YABAG NG LUMPO

140 0 0
                                    

Sa Panulat ni K.

Maagang sumuong sa mga pagsubok

Sa agos ng buhay, masusing lumahok

Kahit ang problema'y tuluyang mag-amok

Bitbit ng tadhana'y mapagbirong alok


Tatak edukado at salat sa yaman

Kapintasang surot di naging kawalan

Di alintana kanyang kalagayan

Maipagtanggol lang bayang sinilangan


Nagdala ng sulo at pag-asang pakpak

Ang hatid sa baya'y malayang halakhak

Yabag mo Mabini, sa ami'y tumatak

Salamat Ka Pule, kami'y nagagalak

BAYANIWhere stories live. Discover now