Chapter 03: Second Chance

167 33 11
                                    


"Look... there's a fly in my coffee!"

Marahang humugot ng hinga si Fritz nang sigawan siya ng isang guest dito sa restaurant ng hotel kung saan siya nagtatrabaho bilang manager. Humigpit ang kaniyang hawak sa folder na nasa kaniyang kanang kamay.

"I'm so sorry about this, Ma'am," mahinahon niyang sabi. "Papalitan na lang po namin ang kape ninyo. I'm really sorry about this po."

Sa trabaho niyang ito, maraming beses nang nasubukan ang kaniyang pasensya. Pero kahit gusto niya nang sigawan ang mga guest, kailangan niyang pahabain ang kaniyang pasensya dahil baka mawalan pa siya ng trabaho.

"Gosh! I can't believe this hotel is rated five star! You can't even maintain cleanliness!"

Ngumiti na lang si Fritz para pakalmahin ang sarili. Tinawag niya na lang ang isang waitress para palitan ang kape ng guest, bago siya umalis para bumalik sa trabaho. Marami pa siyang kailangang tapusin.

Nang napadaan siya sa front desk, napahinto siya nang may kamay na may hawak na chocolate ang biglang humarang sa kaniya. Napatingin kaagad siya sa receptionist nilang si Antoinette.

Ngumiti ito sa kaniya. "Chocolates help you calm down," anito. "At least, sa akin, oo. Pero try mo rin."

Napatawa siya bago tinanggap ang inalok nitong tsokolate. "Galing na naman ba 'to sa secret admirer mo?"

Hindi ito sumagot at ngumuso lang. Araw-araw ay may nagpapadala ng tsokolate na may kasamang letters kay Antoinette. Kung hindi siya ang nag-aabot, ay si Nadia naman. Ang ganda naman kasi ng receptionist nila na 'to, kaya hindi na nakakapagtaka 'yon.

"Salamat dito!" Kumagat siya sa tsokolate bago siya nagpatuloy papunta sa elevator.

Hinintay niyang bumukas ang elevator. Saktong naubos niya ang tsokolate nang bumukas ang elevator. Kaagad siyang humakbang papasok.

Tahimik sa loob ng elevator, kaya kung anu-ano ang pumasok sa kaniyang utak. Unfortunately, pumasok sa kaniyang utak ang kaniyang ex-boyfriend.

Mga tatlong buwan na ring nagkahiwalay sila ng kaniyang boyfriend. Hindi niya maintindihan kung bakit nagawa nitong magloko sa kaniya.

She gave him everything he needed. Heck, she even gave him her first! Lahat ng pagmamahal niya ay ibinuhos niya rito. Pero nagawa pa rin siya nitong iwan.

"I'm sorry, Fritz. It's just that... there's something that you don't have, that I found in her. I'm sorry, let's break up."

Parang piniga ang kaniyang puso nang maaalala ang pangyayaring iyon na para bang kahapon lang.

Hindi pala namalayan ni Fritz na nakatulala na siya. Napabalik siya sa reyalidad nang huminto ang elevator at bumukas.

Bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang makita ang gwapong ngiti ni Loyd, ang babaerong best friend ng CEO nilang si Sir Chase, na madalas bumisita at manggulo sa opisina.

Naalala niya noong unang beses pa siyang nagtrabaho rito sa Grandé Hotel bilang isang manager. Bigla siyang nilapitan nito at sinubukan pang landiin! Pero binalaan siya ni Ma'am Nadia tungkol sa pagiging babaero nito, kaya kahit halos araw-araw na siya nitong guluhin at subukang landiin ay wala na iyong epekto sa kaniya.

Wala nga ba?

Humakbang na papasok si Loyd. Pakiramdam ni Fritz ay biglang uminit ang elevator nang magsara ito. Pakiramdam niya rin ay biglang sumikip ang elevator nang tumabi ito sa kaniya, kaya pasimple siyang umusog pagilid.

Nakagat na lang ni Fritz ang ibabang labi. She could not take the awkwardness she felt at that moment! Pakiramdam niya ay sasabog na ang kaniyang dibdib sa sobrang bilis ng tibok ng kaniyang puso.

"How are you?" Biglang tanong nito.

Wala namang ibang tao sa loob ng elevator bukod sa kanilang dalawa kaya malamang, siya ang tinatanong nito.

"U-uh... okay n-naman ako," nauutal niyang sagot. Marahan siyang bumuga ng hangin dahil pakiramdam niya ay malalagutan na siya ng hininga.

Natahimik ulit siyang dalawa pagkatapos no'n.

Napakapit nang mahigpit si Fritz sa folder na hawak nang biglang pindutin nito ang emergency button para huminto ang elevator.

Hinarap ni Loyd si Fritz na may ngiting delikado para sa kaniyang hindi pa magaling na puso.

Napalunok na lang si Fritz. Lalo na noong unti-unti itong humakbang papalapit sa kaniya at umaatras naman siya.

Napasinghap siya nang tumama ang kaniyang likod sa malapad na nasa likuran. Itinukod ni Loyd ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya. Nahigit niya ang kaniyang hininga nang ilapit nito ang mukha sa kaniya.

She can already smell the sweet smell of his mouth wash with their closeness.

"So..." he whispered. Halos mangatog ang tuhod ni Fritz nang tumama ang mainit nitong hininga sa kaniyang bibig. "Single ka na pala. May chance na ba ako sa'yo?"

Napakurap siya at iniwas kaagad ang tingin. "A-anong pinagsasabi mo..."

Hinawakan nito ang kaniyang baba 'tsaka marahang ihinarap ang kaniyang mukha sa mukha nito. Namilog ang kaniyang mga mata nang bigla siya nitong dampian ng isang mabilis na halik.

"I like you, Fritz," bulong ulit nito. "Can I be the man to make you happy now?"

Of Love And Chances |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon