Chapter XII

127 6 1
                                    

CHAPTER XII

DONA’s POV

               “Si Arkin? Nakaisang baso lang nga eh. Hina. Hindi daw umiinom,” sabi Jarell habang nagpipisikalan sila si Veron.

               “Eh, bakit parang lasing siya kahapon?” hindi na ako nakatiis. Ang landi kasi Arkin noon. Imposibleng hindi siya nalasing.

               “You’re my heart…”

               O///////O waaahh! Di ko na mapigilan sarili ko.

               “Ahh. Baka inantok na. Usapang babae kahapon eh?” sagot ni Jarell.

               Kanina pa kami nakauwi dito sa boarding house at hindi ko talaga mapigilang mapangiti. Kanina pa nga ako nagpipigil buti at wala akong kasama sa room. Nasa internet shop sina Andie ngayon kasama si Arkin “ko”. Sila mag-kagroup eh. Counting ang sistema, hindi kami na-‘destiny’, hay sadness!

               Masanay na rin kayo. Panay Arkin “ko” na ang tawag ko sa kanya. Ganun talaga. May pagnanasa ako sa kanya eh. O______O anu daw?

               Bakit niya kaya sasabihing You’re my heart…” ? Trip?  Bored?

               Sana hindi. Sana totoo yun.

               Heto na naman ako. Parang nangyari na ito ha?

               Pero huwag ka, sobra talaga akong kinikilig.

               O//////O waaahh! Umiinit pisngi ko! Hinawakan ko. Mainit nga, shemay!

               Lakas ng epekto mo Arkin “ko”! ^______^

               Nasa kalagitnaan ako ng kalandian at kakiligan, nang biglang bumukas ang pinto.

               Si Nicole pumasok.

               “Hi, Dona-joh!”sabi niya with matching sway ng hands. Parang hindi kami nagkasalubong nito kanina ha?

               “Hello, Nicole-joh!” bawi ko saka todo kaway sa kanya. MEGA-good mood ako ngayon. Gusto kong ikalat ang ­GV(Good Vibes).

               “You’re so happy today! Nakita mo na naman ba si ex-sung?” sabi ko sa babaeng biglang humilata sa bed niya.

               Lumabi siya sa akin saka tumango. Todo ngiti siya saka biglang natulala.

               “Balikan na kasi iyan!” sabi ko habang pinapanood ang pagkatulala niya. “Bastedin mo na yung ngayon!”saka ko itinawa.

*end of DONA’s POV*

               Napatingin si Nicole kay Dona.

               “Kung pwede lang bumalik sa una, babalik ako. Kahit pa ayaw ng mundo, ipagpipilitan ko ang sarili ko. Kaso siya ang may ayaw, ano pang magagawa ko?” sabi niya saka nagpunta sa banyo.

               “Phew!Teh ganda lang ng sinabi mo! Pang-wattpad!”saka pumalakpak si Dona.

NICOLE’s POV

               I’m Katrine Nicole Guttierez, 17. Nicole for short. Pero pwede ring Kat.

                Accouting Technology major. Mag-C-CPA ako!

She's an Erotomaniac! (Ang Makupad na Pag-Ibig) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon