DEATH03

229 133 135
                                    

Shana's POV

Tahimik akong naglalakad sa corridor pabalik sa'min classroom mula sa faculty room nang aking madaanan ang tatlong estudyante at ang isang guro na serysosong nag-uusap-usap.

"K-kasalanan ko po ma'am kung bakit namatay si Zoe," umiiyak na saad ng isang babaeng estudyante. Napahinto ako bigla sa'king paglalakad nang marinig ang pangalan ni Zoe.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, Eira. Wala kang kasalanan," tugon ng guro na si Ma'am Joyce habang tinatapik ang likod nito.

Isinubsob ng estudyante ang kaniyang mukha sa kaniyang mga palad at tuluyan nang humagulgol, "Kung hindi ko siya pinapunta sa dorm ma'am, buhay pa sana siya ngayon."

"Pero Eira, siya rin ang nasabing Hunter, diba? Kaya ma'am ang tingin ko, papatayin at papatayin din talaga si Zoe ng devil na nasa likod ng app na 'yon," saad ng isang istudyante.

"Totoo ba talaga ang app na 'yon?" naguguluhan na tanong ni Ma'am Joyce.

"Opo ma'am! No'ng una hindi rin ako naniniwala do'n, pero no'ng namatay si Zoe kinilabutan agad ako at naisip na legit nga 'yong app na 'yon," tugon ng isa.

Nakakalungkot isipin na dapat munang may mamatay bago sila maniwala sa app na 'to. Kutob ko na no'ng una pa lang na hindi biro ang Black Rabbit.

Ngunit bakit nga ba kami? Bakit kami pa ang napili na magkaroon ng app na ito? At bakit ang kaklase ko pang si Zoe ang unang naging biktima? Napakaraming katanungan na gumugulo sa aking isipan.

Nagpatuloy na lamang akong muli sa paglalakad. Nang makarating ako sa'ming classroom ay nakita kong nangongolekta ang aming class president ng abuloy sa bawat istudyante para sa pagkamatay ni Zoe, "Magbigay na kayo kahit magkano lang," saad nito. Nilapitan ko ito at nagbigay ng aking abuloy, saka naupo sa'king upuan.

Ito ang pangalawang araw mula nang siya ay pumanaw. Patuloy pa rin na iniimbistigahan ng mga pulis ang karumaldumal na pagkamatay ng aming kaklase. Malinis ang pagkakapatay dito at tila walang naiwan na kahit anong ebidensya.

Nabanggit nang nakakarami na ang Black Rabbit app na ito ang maaaring may kagagawan sa pagkamatay ni Zoe. Ngunit ang nakakapagtaka ay hindi ito nakita ng pulisya sa cellphone ng biktima, kaya naman hindi naniniwala ang mga ito sa'ming isiniwalat.

Lalong naging palaisipan ang app na 'to sa'min, dahil sa paanong paraan na-uninstall ito sa cellphone ni Zoe samantalang kahit na anong gawin ay hindi namin 'to ma-uninstall.

"Uuyyy!" gulat sa'kin ni Zella nang kaniya akong makita na nakatulala. "Tara na, kain na tayo," aniya.

Lumabas na kami sa'ming classroom upang magtungo sa canteen. Habang naglalakad pababa ng hagdan, napansin ko ang apat na estudyanteng babae na naghahampasan dahil sa tuwa at kilig.

"Halaaa ang gwapo talaga ni Ezrio!!"

"True! Buo na naman araw ko nito."

"Oy tingnan mo oh! 'Yong bruha."

"Haynaku! Magpapapansin na naman 'yan kay Ezrio."

Nilagpasan lang namin ang mga ito at hindi binigyan pansin, kahit na alam kong ako ang tinatawag nilang bruha.

Nagsimula akong tawagin bruha at titigan nang masama ng mga echoserang babae na 'to mula nang napagtripan ko ang pinakamamahal nilang Ezrio.

Hindi ko naman talaga sinasadyang pagtripan ito, nagkataon lang na nagkamali ako at siya ang nasaktuhan sa paghihiganti namin ng kaibigan ko.

*Flashback*

Niloko at sinaktan si Zella no'n ng kaniyang ex-boyfriend na taga STEM-B Grade 12, kaya naman nagplano kami nito upang makabawi sa ginawang pananakit sa kaniya.

Dahil takot sa ipis ang ex ng aking kaibigan, naisipan ko na lagyan ng ipis ang padlock ng kaniyang locker. Nagcutting class pa kami ni Zella para lang magawa ang plano namin ito.

Nagpunta kami sa locker area ng kanilang section. Habang nakabantay si Zella sa paligid, akin naman iniligay at ni-scotch tape ang buhay na ipis na'to sa likod ng padlock ng ex niya, upang hindi ito mapansin. Sakto at kulay black din ang padlock nito.

Nagtago kami sa hindi kalayuan ni Zella at hinintay na magbell at maglunch break. Hanggang sa natanaw na namin ang ex nito na papalapit sa kaniyang locker. Labis ang pagkasabik namin no'n at nais pa namin itong videohan.

Ngunit laking gulat namin ng aking kaibigan nang makita na malayang nabuksan lamang nito ang kaniyang locker.

Pagkaalis na pagkaalis ng ex nito ay amin na sanang lalapitan muli ang locker, ngunit pareho kaming napaatras pabalik nang makitang dumating si Ezrio, kasama ang dalawa nitong kaibigan at ang mga sumusunod na babae sa kanila.

Gustong-gusto namin pigilan ito ni Zella ngunit wala kaming lakas ng loob na gawin ito. Hanggang sa dinukot na niya ang susi sa kaniyang bulsa at akmang hahawakan na ang padlock nang ako'y napasigaw ng "HUWAG!"

Napalingon sa akin ang lahat pati na rin si Ezrio, ngunit dahil sa wala ng kasunod na salita na lumabas sa bibig ko, muli nitong ipinagpatuloy ang kaniyang gagawin. At tuluyan na nga niyang nahawakan ang ipis.

Ang may pagkasingkit nitong mga mata ay ngayon ko lamang nakitang lumaki nang husto. Ang kaniyang pointed nose ay halos bumilog na rin dahil sa paglaki ng mga butas ng kaniyang ilong. At ang manipis at mapupula nitong labi ay maaari ng lagyan ng mansanas sa sobrang laki.

Napaatras at napasigaw agad ito nang maramdaman ang mga galamay ng ipis sa kaniyang padlock. Napaupo siya sa lapag sabay tago sa likod ng kaniyang kaibigan na para bang bata na nagsusumbong at itinuturo pa ang kaniyang locker.

Saka lang narealize ni Ezrio ang kahihiyan na ginawa niya nang tawanan siya ng lahat.

Kahit ako ay natawa rin no'ng mga araw na 'yon dahil sa naging reaksyon niya, at hanggang ngayon sa tuwing nakikita ko ang lalaking 'to ay ipis ang sumasagi sa'king isip.

Napangisi tuloy ako nang bahagya nang makasalubong ko sa siya sa hagdan habang nakatitig naman ang nag-aalab niyang mga mata sa akin. Marahil ay punong-puno pa rin ito ng galit. Kaniya na rin akong binantaan no'n na maghanda sa kaniyang paghihiganti, na hanggang ngayon ay drawing pa rin.

----

"Tara balik na tayo sa room," aya ni Zella. "Magbebell na oh. Kokopya pa ko ng assignment," dagdag nito.

"Mamaya na! Nagmomoments pa kami ni Shana dito eh," tugon ni Dryant. Isa sa pinakapasaway at pinakamakulit na lalaking nakilala ko sa buong mundo. Halos unang linggo pa lamang ng pasukan ay niligawan na ako nito agad, na aking binusted din kinalaunan. Ngunit hindi ko alam dito at patuloy pa rin sa kaniyang pangungulit.

Tumayo na ako sa'king kinauupuan at iniligpit ang pinagkainan. "Mauna na kayong dalawa, magsi-CR lang muna ako," saad ko.

Pumanhik na ang dalawa sa taas at ako naman ay nagtungo sa CR para umihi. Paglabas ko ay iilan na lang ang estudyanteng natira at karamihan ay nagsibalik na sa kani-kanilang silid-aralan.

Paakyat na sana 'ko ng hagdan nang aking matanaw sa may hindi kalayuan si Ma'am Joyce at ang isang estudyanteng babae. Hindi ko mawari kung sino ang estudyante sapagkat nakatagilid ito.

Halata sa mukha ng guro ang labis na pag-aalala sa kaniyang istudyante. Kataka-taka ang usapan ng mga ito na nanaisin mo talagang pakinggan. Ngunit dahil masamang makinig sa usapan ng iba, umakyat na ako at bumalik na sa'min classroom.

Death NumbersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon