"You're right. Hindi bagay ang katulad mo sa mundo ko."
Kanina pa nakaalis si Hunter ngunit nakatayo parin siya sa parking ng school habang nakatingin sa pinag alisan ni Hunter.
Hindi niya alam pero biglang kumirot ang dibdib niya sa mga huling salitang binitawan ni Hunter. Right, hindi siya bagay sa mundo nito dahil hindi naman siya katulad ng mga babae nito. Hindi niya kayang pantayan ang mga babaeng nakakasalamuha nito.
Napapailing na sumakay siya sa kanyang sasakyan. Well, atleast she will not be confused and bothered again. Hunter is like a time bomb that will bring chaos in her life. Alam niyang hinda basta-bastang tao si Hunter dahil mayaman ito at alam niyang magugulo lamang ang tahimik niyang mundo kapag kasama niya ito. It's much better if she will stay away from him.
Nang makauwi sa kanila apartment ay tsaka lamang niya naisipan na buksan ang cellphone niya at bumungad sa kanya ang maraming missed call nang kanyang tito. Akmang itatabi niya ang phone nang muling lumabas ang pangalan ng kanyang tiyuhin sa screen. Ilang segundo pa siyang nag isip bago sinagot ang tawag.
"What took you so long to answer your damn phone?" Her Uncle hissed at her. bagama't hindi niya ito nakikita ay alam niyang nakakunot nanaman ang noo nito at galit nanaman ang mga mata nito.
"I'm sorry Tito, I just came home from my work."
"Reasons! What about the Hacienda? Hindi mo parin ito naibebenta?" Asik nito sa kanya.
Napapikit na lamang siya sa pangungulit nito na ibenta ang Hacienda na ipinamana sa kanya noong ten years old pa lamang siya.
Sa edad na bente anyos ay naulila sa magulang si Nika. Namatay sa ambush ang mga magulang niya noong collage pa lamang siya. Nasa Dubai ang mga magulang niya noon para sa isang Bussiness meeting nang harangin daw ng mga hindi kilalang mga tao ang sinasakyang sasakyang nga mga magulang niya papunta na sana sa airport at pauwi na sa bansa.
Nang mamatay ang mga magulang niya ay naiwan ang kompanya sa kanya at dahil nag iisang anak ay siya ang nagmana ng kumpanya t iba pang properties na naiwan ng magulang. Ngunit dahil nga hindi niya alam kung paano magpatakbo ng business nila dahil hindi related sa business ang kinuhang kurso ay ibinigay niya ang pamamahala sa kanyang tito na kapatid ng kanyang Ina. Nang mga panahon na iyon ay ito ang General manager. Pinagkatiwalaan niya ito dahil ito na lamang ang natirang pamilya niya lumipat narin ang pamilya nito sa kanilang Mansion at doon na tumira.
Doon nagsimula ang masamang pagtrato ng Asawa nito at ang anak ng mga ito. Madalas ay pinapagalitan siya ng kanyang tita o hindi naman kaya ay pinagbabawalan sa maraming bagay halos kinontrol na nito ang buhay niya noon. Ang anak naman ng mga ito na si Grace ay madalas siyang inuutusan o kaya ay inaalila marami narin siyang gamit na inangkin nito at maging ang kwarto niya ay kinuha narin nito.
At makalipas ang mahigit isang taon ay nalaman niyang tuluyan na siyang nawalan ng karapatan sa kumapanya ng kanyang mga magulang at ang iba pa nilang properties. Pinaalis narin siya ng mga ito sa Mansion ng kanyang mga magulang. Wala siyang magawa ng mga taon na iyon dahil kahit ang pinagkakatiwalaang abogado ng kanyang Ama ay pinagtaksilan rin siya. Wala na siyang mahingian ng tulong sa mga oras na iyon kaya kahit labag at mabigat sa kanyang loob ay binitawan niya ang kanyang karapatan dahil narin sa takot na baka pati ang pag aaral niya ay maapektuhan kung sakaling lalaban siya. Sa mga oras kasi na iyon ay ang pag aaral ang priorities niya.
Laking pasasalamat na lamang niya ang nakilala niya na sa mga panahon na iyong ang mga kaibigang si Annisa at Carly. Inalok siya ng mga ito na sumama sa tinitirhang apartment at agad siyang sumama dala lamang ang maletang may laman na mga damit niya at ang family portrait ng kanilang pamilya. Mabuti na lamang at mayroon din siyang trust fund at titulo ng Hacienda na nakuha niya sa pamana ng kanyang yumaong Lola na Nanay ng kanyang Ama na hindi niya sinabi sa kanyang tiyuhin. Sa tulong ng perang iyon ay nagawa niyang itaguyod ang kanyang pag aaral at mabuhay ng hindi nangangamba para sa kinabukasan niya.
BINABASA MO ANG
Billionaire Sorrow (Billionaire Series #4
General FictionThere is no greater sorrow than to recall happiness in times of misery. Hunter Jace Andrada Story