Buhay Estudyante.

110 1 0
                                    

Chapter 2 : Ang Pasukan.

First Day Of School,

Umuulan,

Sayang ang porma,todo sapatos pa naman at jeans,mababasa lang pala,ang hirap pang sumakay.

First Day pa lang pero dama ko na ang pressure,partida,Di pa ako nakakarating sa Eskwelahan ko nito.

Pagkatapos ng Isang oras ay Nakasakay naman ako sa isang Jeep,Jeep na daig pa ang BUS kung  makakuha na pasahero,Hayip parang video games lang,nag iipon ng bunos kaya walang pasaherong nilalagapasan,ang target ata eh ang mag sakay ng kwarentang tao sa jeep niyang pang bente katao lang.

Natapos din ang kalbaryo ko sa jeep na yon,nakababa naman din ako ng matiwasay sa may sakayan ng LRT,pero susme,mas matindi pa pala ang dadatnan ko kesa nung nasa jeep pa ako,Dito eh,kung hanggat kayA,isisiksik ng mga tao ang sarili nila para lang makasakay,buti nalang di uso ang sabit dito dahil kung nagkataon,waley na talaga.

And the moment comes,nasa school na ko,eto na to.

--------------------------------------------------

End of Chapter 2 :)

mamaya ulit,isipisip muna. :)

Buhay Estudyante.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon