Third Person POV
Usap-usapan ngayon sa buong Climax Senior High School ang biglaang pag-download ng game app na Black Rabbit sa cellphone ng bawat istudyante.
May kani-kanila silang numero na natanggap mula sa app na ito. Nakasaad dito na dapat itong isikreto ngunit ang karamihan ay ipinagsasabi lamang ang kanilang numero na tila ba'y ginagawa itong katatawanan at hindi pinaniniwalaan.
Dahil sa hindi nila pinag-iingatan ang kanilang numero, nakilala ng lahat ang napiling Hunter, at ito ay si Zoe mula sa Grade 11 Section HUMSS-A, ang section ni Shana.
Kinakabahan ito at natatakot dahil sa mga patakaran na kaniyang nabasa bilang isang Hunter. Namomroblema ito dahil hindi naman niya magagawa ang pumatay.
"Pa'no kung makilala mo ang Target, papatayin mo ba, Zoe?" pang-aasar ng isa sa mga kaklase nito sabay tawa nang malakas.
Sumabat din ang isa pa nitong lalaking kaklase, "Naku! Kapag daw hindi napatay ang Target, ikaw daw ang papatayin."
"Paktay na! Maghanda ka na, Zoe," panunukso ng mga ito sabay muling nagtawanan.
"Hoy! Tigilan niyo na nga si Zoe, kaltukan ko kayong dalawa dyan eh," pagputol ni Shana sa kasiyahan ng mga ito.
Lumapit din ang kaibigan ni Shana na si Zella, "Hayaan mo na sila Zoe, hindi naman totoo 'yong app na 'yon."
"Oo nga, huwag kayong nagpapaniwala do'n. Sino ba naman papatay para lang sa laro, diba?" singit ni Dryant, isa rin sa kanilang kamag-aral.
"Huwag mo nang intindihin 'yon, Zoe. Baka mamaya makulong ka pa kapag sinunod mo 'yong bwiset na app na 'yon," saad pa ng isa nilang kaklase.
Marami ang nagtatanggol at nag-aalala para sa sitwasyon ngayon ni Zoe, ngunit sadyang hindi nawawala ang mga bully na nanunukso dito.
Inilapit na rin nila ang tungkol sa Black Rabbit app sa kanilang mga guro, ngunit hindi rin matukoy ng mga ito kung totoo nga ba ang app dahil nga sa mahirap itong paniwalaan.
----
Ilang araw ang lumipas at tuluyan nang isinawalang bahala ng mga estudyante ang Black Rabbit. Ngunit madalas pa rin naman kung kumustahin si Zoe ng kaniyang mga kaklase, at ang iba ay patuloy pa rin sa pang-aasar kung napatay niya na ba ang Target.
Ang totoo, ni hindi nagkaroon ng ideya si Zoe kung sino ba ang Target dahil kailanman ay hindi sumagi sa kaniyang isip na hanapin at patayin ito. Dahil sa hindi na 'to iniintindi ng nakakarami, never na rin itong inisip ni Zoe at hindi na muling nagpaindang pa.
Ngunit nitong mga nagdaang araw, pakiramdam ni Zoe na may palaging nakatitig at nakabantay sa kaniyang paligid. Hindi nito alam kung napaparanoid lang ba siya dahil nalalapit nang maubos ang oras na ibinigay ng app.
Kasalukuyan siyang naglalakad patungo sa kanilang bahay, nanggaling kasi ito sa dorm ng kaniyang matalik na kaibigan na si Eira upang magpaturo tungkol sa kaniyang project.
Madilim ang buong paligid, tila ang buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa daan ni Zoe. Mag-aalas nueve pa lamang ngunit sadyang nakakabingi na ang katahimikan ng kanilang subdivision.
May kalayuan ang bahay nito mula sa gate ng subdivision, at nasa kalagitnaan pa lamang siya ng paglalakad nang kaniyang maramdaman na may sumusunod sa kaniya.
Binilisan nito ang paglalakad kasabay ng sunod-sunod na pagtibok ng kaniyang puso. Tumatagaktak na rin ang pawis nito dahil sa sobrang kaba. Natatarantang inilabas ni Zoe ang kaniyang cellphone at sinubukan tawagan ang kaniyang Mama, pero hindi pala sapat ang load nito upang makatawag.
Nagkunwari na lamang siyang may natawagan at inilapit ang cellphone sa kaniyang tainga, ngunit dahil sa sobrang takot at kaba, nabitawan niya 'to bigla at napasigaw dahil sa gulat nang ito ay magvibrate. Nagvibrate ang kaniyang cellphone dahil sa isang notification,
"Time's Up!"
Iyan ang lumabas sa buong screen ng cellphone ni Zoe. Biglang nagtayuan lahat ng balahibo nito nang maramdaman niyang may dumampi na kamay sa kaniyang braso.
May isang lalaki na humila sa kaniya nang pagkalakas-lakas dahilan ng kaniyang pagkawalan ng balanse sa katawan. Nakasuot ang lalaki ng black hooded jacket, black baseball cap at black fabric face mask. Tinakpan nito ng panyo ang bibig ni Zoe saka ito kinaladkad papunta sa bakanteng lote.
Malakas na inumpog ang kaniyang likuran sa matigas na pader sabay hinawakan nang mahigpit ang kaniyang leeg. Hindi ito makahinga. Hindi ito makapagsalita at makasigaw. Hindi na maabot ng talampakan ni Zoe ang sahig. Tila wala nang makalabas na hangin sa kanyang katawan.
Pilit niyang tinatanggal ang nanggigigil na mga kamay sa kaniyang leeg ngunit sadyang walang magawa ang kaniyang lakas. Unti-unti ng nauubusan ng hininga si Zoe. Hindi na niya alam ang kaniyang gagawin.
Nagtalsikan ang dugo sa kasuotan ng lalaki nang saksakin nito si Zoe. Tumulo ang mga luha ni Zoe kasabay ng pagsuka niya ng dugo. Nawawalan na ito ng pag-asa na mabuhay pa nang biglang binitawan ang kaniyang leeg. Napaupo siya sa lapag at walang alinlangan na gumapang palayo sa lalaki.
Ngunit madali rin lang siya nitong inabutan at hinila sa buhok. "Saan ka pupunta? Ha!?" nanggagalaiting sabi ng lalaki. Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga luha ni Zoe at pilit na nagmamakaawa.
"P-p-parang ... a-wa n-niyo n---" hindi nito natapos ang nais sabihin dahil pinanggigilan bigla ang kaniyang magkabilaang pisngi. Nanlilisik ang mga mata sa kaniya ng lalaki. Lalong nanginig sa takot si Zoe nang banggitin ng lalaki ang Black Rabbit app.
"Pinagtatawanan niyo lang ang app na ginawa ko diba!? Diba!?" galit na galit nitong saad. Kahit na ang mga mata lamang nito ang nakikita ni Zoe ay ramdam niya ang buong pagkagalit nito.
Inalis ng lalaki ang pagkakahawak niya sa pisngi ni Zoe at kinuha ang kaliwang kamay nito. Itinupi niya ang apat na daliri nito at itinira ang hintuturo. Dahan-dahan niyang itinusok ang patilim na hawak niya sa pagitan ng kuko at balat ni Zoe. Gustong-gustong sumigaw ni Zoe dahil sa sakit ngunit hindi niya ito magawa dahil sa takot. Lalo pa itong idinidiin ng lalaki at tuwang-tuwa habang nakikita na natutuklap na ang kuko ni Zoe.
"Ayoko na! Tama na!" sabi ni Zoe sa kaniyang isip. Hindi nito alam ngunit biglang lumabas sa kaniyang bibig ang mga salitang "patayin mo na lang ako!" Napatingin agad sa kaniya ang lalaki at walang alinlangan na sinunod ang kaniyang nais.
Itinayo siya nitong muli at isinandal sa pader. Malakas na idiniin ng lalaki sa kaniyang tagiliran ang patalim. Hindi lang isa ngunit paulit-ulit pa nitong pinagsasaksak si Zoe.
Natumba at nasubsob si Zoe sa sahig nang itapon siya nito na parang basura. Ang dami ng dugo na lumalabas sa bibig ni Zoe, ngunit gusto pa rin niyang pilitin na tumayo upang makauwi sa kanila at makita ang kaniyang Ina sa huling sandali. Ngunit sadyang wala na talaga siyang lakas dahil sa sobrang panghihina ng kaniyang katawan, kahit ang mga mata niya'y gusto na rin bumigay.
Unti-unti ng nagdidilim ang paningin ni Zoe. Ang huli na lamang niyang naaninag ay ang leather shoes ng lalaki.

BINABASA MO ANG
Death Numbers
Mystery / ThrillerWould you like your number to get picked and have a chance to be KILLED or be a KILLER? Can you stay on the game for long amidst all pressure or break and lose focus? It's a game with winners and losers but is never about winning or losing. It's ab...