Chapter 01: New Chance At Love

457 35 5
                                    


"Good morning, Ma'am and Sir! Welcome to Grandé Hotel!"

Malawak na ngumiti si Antoinette sa bagong dating. Mukhang mga bagong kasal ito at narito para sa honeymoon nila.

Mag-iisang taon na si Antoinette bilang isang receptionist dito sa hotel. Maayos naman ang tungo sa kaniya ng mga kasama niya rito. Nag-e-enjoy na rin siya sa trabaho niyang ito. She's a bit surprised that after her break-up with her four-year boyfriend, she managed to work as if nothing happened-as if her heart wasn't shattered to pieces.

Matapos asikasuhin ang bagong dating na guest, may dumating naman na nagtanong sa kaniya kung nasaan ang lavatory. Maayos niyang binigay ang directions at umalis na ito pagkatapos.

Chinicheck ni Antoinette ang logbooks nang may naglapag ng kung ano sa desk, kaya napaangat siya ng tingin. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang makitang... tsokolate na naman iyon na may kasamang letter.

Araw-araw na lang siyang nakakatanggap ng ganito pero hindi niya malaman kung kanino galing.

"Nadia," aniya sabay angat ng tingin sa secretary ng CEO ng hotel, na kaibigan niya rin. "Ano na naman 'to?"

Makahulugang ngumiti ang kaniyang kaibigan. "Ano pa ba? Edi chocolates and letters from your secret admirer!"

Napanguso si Antoinette. Tinanong niya na dati pa ang kaibigan kung kanino galing ang mga tsokolate at letter, pero pati ito ay wala ring alam.

"You know what?" Nadia leaned on the desk. "Why don't you entertain this secret admirer of yours? Isang taon ka nangng single, 'te! Uso mag-move on, 'no!"

Napairap si Antoinette. "Kung makapagsalita ka parang naka-move on ka na sa ex mong bellboy dito, tss!"

Natahimik si Nadia dahil sa kaniyang sinabi. Naglaho ang ngiti nito at napalitan ng sakit. Napatawa na lang siya.

"Umalis ka na nga! May trabaho pa tayo," pagtataboy niya sa kaibigan habang nililigpit ang tsokolate at letters na nasa desk. "Salamat sa pagdala nito."

Umirap din si Nadia. "Oh, siya! Chika ulit tayo mamayang lunch break, ha!"

Tumango lang siya bilang sagot. Nang nakaalis na ang kaibigan, kinuha niya ang letter at binasa 'yon.

Antoinette,

You look beautiful as the day. I think you never experienced being ugly for once in your life. You have this ethereal beauty that always take my breath away.

I'm sorry if I can't show myself to you. I don't know how to approach such a goddess like you. Let me gather up my courage first and show myself, and also my love for you.

For now, I'll show my love for you through this. hope I didn't creep you out with my letters and chocolates everyday.

Love,

4.16

Nakangiti si Antoinette habang binabasa ang liham. Somehow, she could feel how much this anonymous admirer is sincere. Gusto niyang makita at makausap ito sa personal. Pero paano? Kung ang tanging clue niya lang dito ay ang tatlong numero sa hulihan ng liham.

Parang pamilyar din sa kaniya ang numero na 'yon. Kung date man 'yon, ibig sabihin ay birthday niya. Pwede ring... 'yong araw na nag-break sila ng kaniyang dating boyfriend.

Naglaho ang kaniyang ngiti at tinupi na lang ang liham at itinabi kasama ang tsokolate.

Sa gilid ng kaniyang mga mata, may nakikita siyang papalapit. Kaagad niyang inangat ang kaniyang tingin at malawak na ngumiti.

"Good morning... sir." Ang masigla niyang boses ay unti-unting humina nang makita niya ang taong nakatayo ngayon sa harapan niya.

Looking handsome and hot in his striped polo shirt, with the first three buttons open, tucked inside his black pants, was Philip. Ito ang artistang kapatid ng Sir Chase nila na CEO ng Grandé Hotel.

Kahit ilang beses niya na itong nakita, hindi niya pa rin maiwasang masurpresa at medyo... kiligin dahil isa ito sa mga sikat na artista.

Tinanggal nito ang sunglasses na suot, 'tsaka direktang tumitig sa kaniyang mga mata at ngumiti.

Her heart surprisingly leaped.

"Is Chase here?" He asked, his baritone voice echoing inside Antoinette's ears.

Napakurap siya. "M-May appointment po ba kayo kay Sir Chase?"

Umangat ang isang kilay nito. "Is it necessary? I'm his brother."

Hindi na makayanan ni Antoinette ang titig nito, kaya napaiwas na lang siya ng tingin.

"I'll... inform Sir Chase that you're here, Sir. This will take a moment," aniya 'tsaka mabilis na kinuha ang telepono at tinawagan ang kaniyang Boss.

Nakatayo pa rin ang lalaki roon, nakatitig sa kaniya habang kinakausap niya ang kaniyang Boss. She doesn't feel uncomfortable with the way he stares at her, kaya nauutal siya at naco-conscious habang kausap ang kaniyang Sir Chase.

Napakagat sa ibabang labi si Antoinette. Marahan niyang nilapag pabalik ang telepono habang nagsasalita, "Bababa raw po si Sir Chase rito pagkatapos niyang permahan ang mga documents sa taas. Pwede po kayong maghintay muna sa kaniya doon sa lobby-"

"Beautiful."

Napakurap siya. Bumilis bigla ang tibok ng kaniyang puso nang makitang nakatitig pa rin ito sa kaniya.

"S-Sir?" nauutal niyang tanong.

Tumawa ito. Bumaba ang tingin nito sa tsokolate at letter na nakalapag sa gilid ng desktop, 'tsaka nag-angat ulit ng tingin sa kaniya.

"You received the chocolates and the letters," he stated.

Marahan siyang tumango. "Opo..."

Philip flashed a sweet smile to her. "Do you like them?"

Medyo nagtaka na si Antoinette sa itinanong ng binata sa kaniya. Pero kahit ganoon, marahan pa rin siyang tumango.

"I'm glad you liked them."

Natigilan si Antoinette at napakurap. "P-po?"

Nawala ang ngiti nito 'tsaka tumikhim, at nag-iwas ng tingin. His ears turned a light shade of red.

"Where's... the lobby?" tanong kaagad nito.

Nakagat na lang ni Antoinette ang kaniyang ibabang labi. Iminuwestra niya na lang ang isang kamay sa daan papunta sa lobby habang sinasabi rito ang direksyon, hindi niya magawang makatingin dito nang diretso.

Of Love And Chances |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon