MARAHAS NA IBINUGA NI YURI ang tubig na ginamit niyang pangmumog. Masakit ang ulo niya nang magising siya. Palibhasa hindi siya nagkaroon ng matinong tulog nitong nagdaang gabi.
"Bwisit kasi ang Mateong 'yon! Binangungot ako!"
Oo, para sa kanya ay bangungot ang tawag sa naranasan niya sa nakalipas na magdamag. Sa tuwing ipipikit kasi niya ang kanyang mga mata ay ang imahen ng hubad na katawan ng bwisit na kapitbahay niya ang nakikita niya. With matching cloud effects pa sa ibaba as if leaving the view downward to her own imagination.
"Yuri-chaaan....Yuri-chaaaan.....Yuri-chaaaaan~" His taunting voice is still echoing in her head it drives her crazy!
"Ahhhhhhhhhh! Shut the hell up!"
Hinilamusan niya ang kanyang mukha as if mabubura noon ang tila mantsang iniwan ng imahe ni Mateo sa kanyang isipan.Nguit hindi tumalab kaya sa huli ay itinuloy na niya iyon sa paliligo. Preskong-presko na ang pakiramdam niya nang bumaba siya sa munti niyang sala. Nakasunod sa kanya si Genki.
Matapos ang kanyang morning routine ay naghanda na siyang magpunta sa GALLERIA. Ngayong tapos na ang art installation na halos isang buwan lang niya ginawa, kailangan nang ilipat sa showroom nila iyon upang magkaroon na ng space sa studio niya, para sa bagong project niya. Dahil nagpasya siyang huwag ipagbili ang huling artpiece na katatapos niya, kailangan niyang gumawa ng bagong obra na mai-o-offer sa kanilang parokyano.
Gawa lang ng gawa, Yuri! Gambatte—
"Kyaaaaaaa! Ayan na! Ayan na siya!"
"Shocks! Ang gwapo talaga niya!"
"Ang yummy!!!! Ang dami naming sinangag sa bahay, sana pala nagdala ako! Look at that bodeh! Kanin nalang ang ulam, busog ka na!"
Napasimangot si Yuri nang marinig ang walang humpay na bulungan ng mga babaeng nagsisiksikan sa pader ng bahay niya habang panay ang silip sa kabilang bakuran.
"Nandito na naman ang mga pabebeng 'to!" naiinis na wika niya. They are the ones who are 'ogling' not me!
Hindi lang ito ang unang beses na nabulabog ang umaga ni Yuri dahil sa mga babaeng nag-uunahan sa pagsilay sa kapitbahay niya. Tuwing umaga kasi ay nasa labas si Mateo upang gawin ang morning routine nito—make sprints across his lawn, do push ups and curl ups, and throw punches on his punching bag.
Sa apat na taong pagiging magkapitbahay nila, nakabisado na niya ang mga paraan ng lalaki para 'magpapansin' sa mga babaeng alam nitong nagkakandarapa rito tuwing umaga.
"Pathetic!"
Matapos niyang maisara ang front door ay dire-deretso siyang nagtungo sa kanyang gate. Halos magkanda-hulog ang mga babaeng nakasandig doon nang bigla niyang binuksan ang gate.
"Aray!Ano ba!
"Dahan-dahan ka nga!
"Nakita mo namang may tao eh!"
"Kasalanan niyo 'yan. Bakit kasi kayo nandyan sa gate ng may gate. Alis nga! Nakaharang kayo sa daraanan ko! Shoo!"
Ngunit imbis na pakinggan ang pagtataboy niya ay nameywang pa ang mga 'pabebe girls' at sinamaan siya ng tingin.
"Ang aga-aga, ang ang sungit mo!"
"At ang lakas ng loob mong i-shoo kami?"
"Ano kami, aso?"
Tinaasan niya ng tingin ang mga ito saka humalukipip. Noong nasa Japan siya, na-expose siya sa bullying sa school nila. Hindi man iyon direktang nangyayari sa kanya ay tinuruan pa rin niyang ipagtanggol ang sarili niya.

BINABASA MO ANG
AISHITERU, I LOVE YOU, MAHAL KITA
RomanceYurika's Love Story. "Whatever happens, do not let anybody dictate your happiness," iyon ang bilin kay Yurika ng namayapa niyang ina. Kaya nang malaman niya ang plano ng lolo niya na ipakasal siya sa lalaking hindi naman niya kilala ay dagling nag-p...