10. Twist and turns

193K 5.5K 362
                                    

Wala na si Bibay. Umalis siya - sumama siya sa mga taong sumundo sa kanya at iyong ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Hindi ko alam kung para saan ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko ngayon. Ang alam ko lang ay nasasaktan ng ganito. Hindi tama dahil nahulog ako sa isang taong hindi naman totoo. I cannot believe how stupid I was for not trusting my instinct. Hindi ko dapat pinairal ang puso. Ilang beses na ba akong nagkamali dahil doon at ilang beses na ba akong nanghina dahil puso ang pinairal ko at hindi ang aking isipan.

Nilagok ko ang ikaanim na bote ng alak na nasa harapan ko. Ibang-iba ang Bibay na kausap ni Nanay kanina. She was another version of the non - existent person I fell in love with. Habang nag-iinom ay hawak ko ang I-pad. Hindi ko matiis na hindi i-type sa search bar ang pangalang Casiel Consunji. I wanted to know about her. I wanted to see what the woman who embodied Bibay does in her world. When I clicked search - I braced myself for whatever was coming and I was right - tulad noong naisip ko habang nakatingin ako sa kanya ay tama ako. She was a rich kid. Nanlalaki ang mga mata ko sa mga salitang nababasa ko sa internet habang nakaupo doon.

Number 3 - Mechanical Engineer Exam

Number auto shop - car parts - Galaxy Parts and Auto - under Consunji Empires.

Consunji - number three richest in Asia.

Adam Consunji - renowned architect

Casiel Consunji - vintage cars enthusiast

Pinatay ko ang I-pad. Hindi ako makahinga. Mayaman ang pamilya ni Casiel. Halata naman sa kilos at galaw ng mga kapatid niya kanina. Marahil ay nakarating na ito sa ibang bansa. Siguro ay prinsesa itong pinalaki ng kanyang mga magulang. Bigay hilig, laki sa layaw samantalang ako kailangan ko pang magtrabaho ng kung ano-ano para lang magkapera. Oo at nakapunta ako sa ibang bansa noong nasa serbisyo ako but I never went there for fun while Casiel - I'm sure of this -parties like every rich girl in the country. Walang-wala ako sa kung anong meron siya. Hindi kami bagay. Bakit ko pa naisip na pwede kong mahalin ang isang tulad niya. Kung siya sana si Bibay - kung mas angat sana ako sa kanya - pero hindi. Ni hindi ako aabot sa kalingkingan ng sakong ng kahit na sino sa pamilya niya.

Nakakalula ang yaman na mayroon sila.

"Adan..." Narinig ko ang boses ni Carlo. Nakatayo siya sa may pinto habang titig na titig sa akin. May awa sa kanyang mga mata na hindi ko alam kung para saan. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang makadama ng ganoon para sa akin. Dahil ba naloko ako? Dahil ba umasa ako o dahil sa pinaniwala ko ang sarili ko sa isang bagay na hindi naman pala totoo. Hindi ko alam.

"Wag lang maawa sa akin." Wika ko sa kanya. Umiling siya.

"Hindi ako naawa sa'yo, Adan. Gust ko lang sabihin sa'yo na hindi ka ginustong masaktan ni Casiel. Noong mga nakaraang araw ay palagi niyang iniisip na masasaktan ka - she even thought of running away from here so she can spare you the pain but pain is inevitable - alam mo naman siguro iyon. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng hindi ka masasaktan. Kapag nagmahal ka, binigyan mo na rin ng karapatan ang taong mahal mo na saktan ka. Tao lang tayo, Adan, nagkakamali."

"Oo, nagkamali ako dahil nagpakatanga ako sa babaeng iyon. Did you see how she acted? She flirted with me then made me fall and when I have fallen for her she didn't even have the decency to catch me! Anong kagaguhan ang alam ng babaeng iyon! Putang ina niya!"

Ang sakit-sakit. It's Martha Simmons all over again but this time - I feel more hurt. Pakiramdam ko ay tinapakan ni Casiel Consunji ang puso ko at tinapakan iyon sa harapan ko. Galit na galit ako! Gusto ko siyang saktan.

Unkiss MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon