DEATH04

189 123 76
                                    

Shana's POV

Aking sinusuklay ang mahaba kong buhok habang naglalakad patungo sa school nang makita si Sir Ylron sa may gate. Napahinto ako at sumagi agad sa aking isip na mukha pa akong bruha. Hindi ako pwedeng humarap kay crush nang ganito.

Nagtungo muna 'ko sa likod ng poste at doon ipinagpatuloy ang pagsusuklay, ngunit napakatigas talaga ng buhok ko at napakarami nitong sabit. Hinayaan ko na lamang ang bandang dulo at nagpatuloy na muli sa paglalakad.

Nakikipag-usap si Sir Ylron sa mga guwardya ng aming school nang ito'y mapatingin sa'kin. Nginitian ko ito agad at binati, "Goodmorning sir!" sabay hawi ng aking buhok.

Ngunit imbis na sumabay ito sa hangin, sumabit ang buhok ko sa zipper ng aking backpack. "A-a..aray!" halos mapasigaw ako dahil sa sakit. Pinipilit ko itong tanggalin ngunit hindi ko ito makita nang maayos.

Napayuko ako bigla at nahiya nang lumapit si Sir Ylron sa'kin. "Ok ka lang? Akin na, let me do it," saad niya sabay hawak sa aking buhok.

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso at namula ang aking mga pisngi. Sunod-sunod ang naging paglunok ko at tila hindi makapagsalita. Pasimple kong nilingon si sir sa'king gilid at tinitigan ito habang abala sa kaniyang ginagawa.

Ngayon ko lamang siya natitigan nang ganito kalapit. Hindi pansin sa itsura nito ang kaniyang edad na 24-anyos, dahil sa kagwapuhan nito. Ang kaniyang makakapal na kilay at mahahabang pilik mata ay siyang binagayan ng kaniyang mapupungay na mata. Ang ilong nitong matangos. At ang mapupula nitong labi na talaga nga naman nakakatukso. Kung maaari ko lamang ihinto ang mga sandaling ito ay akin ng ginawa.

"Krishana?"

"Shana, are you okay?"

"Natanggal ko na ang pagkabuhol nito."

"Ms. Lopez?"

Napabalik ako sa ulirat nang tapikin na nang malakas ni Sir Ylron ang aking balikat. "Shet, kanina pa ba ako nakatulala?" tanong ko sa'king isip. Inilibot ko ang aking mata at nakitang pinagtitinginan at pinagtatawanan na pala ako ng ibang estudyante.

Nahiya ako bigla at hindi na magawang makatitig muli kay Sir Ylron. Ipinangharang ko ang buhok ko sa aking mukha saka nagpasalamat kay sir sabay tumakbo nang mabilis palayo.

Hingal na hingal akong pumasok sa'min classroom. "O anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Zella. Ikinumpas ko lamang ang aking kamay bilang tugon dito at naupo sa'kin silya.

Napansin ko ang aking mga kaklase na abalang-abala sa pagkukwetuhan. Seryoso ang kanilang mga hitsura na tila ba nag-aalala nang husto.

Nakiusyoso ako sa mga 'to at laking gulat sa'king narinig. "S-sigurado ba kayo d'yan?" tanong ko sa kanila.

"Oo Shana, patay na si Ma'am Joyce," tugon sa'kin ni Abby, aking kaklase.

Nanlambot bigla ang mga tuhod ko at nanlumo. Napakahirap paniwalaan. Ang Filipino teacher namin, isa ito sa pinakamabait na guro dito sa'ming paaralan. "Ano raw ang ikinamatay ni ma'am? May malalang sakit ba siya? Ang lakas-lakas pa naman niya, diba?" usisa ko sa mga ito.

"Ang sabi raw ng mga pulis, hinoldap daw si ma'am at baka nanlaban kaya pinatay. Kinuha raw kasi ng suspect ang cellphone at wallet ni ma'am eh," saad ng isa kong kaklase.

Death NumbersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon