Chapter 3

4.6K 255 460
                                    



It's Saturday. Nakahilata lang ako sa kama dahil wala naman akong kailangang gawin. I opened my phone and logged onto my Facebook Account.

Ano kayang surname ni Sebastian? I-aadd ko sana siya, eh. And I'll stalk him! Para buo na ang araw ko!

I searched for Sebastian pero napakaraming lumalabas. Inisa-isa ko na pero pagkatapos ng ilang minuto ay tumigil din ako. Hindi ko 'to matatapos ng isang araw kapag hinanap ko talaga siya.

Hinagis ko ang phone ko sa may gitna ng kama at ginulo ang kama ko.

"Ang damot naman kasi! Kahit surname ayaw sabihin!" reklamo ko.

Paano ko ngayon malalaman ang account niya?

Nanlaki ang mga mata ko nang may maisip akong paraan. Alam ko na! I searched for Kuya Elijah's facebook account and searched his friends. I typed Sebastian and there it was!

Zan Sebastian Del Fuego.

I could feel every single pound in my chest. Napatili ako nang makita ang profile picture niyang nakaside view at walang shirt! Ang pogi parin kahit anong anggulo! Nakaupo siya sa gilid ng isang boat at naka-navy blue broad shorts. Naka-side ang ulo niya pero nakaharap parin sa camera ang katawan niya kaya kitang-kita ang abs niya.

Palahi please!

Ang cover photo niya naman ay kasama ang family niya. Nakalagay kasi sa caption niya, Family.

Kita ko na agad ang mom at dad niyang nasa gitna. Sa tabi ng mom niya ay si Sebastian at katabi naman ng dad niya ay isang babaeng parang nasa high school palang at katabi nito ay isang babaeng mas matanda sa kanya. Tatlo silang magkakapatid at iisa lang si Sebastian na lalaki.

I immediately clicked the Add Friend button. Sinubukan ko pang tumingin ng pictures niya pero naka-private na ito. Ang tagal naman niya akong i-accept! Gusto ko na siyang i-stalk, e.

Tiningnan ko ang mga friend requests ko at nakitang inadd ako ni Allistair. Inaccept ko kaagad ito pagkakita ko.

Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi parin ako inaaccept ni Sebastian. I shrugged my shoulders off. Baka kumakain na. Tanghali na kasi ako nagigising tuwing walang pasok.

I just played Mobile Legends to kill time. Si Odette ang pinili ko dahil siya ang main hero ko.

Nasa gitna na ako ng paglalaro nang biglang mag-pop up ang notification ko sa Facebook.

Zan Sebastian Del Fuego accepted your friend request.

Napabalikwas ako sa kama pagkabasa ko non. Kahit na gusto ko na sana siyang i-stalk at i-chat ay pinigilan ko ang sarili ko dahil in game ako. Rank pamandin 'to.

Nag-wipe out na ang kalaban kaya dumeretso na ako sa pag-atake ng mga tore pero itong mga kakampi ko, nag-lord pa! Eh etong nasa mid na lang ang pababagsakin tapos deretsong base na pagkatapos, pero nag-lo-lord pa sila!

amity: tulong na dito mga shunga! matagal pa sila mabuhay!

Wala paring sumunod sa akin. Bahala na nga sila diyan! Basta i-dederetso ko na 'to. Nang mapabagsak ko ang tore sa mid lane ay dumeretso na ako sa base at pinatamaan ito.

Amity username ko sa ML kasi trip ko lang. Ang ganda kasi pakinggan, nabasa ko lang siya somewhere.

An ally has slain lord.

Mga tanga talaga! Patuloy ko paring pinapatamaan ang base ng kalaban.

Victory.

I rolled my eyes. Ayaw pa nila akong tulungan ha! Lord pa more!

Between Those Little SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon