Chapter 3 : Klasrum

89 2 0
                                    

7:30am ang klase ko ng umagang yon,pero dahil nga nahirapan akong sumakay 8am na nasa gate palang ako ng Eskwelahan namin,eh ang room ko para sa umagang yon ay nasa ika-limang palapag pa,buti sana kung uso ang elevator,walang problema,pero hindi,aakyatin ko ang limang palapag na yon gamit ang aking lakas at basang mga paa.

Habang umaakyat ako,Nag-iisip na ko ng sasabihin ko sa professor ko kung bakit ako nahuli ng umagang yon,Iniisip ko na din kung ano ang itsura ng mga bago kong klasmeyt,may mukhang maayos kaya o may mukhang alien,mukhang weird or yung bully type.

Sa dami ng Naiisip ko,di ko namalayan,nakarating na pala ako sa ikalimang palapag,

Napahigit ako ng isang malalim na pag hinga bago ako pumasok sa isa sa mga kwartong naroon,nag handa ng aking sasabihin,at unti-unting inihakbang ang paa papasok sa silid aralan,

"Your 45 minutes late"

Bungad agad sa akin ng nadatnan kong propesor,hayip bilang na bilang niya kung ilang minuto akong nahuli sa aming klase,ang balak ko na unahan siya ng paliwanag pagpasok ko ay nawala,di pala uubra sa kanya.

"Sorry for being late maam"

at pagkatapos nun,tuloy tuloy na kong pumasok sa room at naghanap ng mauupuan,at isang babaeng nakasalamin ang nag offer saken ng silya na nasa tabi niya.

"Miss dito ka na" with matching smile pa ang pang aalok na iyon,

at dahil ayaw kong magtagal na nakatayo sa harap ng buong klase habang sinusundan nila lahat ng galaw ko ay umupo na ko agad sa silyang inialok sakei ng babaeng may salamin.

Pagkaupo ko,napanssin ko na lahat pa rin sila ay nakatingin sa akin,hanep para akong isang kriminala na nakagawa ng isang malaking pagkakasala,huminto lang sila sa pagtingin sa akin ng magbsalita ang propesor sa harapan.

"Okay class,since mukhang wala na tayong hinihintay dahil dumating na ang lahat ng estudyante sa klaseng eto,sige kumuha kayo ng 1 whole sheet of paper"

shit !! simula pa lang may activity na agad ? patay !!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Buhay Estudyante.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon