Sa Panulat ni K.
Pagharang ng itak sa baybaying dagat
Sanhi ng kasaysaya't natatanging alamat
Hatid ay simbolong, hayag na malinaw
Pag-ibig sa baya'y lubos umaapawHindi nagpasindak, sinumang kaharap
Basta't kalayaa'y atin ngang malasap
Bitbit ang talino't instrumentong pluma
Maging kapalit ma'y buhay na bigay NyaIlang inspirasyong nagpunla ng binhi
Nagsindi ng apoy ng makabayang pisi
Di man mapantayan dulot nilang serbisyo
Handa kong ipagsigawang AKO'Y PILIPINO