun ka nga pala kagabi. Anong pinag-usapan niyo?” nakangiting tanong ni Vlad.

               “Anak mo ba siya para malaman mo ang lahat? Hindi naman di ba? None of your business,” diretso at walang kangiti-ngiting sagot ni Arkin.

               “Ang init ng dugo mo sa akin ah? Ano bang problema mo? Nagseselos ka ba?” seryosong tanong ni Vlad. Magkaharap na sila ng tuluyan.

               “VLADIMIR!” sigaw ni Andie. “Wait lang daw. Nagbibihis lang!”

               Tumango lang ito sa narinig.

               “Liligawan ko siya,” pagsisimula ni Vlad.

               Napatingin si Arkin sa kanya.

               “Good luck,” walang ekspresyong tinapik nito ang balikat ni Vlad saka umalis.

               “San ba tayo mag-lulunch?,” tanong ni Dona habang papunta sila ng mall.

               “Lunch agad? Gusto mo ba munang mamasyal?” sagot ni Vlad habang inililiko ang kotse papuntang parking area.

               “Siyempre gusto! Tarang Arcade!” sabi nalang nito.

               Nakailang laro din sila ng tekken at basketball sa Arcade nang mapagdesisyonang mag-lunch na.

               “Woah! Gaya ka pa rin ng dati, TALO ka pa rin!” kantyaw ni Dona.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's an Erotomaniac! (Ang Makupad na Pag-Ibig) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon