"Okay kids, that's all for today!" Masayang saad ko habang nakaharap sa aking mga estudyante.
Agad naman silang tumayo sa kanilang mga upuan at kumanta ng aming "It's time to say goodbye" sa tono ng the farmer and the dell.
"It's time to end our day. It's time to end our day. It's time to say a big hooray and then be on our way!" Pagkanta nang mga ito habang sinusuot ang kanilang mga backpack.
"Goodbye kids!" I smiled and wave at them.
"Goodbye Teacher, Goodbye Classmates! See you tomorrow!" Masayang saad ng mga ito habang isa-isang lumabas ng aming classroom kung saan nag aabang ang mga magulang at sundo ng mga ito.
Napapangiti na lamang ako habang isa-isa silang pinagmamasdan. apat na taon na ang nakakaraan nang mag resign ako sa pinagtuturuan namin ni Annisa na University at lumipat sa probinsya ng Isabela upang mag turo sa isang community school kung saan isa akong kindergarten teacher. Dito ko na nagpasya na tumira nang matagalan. Well, I still communicate with my friends at suportado naman nila ako sa aking desisyon.
"Mama." Napatingin ako sa aking ibaba nang naramdaman ko ang malambing na boses ng isang batang lalake. Nakatingin sa akin ang inosenteng mga mata nito habang nakanguso. Agaw pansin ang kanyang mataba at namumulang pisngi.
Napangiti ako at agad siyang binuhat at hinalikan ang tungki ng kanyang ilong. Marahan na tumawa ito at isinobsub ang mukha sa aking leeg.
I named him Parker Jayce Granger. My three years old little sunshine. My only will to live and my everything.
Saling pusa si Parker sa class ko. Ayaw na ayaw kasi nito na nahihiwalay sa akin at madalas ay lagi itong nakabuntot sa akin at kung iiwan ko naman sa bahay kasama ang kasambahay ko ay iiyak lamang ito at magmumukmok lamang sa isang tabi.Parker is the the spitting image of his father but too bad he didn't have a Chance to meet his dad.
Matagal ko nang tinanggap na hindi na siya babalik at iniwan niya na ko ngunit naging mabuti rin na kahit papaano ay may magandang ala-ala siya na iniwan sa akin."Uwi na tayo baby ha? Finish na class natin." Masayang usad ko habang inibanaba siya at kinikuha ang bag ko at naglakad na kami palabas ng classroom. Ang kyut ng anak ko ss suot niya na paboritong bag nito na may cartoon na lion ang design. Nang makalabas kami ay agad itong nagpakarga sa akin. Marahil nahihiya sa dami ng mga tao dahil oras na nang uwian.
Maraming co-teachers at magulang ang bumabati sa amin ngunit nanatiling nakayakap lamang sa akin si Parker habang marahan na kinakaway ang maliit na kamay nito habang naglalakad kami patungo sa isang maliit na parking lot sa gilid ng school. Isinakay ko si Parker sa likuran ng aking Toyota Camry kung nasaan ang kanyang infant seat. Subo-subo lamang niya ang kanyang hintuturo at nakatingin sa akin habang inaayos ko ang seatbealts niya. Hinalikan ko muna ang kanyang tungki bago ako sumakay sa driver seat at pinaandar na ito pauwi.
30 minutes lamang ang itinagal ng byahe namin at nakarating narin kami sa aming bahay sa isang maliit na subdivision. Isa lamang itong simpling one story bungalow house na may maliit na garahe at napapaligiran ng mga malalaking puno at madamong paligid. Pinili ko ang lugar nito dahil malawak at ligtas si Parker na maglaro dito. Ligtas rin naman at may security sa subdivision na ito.
Binuhat ko ang aking anak at dinala papasok sa loob ng aming bahay. Inilapag ko ito sa play mat niya sa sala at binigay ang Captain America nito na laruan at binuksan ang TV upang makapanuod siya ng favorite cartoon nito, bago ako nagtungo sa kusina kung nasaan ang aking kasambahay na si Nana Selma. 56 years old na siya at nakatira sa labas ng subdivision na ito kasama ang kanyang mga apo. Magmula nang lumipat ako apat na taon na ang nakakaraan ay siya na ang kasama ko sa bahay. Mabait siya at magaan ang loob ko sa kanya. Ganoon rin si Parker na tinuring na ang matanda bilang lola nito.
BINABASA MO ANG
Billionaire Sorrow (Billionaire Series #4
General FictionThere is no greater sorrow than to recall happiness in times of misery. Hunter Jace Andrada Story