Chapter 25

3.2K 100 33
                                    



"Doc, last minute na nag-cancel 'yong next patient mo. Mapapaaga po ang lunch break niyo."

I nodded at Ivy, my secretary and went inside my small room in my clinic for a while. It had been five months since I had moved here at Quezon City and built my own clinic. Umupo ako sa swivel chair ko saka tinawag si Ivy para kumain. Kaagad naman siyang pumasok sa loob pagkatapos niyang i-lock ang main door. I looked at her stomach.

"Medyo kita na tiyan mo," I said with a smile.

She laughed a little and caressed her stomach. "Oo nga, doc, e."

Inabot ko sa kanya ang spaghetti niya at ibinuksan na rin ang akin. Hinalo ko muna ito bago kumain. Ganoon din ang ginawa niya. Sumubo muna ako ng isa bago siya kausapin ulit.

"Next week na papalit ang asawa mo as my secretary, right?" I asked.

Pinunasan niya ang labi niya at saka tumango. "Yes doc, huwag po kayong mag-alala, tinuro ko na po sa kanya lahat ng dapat niyang gawin."

I nodded. "Good, I expect him to be good as you."

The next days were tiring. Puno ang schedule ko kaya lunch time lang ang pahinga ko at uuwi naman ako tuwing seven sa condo ko. I earn enough that was why I chose to live in a condo. Lalo na at malapit lang naman ito sa clinic ko.

"You need to do an x-ray first before I put braces on you. Here," I handed the girl who was most likely to be eighteen to twenty years old a paper with the address of the clinic she must go and the things she must do there. "Kailangan mo rin ng photo analysis and cast."

Tumango siya at saka umalis na. Nag-unat ako dahil pakiramdam ko ay na-over use ko na ang kamay ko. Sunod-sunod ba naman ang binunutan ko kanina! Buti nga at itong last ay check-up lang.

"Hello, baby."

Sinalubungan ko ng yakap si Francesca. Her little arms were wrapped around my nape. I heard her giggle when I sniffed her neck. Pinakita ko sa kanya ang inuwi kong ice cream kaya natuwa siya. Binuhat ko siya at saka kinandong nang makaupo sa dining table ng condo ko.

Nakarinig ako ng pag-flash ng comfort room at tumambad naman sa akin si Frances. Napasimangot siya nang makitang kumakain ng ice cream si Francesca.

"Nako, ikaw Laureen ha, nasasanay na 'yang binibigyan mo ng ice cream! Magkaka-diabetes ang anak ko dahil sa'yo, e!"

I chuckled at her rants. "Buti naman at naisipan niyong bumisita rito sa condo ko, ang lungkot, e! Mag-isa lang ako!"

Umupo siya sa center ng table. "Of course, gusto ko lang i-check kung buhay ka pa."

"Gaga!" I rolled my eyes at her.

"Wow, so professional, doc," she said in a sarcastic tone.

Pinunasan naman niya ang labi ng anak niya nang kumalat na ang ice cream sa kanyang mukha. Natuwa ako sa itsura ni Francesca dahil naka-nguso pa siya habang pinagsasabihan siya ni Frances tungkol sa pag-kain niya.

"Where's Brandon?" I asked, referring to her husband.

Binuhat ko ang anak niya papunta sa couch saka kami naglaro ng dolls na dala niya. Ngayon ko lang ulit makakasama 'tong cute na batang 'to, e.

"Nasa company pa rin," she said.

I shrugged my shoulders off. Talagang busy ang asawa niya lalo at siya ang mamamahala sa kompanya nila soon. Si Frances naman ay second year college med student na. She graduated Bachelor of Science in Medical Technology three years ago. Na-delay siya ng isang taon dahil sa pagbubuntis niya kay Francesca. Mabuti nga at nand'yan ang parents niya to look out for the kid while they're busy with school and work.

Between Those Little SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon