Chapter 4:Tony?

295 18 10
                                    

Binasa ko ng pabulong ang nakadikit na sulat sa aking upuan

"kung walang nagsasabing maganda ka,ako na magsasabi sayo,maganda ka basta wag kang mahihiyang ngumiti"at may drawing na emoji nakangiti

napangiti ako matapos kong mabasa ang sulat

wow that's unexpected than i thought! aaminin ko napangiti ako dun kahit simpleng sulat lang,pero sino naman maglalagay nun sa table ko? hindi kaya si Tony?pero impossible naman yun napaka suplado nun tsaka sa itsura niya hindi niya type mga tulad ko,pero napansin ko lang hmm,may ka-close ba nababae yun??

napatingin ako sa paligid ko at nagmasid sino ang pwedeng maglagay ng sulat sa table ko

ahhhhhh bakit ba kasi ang random ng mga tao dito lagi akong pinapaisip kanina pa sumasakit ulo ko ahh,buti nalang wala pang masyadong gagawin ngayon,buti nalang talaga!maka upo na nga lang.

habang nakaupo ay hawak hawak ko ang sulat na may pagtatakang tanong na nakaukit sa aking mukha

sino ka ba talaga?bakit hindi ka nalang magpakilala sakin?

at may biglang gumulat sakin sa tabi

"woi!okay ka lang girl?kanina mo pa tinititigan yang sulat na yan"

"may nakita ka bang naglagay nito sa table ko?"pagtataka kong tanong

"ayy wala beh kala ko nga notice ng meralco eh HAHAHA! ano ba nakasulat?"

"ahh wala"

hindi ko naman kailangan sabihin lahat noh, i want to keep this privately,kung sino man naglagay nito sa table ko babae man o lalaki i want to thank that persnon,gumaan kasi loob ko eh,baba talaga ng kaligayahan mo Natalie ano ba yan!

bigla siyang ngumiti sakin at inabot niya kamay niya sakin

"wag kang mahiya sakin girl,by the way ako nga pala si Madeline Finch"

cute niya ah aaminin ko ganda ng kilay niya,sana hindi drawing.

ayan ka nanaman Natalie!apaka sama mo talaga pero inferness ah kahit flat siya ang amo ng mukha niya tsaka cute ng ilong niya maliit na matangos hehe sana all matangos.

hala kanina pa pala naghihintay sakin toh.

inabot ko din ang aking kamay at nakipag kamayan ako sakanya

"Natalie Grey"nahiya pa eh noh?charan.

at sumagot naman agad siya "nga pala beh pwede ba kong tumabi sayo?wala din kasi akong makausap sa pwesto ko eh

"sige"ang ikli ng sagot ko,ano ba gusto niyong sabihin ko?hays.

hindi ko inasahan na first day palang eh magkakaibigan agad ako,ayaw ko sana eh pero ang bait ko ata ngayong araw,ng dahil sa sulat na yun ang weird talaga.

nagsimula na ang aming klase hindi ko inasahan na ang daldal niya beh.

"nga pala Natalie matanong kita.."

bigla akong kinabahan ah

"ano yun?"

tsk eto ayaw ko eh kapag may tanong tapos biglang sasabihin na may sasabihin sila,hindi pa nila sinasabi ang dami ko na agad sinasabi.

"nag ka boyfriend ka na ba?"

awww sana all nalang ,nabigla ako sa tanong niya ah tsaka bakit niya natanong sakin yun may pinagdadaanan ba si ate girl?

Our Story Is Not Yet Finished (On Going) Where stories live. Discover now