Chapter 10

13 0 0
                                    

Troy's Pov

Nakatingin ako sa salamin at syempre ano pa bang gagawin ko edi sasambahin ang gwapong mukha na binigay sakin ni Lord

"sayang namn ang mukha ko pag nasuntok nanaman ako"

Kinuha ko ang suklay at nagsimula ng ayusin ang buhok ko. Pero ginulo ko rin agad agd ito

"may balak ba syang patayin ako?"

Nagflashback sakin lahat ng mga pangyayari

"una pinagtangol ko saya kaya ayan naging malala ang sitwasyon ko"

Nakatingin ako sa salamin habang binibilang ang mga pangyayari na nagpabago sa buhay ko

"pangalawa kailangan kong makulong sa lugar na ito"

"pangatlo habulin na ako ng gulo dati chicks lang ngayon Diyosmeyo! ano ba tong napasok ko"

Napakamot ako sa ulo ko

"at napapansin ko sa kanya kayang kaya namn pala ang sarili iintayin pa akong mamatay sa bugbog.. Gusto ata akong mamatay!"

Kinuha ko ang sipilyo at nagsimula ng linisin ang ngipin ko

"Yan taong yan baliw ata"

"loka-loka"

"basagulera"

"sakit sa ulo"

"at ano pa honey"

Nanlaki ang mata ko na nakita ko na nasa tapat sya ng pinto

"hindi ka ba marunong kumatok?"

Ngumiti sya na parang plastic at sinara ang pinto sabay kumatok

"loka loka talaga oh" pabulong na sabi ko

"ayan kumatok na ako at pumasok na .. Ano pa honey sasabihin mo? Ako ba yung tinutukoy mo?"

" hindi ha! Yung bago kong mga classmate"

"sigurado ka?"taas kilay na sabi nya sabay hawak sa balikat  ko at nilaksan nya pagkakabaon dito

"ARAY"

"Minamasahe lang naman kita ah"

Bigla nanaman nyang binaon ang kuko nya sa malikat ko

"aray ko, nasasaktan sabi ako!"

Tinulak ko sya bahagya ng mapasandal sya sa dingding

"bat ba ang pasaway mo"

"ha?" sabi nya sabay irap

Bahagyang aalis na sya ng iharang ko ang braso ko . Nakasandal sya sa pader at nalapat ang kamay ko sa pader kung saan sya malapit

"alam mo bang muntik na masira ang magandang mukha ko dahil sayo"

Nangigigil talaga ako dahil mukha ko nga ang puhunan ko diba... Hindi namn ito ibibigay ni lord kung di ko pakikinabangan tapos masisira lang

"so?" pilosopong sagot nya

"ANO!"galit na sabi ko

Tinaas nya ang kamay nya at hinipo ang mukha ko sabay bumulong na para bang nangaakit

"ayaw mo noon titigilan na kita kasi pangit ka na..."

Hindi ko napansin na napakalapit na pala namin sa isat isa. Amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga

"HA!"

Nilapit nya ang mukha nya sakin at akmang hahalikan ako nanlaki ang mata ko sabay pikit isang malakas ng bagay ang tumama sa sikmura ko kaya nabitawan ko sya at napaupo sa kinatatayuan ko.. Sinikmuraan nya pala ako ..

"araaaayyy... Napakabutal mo tala"

"bheh!hahah" sabay labas ng dila nya na para bang binubully ako

Umalis sya habang ako ay namimilipit sa sakit

"nakakainis takagang buhay na toh"

Pagkamove on ko sa sakit ay tutulog na sana ako sa kwarto namin napansin kong wala sya doon

"hinahanap nyo po ba si Maam?" tanong ng maid nya

"oo sana"

"pinapasabi nya po na hindi na daw po sya tatabi sa aso nya" natatawang sabi nito

"Ha? Anong Aso?"

"yun po ang sabi nya"

"ako? Aso" naiinis na tanong ko

"tapos may pinabibigay po sya sa inyo"

Inabot nya sakin ang isang kahon tapos umalis na

"ano kaya ito"

Flat lang yung kahon at sosyal ang itsura pagbukas ko gusto kong magwala sa galit

"ABA! GRABE!!"

Isang collar ng aso na may nakaengrave na "HONEY"

"Anong tingin nya sakin ASO!!"

Tinignan ko ito at naiinis ako sa galit ah

"Teka lang parang mamahalin ito ah.."

Kinagat ko yung collar na nakaengrave mukha kasing ginto ...

"aba parang ginto talaga ito"

Napaisip ako bigla matutuwa ako o maiinis?

"Hi Honey nagustuhan mo ba ang gift ko sayo?"

Paglingon ko ay nakita ko si larea nakangiti na parang nangiinis

"aso ba ang tingin mo sakin?"

"yeah" natatawang sabi nya

" aba grabe ka--" naputol ang salita ko ng bigla nyang ilapat sa bibig ko ang hintuturo nya

"dont worry dear your be my dog just for a while ..."

Nilapit nya ang bibig nya sa tenga ko

"hhaaaaaaa" bigla syang huminga dito na nagpatayo ng buong balahibo ko

"akin ka hangang sa nagsawa ako"

Tumingin sya sakin na parang isang babang nangaakit .. Pero pinilit kong labanan sya ng titig

"hump" tapos ngumiti sya

Hindi ko mabasa ang nasa isip nya gulong gulo ako sa mga pinahihiwatig ng mga mata nya.. Kahit nakangiti sya na mukhang nangaapi pero parang nakikita ko sa mata nya ang lungkot

"ano ba talagang iniisip mo?"

Nagulat ako ng bigla nya akong halikan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Girlfriend Is a GANGSTER!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon