Estudyante ka ba ?
Hindi yan pick-up line kung yon ang nasa isip mo,tanong yan,at kung oo,malamang nararanasan mo rin ang nararanasan ko,mahirap di ba,kaya kung minsan di nila tayo naiintindihan.
Dito naten naranasan bumagsak sa mg subjects,mabigo sa pag-ibig at makakilala ng mga super friends na mamimiss naten kahit isang araw lang na di magkita.
At higit sa lahat dito natin mararanasan ang pinaka masayang tagpo ng ating mga buhay :)
Ayon,1st Story ko po,na inspire lang.
This is a Compilation Of a Different stories from Different People :)
Enjoy Reading,Basa Basa din pag may Time.
Chapter 1 : Ang Simula.
"Ms. Caranzo,Late ka na naman"
banat ng mga teacher na lagi kong naririnig tuwing umaga.hindi maganda sa tenga lalo na sa pakiramdam,ung tipong ginawa mo naman ang lahat para di ma-late,Epic Fail nga lang,may reason nga,Di naman pinapakinggan.
------------------------------------------------------------------
Ako nga pala si Kael,pero nickname ko lang yon,noong bata ako,naiinis ako sa pangalan ko na sobrang haba kaya hirap na hirap akong isulat yon sa pad paper kaya sa bahay pa lang lagi ng may nakahandang papel ko na may nakasulat na pangalan ko para di ako mahirapan.
"Kate Gabriel J. Caranzo"
at kahit gaano ko pa gustong kalimutan ang pangalan kong mahaba,di pa rin ako nakaka iwas lalo na pag nag checheck ng attendance si teacher.Buo niya pa ring tinatawag ang pangalan ko.
Nagmula ako sa angkan ng mga Inhenyero at Arketikto,kaya paglaki ko,Ineexpect nila na ang kukuhanin kong kurso ay Isa man sa Dalawang yan,
Kaya nagulat sila ng makita ang Enrollment form ko sa isang Eskwelahan,Hindi ang Inaasahang kurso na gusto nilang kuhanin ko ang nakita nilang nakalagay sa form na yon,
"AB Psychology"
"seryoso ka ba dito ?" tanong nila.parang di makapaniwala na nalihis ang kurso ko sa angkan namin.
Alam ko,Nakakapanibago na sa buong angkan namin,ako lang ang kumuha ng ganitong kurso,ako lang ang di nag ka-interes na kumuha ng Engineering o Architecture,Pero wala eh,Ito ang napusuan kong kuhanin,gusto ko namang maiba,at tsaka naisip ko,andami na ngang Engineer at Archetict sa mundo,Dadagdag pa ba ako ?
In short,Kahit tutol na tutol sila,eh wala rin silang nagawa kundi Ienroll ako dahil di nagbago ang desisyon ko.Ngayong pasukan,papasok ako bilang Psychology student sa isang paaraalan,at dito mag sisimula ang lahat.